Linggo, Hunyo 6, 2021

Perstaym ko sa Gabriel's Sanctuary

Second time ko pa lang mag-camping. Una sa Nagsasa Cove sa Zambales with workmates, ngayon naman sa Gabriel's Sanctuary sa Antipolo. Nainvite lang ng tropa para sa huling hirit sa tag-init kahit nag-announce na ang PAGASA na rainy season na. Ok naman, naka-oo na 'ko sa mga kasama ko kaya nagkondisyon na rin ng mind and money para sa trip na ito. Kaunting research din sa kanilang FB page para alam ko ang mga COVID-19 protocols, ano'ng pwedeng iexpect, sa mga pwedeng gawin.
 
Day of tour - 10am pa lang e umalis na ako ng bahay para bumili ng essentials na dadalhin sa campsite. Magluluto daw kasi kami doon ng pagkain so namalengke muna ako para sa bigas, kaunting flavorings at toiletries. Medyo maaga rin akong nakarating sa meeting place kaya nag early lunch na rin ako. Sa wakas dumating naman sila within the waiting time pero naglunch muna sila bago kami pumunta sa Gabriel's Sanctuary.
 
Kahit within Antipolo lang sya, inabot kami ng halos 1 oras sa byahe mula Ligaya sa Santolan, Pasig hanggang sa Gabriel's Sanctuary. By commute, sakay muna ng papuntang Cogeo Gate 2. Sakay ulit ng jeep or van papuntang Paenaan at bababa ka sa Antipolo System Annex, bago mag Cabading Arch. Tapos sasakay ka ng tricycle papunta na diretso sa Gabriel's Sanctuary (alam na nila yun) Yung Cabading Arch sabi nya: Welcome to Marikina Watershed...

Pinakamahabang ride ata yung sa tricycle pero ang ganda ng view. Mga bundok ng Sierra Madre na at pataas-pababa yung mga kalsada. Buti kaya ng mga tricycle or mini e-jeep. Apat lang kami pero yung P120 per ride (2 per tricycle) e sulit na effort at byahe. Pagdating nyo ng entrance, may small community naman dun na madaling kausap. Magtanong lang kayo dun at ituturo nila kung saan kayo pupunta. Minsan sila din ang tour guide sa murang presyo na P300 per tour.

Pag-akyat nyo sa GS na may 10mins rin paakyat, ito ang makikita nyo:



As in super ganda ng greenery at bulubundukin (ngayon ko lang nagamit ulit ang term na to)! Feeling mo on top of the world ka tapos wish at sasabihin mo: "Lahat ng nakikita mo, akin yan"

Hindi muna kami nagtayo ng tent kasi mainit pa. Nagbaba lang kami ng gamit tapos lumapit na kami sa isang kuya na pwede magtour guide. Balak sana namin mag Hidden Falls pero di daw maganda ngayon dun kasi kauulan lang. Pero dinala nya kami sa may ilog na maganda din ang view. Mahirap lang puntahan kasi mabato. Meron ding Tuntong Falls na sinasabi, maliit lang kaso wala akong picture at dun kami nagrelax. Medyo brown lang yung tubig kasi nga kauulan lang before kami pumunta. Buti na lang medyo tuyo na yung kalsada at hindi gaano maputik.




Pag-akyat namin sa GS, kaunting pahinga dahil sa nakakapagod na pag-akyat, tapos nagtayo na kami ng tent para ilipat na mga gamit namin. Safe naman lahat. Tapos kaunting wash tapos nagluto na. Carefree lang kami at masarap yung baon na adobo ng kasama namin. Busog. Nung gumabi na, kaunting kwentuhan, inuman, nakipag laro sa aso saka pusa, bago matulog. May solar powered lights din na nabuksan na nagpa-ilaw sa lugar. Advise ko lang na aside sa tent, kung kaya nyong magdala ng sapin para maginhawa tulog nyo. Kung itatanong nyo kung may CR, meron naman. Mag-iigib lang kayo para sa gagamitin nyo sa pampaligo.

Ito talaga highlight ng pagpunta namin sa GS, yung sea of clouds. Dapat bumangon ka na ng 5am, yung medyo maliwanag na para makita mo yun. Tapos pumwesto ka na sa reception area para makita mo kung gaano sya kaganda.





May time na nag-zero visibility sa nakikita namin sa baba. Surreal. Yung feeling na ayaw mong umalis kasi hindi ka magsasawa. After naming magkape at agahan, nag-ready na rin kaming umalis. Commute ulit kami pababa. Mabuti na lang may naghihintay na e-jeep mula mismo sa may GS. Tapos sasakay ka ng jeep papuntang Cogeo mula sa Cabading Arch. Kung taga-Marikina ka, diretso na yun ng Sta. Lucia bago papunta ng Marikina Bayan.

Masarap dito, tahimik. Mababait din ang mga tao. Walang signal kaya madedetox ka sa social media at technology. Dala ka lang ng power bank in case of emergency. Sa buong stay ko dito, umabot ng 61% lang ang battery ko. Kung babalik ako, pwede naman. Pampa-tanggal ng stress ang Gabriel's Sanctuary.

Miyerkules, Hulyo 5, 2017

Perstaym ko sa Nurture Wellness Village

So kailangan ko ng onting break pero this time, pinagsabay ko ang trabaho at bakasyon sa Tagaytay. Masaya kasi matagal ko na gusto na medyo mag-out of town at ok naman na maghost si Nurture Wellness Village. Matagal ko na gusto matry dito and thank you kay mareng Irish sa pagwewelcome sa amin sa Tagaytay.
9AM kami dumating sa Tagaytay at umuulan pa. May mga nagpplay ng native drums and we were provided with a warm tea na talagang nakakatanggal-pagod after 2 hours travel mula Manila. Tapos kumain kami ng kaunting brunch sa Gabriela, yung all-day dining nila. Nagserve ng parang suman na may mangga. Masarap at di gaanong matamis pero nasubok ang tibay ng bagong lagay kong braces.
Green na green ang paligid at ramdam na ramdam mo yung probinsyanong buhay. Hindi din mainit nung natapos yung ulan. Tapos nag unpack na kame sa room namin. It was very spacious for 2 and ok ang bath room with well-functioning amenities. Wala nga lang signal sa kwarto so alam mong madedetox ka sa busy mobile and internet life. But we're here also for work kaya we always bring our gadgets sa Gabriela where merong ok na WiFi signal.
Sakto naman after namin mag unpack, may time pa kame para sa Yoga with resident Yogini, Bim Pangilinan. First time ko mag outdoor yoga saka buti nalang walang ulan. Mahirap ang mga poses pero mukhang andali-dali nya lang in-instruct. May video nga kame LOL

Then balik kame sa Gabriela for lunch. Busog talaga sa healthy menu na ino-offer ng Nurture. Pero di pa rin mawawala ang Bulalo na must-have sa Tagaytay na available upon request.

After onting pahinga, nagphoto shoot kami sa paligid and in-avail ko talaga ang immersion perks like yun Nilaib Massage na super sarap. Gumamit ng banana leaf pockets na may herbs and essential oils tapos papainitin yun saka ipapadaan sa katawan mo. Tanggal talaga ang stress at parang ayoko nang umalis sa kama pagkatapos. Magaling din sa hilot si ate kaya super relaxed ako.
Medyo matagal ang free time namin kaya tumambay ulit kame sa Gabriela for some internet. By dinner, umorder na kame ng Bilao meal na ultimate out of town meal. May fried rice, salted egg, fish, chicken and pork adobo, kamatis and fruits na pwede nang mag-boodle fight.
Kapag umulan pala sa Tagaytay is super communication with nature. Rinig mo ang flowing stream saka ang ingay ng mga palaka pagkatapos ng malakas na ulan. Makes it a perfect background music bago ka matulog.

Kinabukasan, nag-tai chi kami before breakfast. Nag-serve ng Arroz Caldo sa Gabriela kasi meron daw kaming diet program. Then Kale juice daw para panulak na hindi naman lasang dahon.

In time sa Nurture Farmacy tour. Lahat ng tanim dun e organic. Tapos may trivia pa kung para saan at kung ano ang nagagamot ng mga organic plants. May onting display din ng mga traditional and ethnic items. Nurture Farmacy was only about 3 years old and yung caretaker e looking young din. Na-feature na sya before sa TV and mukha nga atang di nagme-make up dahil glowing ang skin nya kakakain nya ng fresh picks.
Umattend din kame ng free juice and coffee making. Maganda dito kasi yung mga staff, nagrorotate ata sila ng function kaya marami silang alam gawin. Yung taichi instructor namin this morning e nagturo din gumawa ng coffee.

Naglunch muna kame bago kami umuwi. May bulalo, crispy tawilis, pinakbet and more. Busog ulit pero in a good way. Babalik ako dito.

Miyerkules, Agosto 12, 2015

Pano mag-commute papuntang ISLAND COVE?

Nagpa-sched ako ng overnight sa Island Cove dahil na rin sa malapit nang maexpire ang GC ko from the previous invitation. Ang naging problema ko lang e paano pumunta dun nang wala kang kotse. Nagtanong ako nang marami sa mga kakilala ko. Salamat at may mga sumagot. Tinanong ko na rin yung manager ng ISLAND COVE kung paano pumunta doon. Sabi nya e mag-take ng CAVITEX from SM Mall of Asia at makikita na sa highway ang Island Cove. Dahil nga wala akong dalang sasakyan, wala ring Uber at GrabCar, pinasa-Diyos ko nalang ang pagbiyahe doon.
Kung commuter ka talaga, maiinip ka sa magiging biyahe mo. Ang ginawa namin, mula Cubao, sumakay kami ng bus papuntang Coastal Mall. May 1.5 hanggang 2 oras din ang biyahe dahil sa trapik sa EDSA. Kahit hindi ka nagmamadali, maiinip ka. Pamasahe sa bus, Php 40 kada tao. Makakatipid ka pag may kasama kang senior citizen.

Tapos pagdating mo ng Coastal Mall, may mga bus dun na papuntang Batangas, etc. Sakyan nyo yung dadaan ng Kawit. Php25 lang ang pamasahe. Bumaba kayo sa Zeus. Alam ng mga driver yun kaya di na kayo maliligaw. Intersection sya ng CAVITEX at papuntang Kawit. Tapos sumakay kayo sa mini bus. Mukha syang ganito at minimum lang sa jeep ang pamasahe. Dadaan yun ng isang community na may isdaan, at dadaan sa Island Cove. Makikita nyo ang Island Cove sa gawing kaliwa ng mini bus.

Kung masaya na kayo sa tour at overnight stay nyo sa Island Cove, mas madali namang umuwi. Sasakay ulit kayo ng mini bus from Island Cove, baba kayo ng Zeus at may FX at mga aircon bus na doon na bibyahe hanggang MOA. Php50 ang binayad namin per head sa FX at mga 20-30 mins lang e nakarating na kami ng MOA. Mula doon, bahala na kayo kung saan kayo pupunta or kung uuwi na kayo.

Kung gusto nyong mag-overnight or mag-relax relax lang sa Island Cove, pwede kayong magpareserve sa www.islandcovephil.com.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?