Lunes, Hunyo 29, 2015

Perstaym ko sa Mt. Cloud

Dahil wala pa kaming itinerary, tamang inassist naman kami ng mga taga Azalea para makapag-gala-gala naman sa Baguio. Dumarami na rin kami at may lokal na rin kaming kakilala. Nagpahatid kami sa may Session Road kaso medyo inabutan kami ng ulan. Ready naman sa payong kaya go lang ang lakwatsa.

Nagkayayaang pumunta sa Mt. Cloud. Nasa loob sya ng Casa Vallejo at akala ko usual na gimikan lang sya at meron pang katabing spa. Pero pagpasok namin, simpleng bookstore pala sya pero matutuwa ka sa space na ginawa nila. May 2 floors sya at parang sinadya para sa magandang photoshoot na sinamantala namin. Dahil ang modeling ay para sa ekonomiya.
Photo op lang katabi ng mga libro
Bookstore counter
Climb-on shelf
Iba't ibang klaseng libro ang mabibili dun. From children's books hanggang political references. Kung nakapag baon-baon pako ng pera, baka may nabili pa akong libro. Pero dahil medyo gutom na kami, eto ang susunod nating pupuntahan. Click!

Kung gusto nyo pang malaman ang tungkol sa Mt Cloud, bisitahin nyo ang Facebook nila. Pag may tanong, tumawag sa (074) 424 4437.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Perstaym gumala (as in!) sa Baguio

So eto na nga. Salamat sa Azalea Residences para maexperience ko naman ang Baguio kahit hindi na summer. Actually mas naenjoy ko ang Baguio ngayon kasi last time is 11 years ago na ata at dahil school activity pa yun. At ngayon, marami nang activities kaming nagawa at wala masyadong tao. Imagine ko kung gaano kalala kapag summer o kaya kapag Panagbenga.

Wala akong tulog bago pumunta ng Baguio. Actually nag-videoke pako with officemates at past 10PM na nakauwi. Kailangan ng empake at di talaga dapat matulog kasi napaaga daw yung byahe namin. Buti nalang talaga nag-online ako at nakita ko ang changes sa schedule. Kung pupunta ng Baguio, dapat maaga talaga. Madaling-araw, ganon. Kasi di mo maeenjoy yung pagsikat ng araw sa dadaanan mo at parang kukulangin ka ng oras. Okay pala pag sa Joy Bus ka nakasakay. Narerecline nang maayos yung upuan parang LaZboy chairs, may free food and mineral water, aside pa sa na-provide ng sponsor. Pero tinulugan ko lang lahat yun sa byahe. Around 430AM kami umalis ng Cubao at dumating ng Baguio nang 830AM. Naabutan pa namin ang KrisTV sa byahe na episode nina #DanRich at ewan ko nalang kung anong pagbibida-bida ni Bimby sa episode na yun. Four hours lang pala ang byahe. Namulatan na ako na UP Baguio na pala yung nasa kaliwang bintana at ready na pala kaming bumaba.

Pagdating namin sa Baguio, etong mga bibong staff ng Azalea na itatago natin sa pangalang Paul, JC at Debbie e napaka-nice na hinatid kame sa hotel with their branded van. At pagdating sa Azalea e may welcome drinks agad from 8 Degrees Lounge. Tapos open din ang breakfast buffet sa Tradisyon pero kumain kami sa Tent. (Sipsip na ba sa Azalea? Hahaha)

After a few pictorials of the hotel, punta muna kami sa make-shift room. Before lunch, nagpunta naman kami sa Botanical Garden. Mga 5 minutes lang mula sa Azalea by driving. At eto na nga ang start ng galaan.

Baguio Botanical Garden
Medyo umaambon nung pumunta kami sa Botanical Garden. Ok lang para di masyadong mainit. Nakakapaso din kasi kapag tirik ang araw sa Baguio, tanghaling tapat pa naman. Sa dami ng bagyong dumaan, may ilang attractions sa Botanical Garden ang may sira na. Pero kita pa rin na inaayos ito at maganda pa rin.
Habang paikot ikot kami sa garden, nacurious ako kasi may malaking Japanese arch na may papasok na madilim. Pinasok namin yung Japanese Tunnel na ginawa pa pala noong panahon ng Hapon. Since libre naman, sumunod kami sa tour guide na nageexplain sa history nung lugar. Dati palang kuta ng mga Hapon yun na ginawa ring dating ospital. Malamang sa alamang e marami ring mga namatay dun. Sabi din nya, doon din daw nakita si Gen. Yamashita at doon nya tinago ang mga kayamanan nya.
Japanese arch sa may Tunnel

Tour mula sa loob ng Japanese Tunnel sa Baguio Botanical Garden. Sabi ng tour guide namin, dati syang make-shift hospital nung WWII at nakita dun dati si Gen. Yamashita at Yamashita's treasure. #aftersummer #BaguioCity
Posted by Perstaym on Sunday, June 28, 2015
Nung makalabas na kami ng Botanical Garden, nagpose din ako sa signage. May mga nakaabang na matatandang Igorot pero kapag nagpakuha sa kanila, may fee na. Bilisan mo nalang umalis para di ka masingil pero kaunting tulong e pwede din.
Bumalik na kami ng Azalea dahil medyo nagutom na kami. Tapos kaunting pahinga at gumala gala pa rin.

Marami pang mangyayari sa pagpunta ko sa Baguio sa mga susunod na blog. Malaking thank you pa rin sa Azalea Residences Baguio na nagsama sakin para macheck naman kung ano ang pamumuhay sa Baguio kapag hindi summer. Sundan lang ang mga link. ;)

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Martes, Oktubre 28, 2014

Planuhin na ang bakasyon! Holidays 2015

Eto na ang hinihintay mga friendship! San tayo? Nagbigay na ng Holiday List ang Malacanang for 2015!
So san tayo?

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Linggo, Oktubre 12, 2014

Perstaym ko sa Eat Bulaga!

Yes! One in my bucket list is to watch Eat Bulaga! Gustong gusto ko talaga panoorin yun. Legend na sya at patuloy pa ang paglipat at pamimigay ng surpresa! Kahapon nakanood na rin ako dahil sa work. You love my job, alright! Special thanks na rin sa Mead Johnson making this possible. Kasama ko ang officemate kong si Caryn and Panatag moms Erica, Lariza, Dianne and Tita Millet. Napakasaya ko ng araw na yun!
Di ko naman ineexpect pero harap na harap kami ng stage. So malapit ang access namin with the Dabarkads and malaki ang chance na makita sa TV which really happened!

We are all in red kasi yun ang color ni client. Then we saw rehearsals on stage at nakita pa namin ang cute na cute na si Ryzza! Now we know kung ano ang steps ng Eat Bulaga anthem. LOL When the show started, tuloy-tuloy na ang saya! First segment palang, kita na kami alongside Anjo Yllana. Then nabigyan din kame ng number para mabunot sa raffle!
Kitang kita ako sa TV! Kahit anong pagpapacute ko e kitang kita ng nanay ko sa bahay at ng iba ko pang kakilala. That's another big item in my bucket list na crossed out na! As the whole program goes on, marami pang masasayang nangyari. Enjoyed the whole afternoon with a couple of photos. Especially with Ryzza and Tito Sen.
Kung gusto nyong panoorin ang episode kahapon, click nyo lang dito and look for the Lactum segments and Juan For All, All For Juan.
http://www.pinoy-ako.re/2014/10/eat-bulaga-11-october-2014/

Panoorin nyo lang ang longest-running Musical Variety Show sa TV ang Eat Bulaga, Mondays-Fridays, 12noon after The Ryzza Mae Show at Saturdays, 11:30AM. Enjoy mga Dabarkads!
Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?
Share:

Linggo, Oktubre 5, 2014

Perstaym mo ba sa Island Cove?

Hi friends, miss me? Matagal-tagal din akong di nakapag-update ng blog na to because, di ako nakakapag-travel! Hahaha! But I'd like to share with you my return sa first out-of-town place when I entered the blogosphere. Yes, I've returned to Island Cove after 5 years when Yehey introduced it to us. And since long weekend naman, I grabbed the opportunity to come back to this memorable place, thanks to Nana.
Ganito kasi, nung una is meron kaming mga challenges habang nililibot namin ang buong Island Cove so parang kahit papaano, wala kaming idea kung ano yung mga nagaganap at meron sa facility but we had a lot of fun. Ansarap isipin na Jen, Jeff and I are reminiscing our experiences sa Island Cove. But this time, inaalala namin kung ganoon ba talaga ang itsura ng Island Cove 5 years ago. Marami nang nabago. But some good places are still looking good tulad ng Fishing Village, Hotels, Oceania Pool and Zoo. May warm welcome pa si Managing Director Gilbert Remulla sa amin when we arrived! And that's just less than an hour road trip from Makati!
Facilities
Kahit may mga ilang tweaks and add-ons, mage-enjoy pa rin talaga sa Island Cove. Isa sa fave ko yung sa Animal Island. 1/3 ng 36-hectare facility e educational tour with the animals. From butterflies, to birds, to reptiles meron. Wag na wag lang talaga papahawak sakin yung ahas at mini-Crocodile. But masarap pakainin ang tigers named Gerald and Jasmine, both born in captivity and were fed 8 kilos of chicken head a day.
Kuya feeding Gerald.
Then pwede mo ring pakainin yung mga ostrich, more than 10 large crocodiles and monkeys sa dulo ng Animal Island. May libre pang touch ng albino python at pwede ka ring mag ala-Robin Hood hawak ang isang lawin.
Photo from www.aspacio.net
Then inikot namin yung ibang facilities. Bago sa Oceania Park e may malaki na silang inflatable slide. Meron din sa isang banda yung water playground ng mga bata kaya walang pwede malunod dun. Safe pa kasi rubber yung flooring.
Di nalalayo e yung Interactive Area na pwede kang mag XBOX. Nagtry ako ng isang dance. LOL Buti walang video.

After a few rounds with the accommodations, gym and spa area (wished that I was included in the list na nagpamasahe that day), we had a very large feast with Gilbert Remulla himself. Tinapatan ko agad ang seafood (#AlamNa). At napasubo ako when their resident band na nagiiikot sa mga guests to sing-along with them. Ehem! It was also a moment for us to interview Gilbert Remulla and learned more things about Island Cove. Nakakatuwa pang nabibiro din namin sya that time, but he more earned our respect in managing the whole area.
Fishing Village Photo by Nana Nadal
Singing along with Island Cove's band
Then Tita Millet, Jen, Jed and I had our own relaxation in the Bayside KTV na ang laki laki ng room!  Nung nakaramdam na ko ng paos, pumunta naman kami sa may Interactive area. Another rare time na nakapaglaro ako ng billiards. Did 2 games pero hindi natapos yung second kasi malapit na mag-dinner sa Sangley Point. Ok lang kasi dinner naman yun. Sino ang papalag diba?
Bayside KTV made from concrete and recycled container vans
Snack / Dinner is finally underway. The best of Sangley Point is their Pork Ribs na pwede mong lagyan ng iba ibang sauce, especially Jerky Sauce. Then there's pizza, pasta and burgers for everyone to share. Busolve lahat!
Pork Ribs and Corn
Soy Chicken with Coleslaw
Burger and Caesar Salad
Kahit nakakapagod, e sulit na sulit ang experience sa buong Island Cove. To learn, relax, enjoy and have fun, highly recommended ang Island Cove para sakin. Can't wait to go back again and have an overnight stay!

For bookings and functions, you may contact Island Cove at www.islandcovephil.com and follow their updates via Twitter and Instagram: @islandcovephil.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?

Share:

Martes, Mayo 6, 2014

Perstaym ko sa Mangrove Cove

Isa sa mga favorite spots ko ngayon yung Mangrove Cove. At almost complete kame ng mga kabarkada ko sa magandang getaway na ito. Medyo may kamahalan pero ok lang. Sulit sa gastos at byahe ang pagkakapunta namin dito.
7AM ng Sabado nang magkita kita kame sa Riverbanks. Dala ang mga damit at pagkain na pang 3 days, 2 nights na bakasyon. Masaya naman at buong byahe e puro kuwentuhan at walang boring times. Excited din akong makawala sa stress sa siyudad kaya sinulit ko talaga ang bakasyon na ito.

From Marikina, drive hanggang Batangas City Pier ang biyahe. Mga 1.5 hours din yun. Pagdating namin sa pier, may mga bangka na naghihintay na sa amin. Malaki yung bangka. Pang 20+ na tao ata. 10 lang ata kame kaya sobrang luwag ng bangka at pwede kang magmoment at gumawa ng MTV para di ka mabored. Medyo malakas ang alon papunta sa Mangrove Cove. Bago ka makarating dun, may mga madadaanan ka ring mga resort. Pero ang drama, parang nasa kasuluk-sulukan ata ang resort namin. Parang nagtatago.

Pagsilip ng Mangrove Cove, parang ayaw mo nang umuwi. Ang ganda! White sand at talagang parang ikaw lang ang may-ari ng resort. Andaming facilities except sa pool. Wala ring signal ang mga networks pero may wifi. Too bad meron akong promong minamanage nun kaya may dala akong laptop. Pero at least naenjoy ko pa rin. May mga surfboards kahit walang alon dun at napakatahimik. Malinaw ang tubig at wala masyadong tao. Nakakakalma talaga ng pakiramdam.

Kinuha namin yung pinakataas na area na may 5 rooms, bar, veranda, sala at kitchen. Para tuwing umaga, ganitong eksena makikita mo:
Maganda yung may sariling kitchen para makagawa ng mga gustong recipe nyo sa buong stay nyo. Pwede ring magpaluto kina ateng bantay para makapag relax relax kayo. Pero mas inenjoy namin ang pagluluto. Akalalain mo, ambongga ng mga recipes namin.
Nung medyo hapon hapon na, Nagtry kaming lumibot sa buong cove. Dahil may surfboard at stable naman ang dagat kaya hindi delikadong maggala. Tutal yun lang naman gagalaan namin kaya ok lang. Nature tripping ang gimik namin at wala na kaming ibang masabi kundi "Ang ganda!"

Salamat kay Janah dahil sya ang nagbook sa amin para makapunta dito!

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?

Share:

Sabado, Disyembre 15, 2012

Perstaym ko sa Divisoria

well, di naman actually. kahit papano matagal nako nakapunta dun. dipa ako marunong mamili e dinadala nako ni mama sa Divisoria para mamili ng mga kelangan nya sa school. art teacher kasi sya. kaya yung mga materyales para sa handicrafts e binibili nya sa Divisoria at isa ako sa mga taga bitbit nya.

wala pang LRT nung nagpupunta kami. kaya mula sa Cubao, sasakay kame ng jeep papuntang Divisoria. mahigit isang oras ang byahe nun kasi nata-trapik kami sa may Legarda. madalas mainit pa at wala nang sariwang hangin sa Maynila kaya madalas nahihilo ako. pero ngayon may LRT na, mas madali nang pumunta sa Divisoria.
una kong nakikita lagi dun e yung Tutuban. ibang part nun sunog na. may nangyari lang kasi mga ilang buwan na nakalipas. pero bihira kame nakakapamili dun. dun talaga kame sa may Soler, Juan Luna -- basta yung mga nakapaligid sa Divisoria Mall. may mall naman pala dun e bakit dun pa kame sa maputik naglalagi?

nung nakasanayan ko na, at dahil halos lingguhan kame pumunta sa Divisoria, nakabisado ko na rin yung mga ilang pasikot-sikot dun. alam ko na rin kung saan mamimili ng mga gamit, damit, laruan, etc pero kasama ko pa rin si mama.

pero sobrang ingat din dapat kapag nasa Divisoria. kung anong komportable sakin, walking shorts, tshirt, tsinelas o rubber shoes e pwede na. basta makakagalaw ka sa siksikan sa mga gusto mong puntahan. basta di ka magmumukhang sobrang mayaman. ingat din sa mga posibleng snatcher. mahirap na baka di ka makauwi. pero matulungin naman yung mga tao dun. basta ikaw mismo mag-iingat.

magandang maging maagap pa sa mga okasyon, lalo na pag magpa-Pasko. pag may parating na okasyon, unti-unting dumadami yung mga namimili sa Divisoria. kaya maaga palang e listahin nyo na yung mga gusto nyong bilhin. isipin nyo, ang mumura ng mga bilihin dun, pwede pang tawaran.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives