Ipinapakita ang mga post na may etiketa na trabaho. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na trabaho. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 12, 2014

Perstaym ko sa Eat Bulaga!

Yes! One in my bucket list is to watch Eat Bulaga! Gustong gusto ko talaga panoorin yun. Legend na sya at patuloy pa ang paglipat at pamimigay ng surpresa! Kahapon nakanood na rin ako dahil sa work. You love my job, alright! Special thanks na rin sa Mead Johnson making this possible. Kasama ko ang officemate kong si Caryn and Panatag moms Erica, Lariza, Dianne and Tita Millet. Napakasaya ko ng araw na yun!
Di ko naman ineexpect pero harap na harap kami ng stage. So malapit ang access namin with the Dabarkads and malaki ang chance na makita sa TV which really happened!

We are all in red kasi yun ang color ni client. Then we saw rehearsals on stage at nakita pa namin ang cute na cute na si Ryzza! Now we know kung ano ang steps ng Eat Bulaga anthem. LOL When the show started, tuloy-tuloy na ang saya! First segment palang, kita na kami alongside Anjo Yllana. Then nabigyan din kame ng number para mabunot sa raffle!
Kitang kita ako sa TV! Kahit anong pagpapacute ko e kitang kita ng nanay ko sa bahay at ng iba ko pang kakilala. That's another big item in my bucket list na crossed out na! As the whole program goes on, marami pang masasayang nangyari. Enjoyed the whole afternoon with a couple of photos. Especially with Ryzza and Tito Sen.
Kung gusto nyong panoorin ang episode kahapon, click nyo lang dito and look for the Lactum segments and Juan For All, All For Juan.
http://www.pinoy-ako.re/2014/10/eat-bulaga-11-october-2014/

Panoorin nyo lang ang longest-running Musical Variety Show sa TV ang Eat Bulaga, Mondays-Fridays, 12noon after The Ryzza Mae Show at Saturdays, 11:30AM. Enjoy mga Dabarkads!
Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?
Share:

Biyernes, Disyembre 4, 2009

Perstaym ko sa Tagaytay Highlands!

at last nakapagstay na rin ako sa Tagaytay. pero this time trabaho ulit. nagpa-event kasi ang office ng golf tournament para sa clients at friends. excited ako sa event dahil gusto ko rin makakita ng maggogolf. ayun, lalo pako naexcite kasi nga sa Tagaytay Highlands ang venue namin. Tagaytay Midlands Golf Course to be exact. dati kasi dinadaanan ko lang ang Tagaytay pag pupunta ako ng Batangas. pero ngaun nanawa ako sa lamig ng Tagaytay at sa lapit ko sa Taal Volcano.

nung una, pinapangarap ko lang ang pagpunta sa Tagaytay Highlands. dko tlaga akalaing makakarating ako dun. bukod sa mahal at wala talaga akong budget, private sya masyado at members lang ang makakapasok. depende na kung may functions. pero no, nainvade ko sya! bwahahahaha...

mejo hapon na rin nung nakarating kame sa Tagaytay. tamang nakita ko ang magandang sunset sa Tagaytay. as usual, ang gagawin ko, magpicture. pasensya na, first time tlaga e. tapos namin magcheck in e bumaba na kame sa Midlands para magsetup ng banners. ang banong omar e d nagdala ng jacket at naka-shorts lang. ayun, habang bumababa ang araw e unti unti nakong nagiging vampire sa sobrang lamig. *twilight mode* tapos nataon na bilog na bilog ang buwan kaya naging Jacob nako. hahaha.. ewan ko lang kung may nasusuka na sa ilusyon ko.

tapos nagdinner kame sa Highlands Clubhouse. maganda din dun. pero nandun ang ultimate test ng lamig. partida pa e umiihip ang hangin. sa taas ng altitude e kelangan ko gumalaw galaw para mabuhayan ako ng dugo. at buti nalang marami ang inorder na heavy food. BULALO at SPICY SHABU SHABU FTW! appetizer pa ang crispy tawilis. at meron pang crispy pata. yun nga ang ginawa ko, gumalaw galaw at kelangan pagpawisan para d manigas sa lamig.

pagbalik namin sa hotel, tamang room temperature lang kaya d nako mxado nalamigan. nagpack kame ng mga loot bags, tapos final preparations then nagshower nako at natulog. pagkagising ko ng 4:45, shower ulit tapos nagready na bumalik sa golf club. then unti unti nang dumating ung players. tapos nagbreakfast na kame.

nung wala na masyadong gagawin e humiram kame ni joy ng golf cart. nung una kong tinry, e bumangga kame sa dingding. lolz buti nalng malambot ung kotse kaya wlang damage. so sya muna pinagdrive ko. tapos unti unti kong natutunan kung pano idrive ang golf cart. si joy lang gumagawa kapag mxadong matarik or mahirap ang likuan. sa daan namin e nakita namin ung mga players. minsan inaabangan namin yung mga papalo at tinignan kung hanggang saan yung bola. sayang walang naka-hole in 1.

by 1pm, may mga players na natapos na. another registration and pick-a-prize sa mga may gusto. then we proceeded with the awarding. kame ng bossing ko ang host ng ceremonies. gaganda ng mga prizes. congrats din sa mga nanalo. yung mga hindi na-claim na minor pick-a-prize e pinaghati-hatian na namin. tapos onting picture picture sa views. ang walang kamatayang jumpshot e ginawa din namin.

ang saya! lolz
Share:

Martes, Disyembre 1, 2009

Perstaym ko sa Cebu

sa paglipat ko ng trabaho e marami agad na nakaka-excite na nangyari. natupad na ang pangarap kong maging lakwatsero sa gitna ng trabaho. haha.. dpa nga ako nakakapasok sa opisina e na-leak agad na lalamyerda na ako. first destination: CEBU! yes, CEBU -- yung may B. kaya pagpasok ko e kinilala ko agad ung mga makakasama ko. d naman tlaga lakwatsa ang gagawin dun kundi meron kaming business trip. event kumbaga. ok lang naman, makarating lang talaga ako ng CEBU. hehehe

nakasakay na naman ako ng eroplano. so dina perstaym document un. pero maaga palang, mga 3 hrs earlier kame nagpunta ng airport. on the way e nagkwentuhan at mp3 trip. pagsakay ng eroplano e may screen na pala sa harapan mo. pwede na mag-games at manood ng Just for Laughs habang nasa ere ka. so nag-Solitaire ako.

paglapag namin sa Cebu e halos walang pinagkaiba sa Maynila. yun nga lang, mas maliit ang kalsada dun kesa sa EDSA. malinis din. marami akong nakitang establishments. nadaanan ko ang SM Cebu, Parkmall, at mga hotels patungo sa aming destinasyon.

nagcheck in kame sa Cebu Parklane International Hotel na kasalukuyang tinatayo ang Christmas tree at kinakabit ang mga Christmas decor. happiness sa colors! tapos napunta ako sa room 825 kasama ang 2 sa mga officemates ko. then lunch kame sa Ayala Center na umorder ang mga kasama ko ng CNT Lechon Cebu at ako naman e nagsisig lang. 100 kasi ang presyo ng 1/4 kilo ng lechon.


Ayala Cebu food strip

of course masarap ung lechon. and after maglunch, pumunta na kame sa kanya kanyang destination para magdistribute ng invitations para sa event. mejo mahirap din un.

pagbalik namin sa hotel e pahinga muna at nanood ng Cinema One palabas ang isang pelikula ni Snooky Serna, Albert Martinez at Gloria Romero. tapos nung mejo maghapon na, nilipat ko sa GMA. nawindang ako kasi akala ko nasa Manila pako. nagbibisaya yung mga anchor. haha... later pala yung 24 Oras with Mike Enriquez and Mel Tiangco. at least yun tagalog na. at naka-headline ang paglipat ni Claudine Barretto sa GMA.

bumalik kame sa Ayala. yun lang kasi malapit lapit na establishment na mura-mura ang pagkain mula sa hotel. maganda ang food strip nila dun. pero sa Pizza Hut kame kumain.

pagbalik ng hotel e nagsetup na kame para sa event. dumating ang mga fliers na ilalagay sa mga guest kits na aattend sa seminar for entrepreneurs.

food art

kinabukasan, breakfast galore. happiness din yung buffet at food decor. tapos prepare na kame for event. para akong magbebenta ng insurance dahil naka long sleeves ako. i also get to meet the distinguished speakers for the event. lam nyo yung laruang Brain Twister ska Word Factory? isa sa mga speakers un. hehe

Hilton Hotel Lobby

nung matapos yung event, umonti na ang bagahe namin. pero kelangan agad naming magprepare papunta sa Hilton Hotel para magdinner with the speakers. sosyal! nandun din yung part-owner at sponsor naming si Manny O. yung may-ari ng Manny O. Wines. masarap, try it! beach front at may fire dancers overflowing with food ang dinner namin dun.

bago lumalim ang gabi e hinatid namin ang speakers sa hotel tapos gumimik na kame sa malapit na bar. PUMP BAR yun parang Embassy ang dating without the fog machine. madaming Koreans. pati kame napagkamalang Korean ng Arabong lumapit samin. deds ang mga kasama kong babae. inenjoy nalang namin ang Tequila at sounds sa loob. pagbalik ng hotel, nagshower ako tapos bagsak sa kama.

mga 7AM nagising nako. himalang wala akong hangover. breakfast ulit sa ibaba ng hotel tapos prepare na para umuwi.

muntik na kameng ma-late sa flight. kasi before 1130 saka palang kame dumating ng airport. pero na-manage pa naming makabili ng mga pasalubong dito sa Manila. ayun onti lang naman. mahirap kasi maraming bitbit. buti nalang d kame iniwan ng eroplano kung hindi matatagalan pa kameng magstay sa Cebu.
Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives