by january, mejo tensyonado na ang carissa dahil wala pang sumasagot sa proposal nyang mag-out of town that period. ayun, sa sobrang excitement nya at buti nalang marami kameng online sa ym, nagsend sya ng mga links from wow philippines. naging choices ang camsur, pagudpud, etc. and then biglang boracay (o diba walang-wala sa choices!) then immediately ay bigla ata kameng nagbook ng flight. at dahil may promo ang cebu pacific na 8 fare, go na kame sa murang airfare. yun nga lang, ako sana ang magbu-book ng flight namin ni carissa e biglang denied ang account ko. susme! laki na pala atraso ko kay kumpareng Visa. so sinagot muna ni carissa ang booking namin. we chose the 310PM flight to kalibo. pahirapan pa kasi nagkalurkei-lurkei kame dahil hindi pala kame pareho ng page na tinitignan. i was looking for a roundtrip airfare e sya ata ay looking for one-way lang. hehehe... then it was finally booked! go na ito to boracay. we informed the whole mokke pero nagreply lang ay sina ana, si janah ay that weekend dahil dpa daw sya sure.
within that period na nakapagbook na kame, ay unti-unti ko nang hinahanda ang mga gamit ko. beach wear (no trunks. ASA!), beach gear, tsinelas, goggles, and pera which is very essential. i even made it to the point na dapat meron akong countdown to this getaway as i always do to most special events. nakapagpabunot pa ako ng 2 molars 2 weeks before we fly off. hehehe...
02.27.08
then it was 7 days to go... 6 days... 5... and then finally, feb 27 na! i got up not so early kasi mejo packed na bag ko. all i have to put it are some clothes and toiletries. kelangan mabilisan dahil magkikita kame nina carissa ang janah sa riverbanks. nakasinelas na lang ako kasi mahirap naman kung pa-importante ka sa airport at bigla kang tutuwad para magsuot ulit ng sapatos. ayun. so namili muna ako ng ilang essentials sa riverbanks at dumating na agad sina carissa at janah na parang magaabroad sa dami ng dala. well, iba rin ang excited. hahaha... pagkakain ko ng pasta sa greenwich, at magcheck ng mga dadahin, umariba na kame ng taxi. yung unang taxi na tinanungan namin ay nagfix-rate ng 400! susme! so text agad ako sa mga travel advisers ko sa office. sabi nila ay hindi daw. so hanap ulit kame ng ibang taxi. buti nalang by the grace of God, nakahanap kame ng matino. so pinatugtog na ni carissa ang kanyang phone with downloaded songs para sa aming soundtrip on our travel.
at dahil first time nila makasakay ng plane, at ako ay third dahil nagfly din ako papuntang HK last year, first time ko namang ako ang malulurkei sa airport dahil ako ang bahala sa sarili ko. we got the tickets to our flight pero wala pa sina ana. nagtext daw kay carissa, "ngaun ba alis natin?" hala! alam naman namin na feb 27 e bobongga na kami, tapos ganun ang text?! ayun, ilang minutes lang ay dumating na sina ana at mark na awol. pagkakuha namin ng tickets ay wait nalang kame sa waiting area. picture picture of course! isa sa mga pictures e yung para silang mga bulag na manghihilot. hahaha... buti nalang nag-gray ako at baka mapagkamalan din akong manghihilot. buti nalang at ako ang tumayong manager nila. hahaha...

nagkikinig din kame ng calls from the airport on boarding flights. nakakalungkot isipin na ang flight to catbalogan e na-cancel. dahil na rin siguro sa panahon that time na mejo maulan but we hoped na sana hindi mangyari yun sa amin. and then our call, mejo maulang nung paglabas namin ng airport papunta sa plane. with matching umbrella-ella-ella-eh-eh-eh pa kame from cebu pacific. picturan again near the aircraft.

nag-call ang pilot na we're about to land in 5 mins. kalibo is 4km visible from sight. ayan na! excited na mag-land ang mga mokong. pero napansin lang namin na bakit parang tagalog movie greats?! and all of a sudden ay biglang tumaas ang altitude namin na muntik ko nang ikahilo! at naramdaman ko din na parang nag-maniobra si manong pilot sabay sabing, "we're going back to manila!" oh abundance! bakit naman?! e lalapag na nga lang e. so parang nag-coin ride lang kame sa alapaap nun. it also means to say na cancelled ang flight namin. siguro nga umeepekto parin masamang panahon sa aklan. so we have no choice but to get back to manila. i took it lightly na lang na sarap mag joyride sa langit. asar na asar mga kasama kong babae. sabagay, dapat merong alternative landing. nagkalurkei-lurkei na nga sila kakatalak sa babaeng nasa CP office sa airport. then bumalik kame sa pasay to spend the night peacefully.
kala mo peaceful talaga? sina ana lang un. nagcoconcert pa nga sila. ang hindi nagpatulog samin ni janah ay c carissa. buong araw niya kinakanta ung alone ni heart. hindi kame tinantanan ng mga kwento niya saka kakakanta. LSS na nga namin un. nahawa kameng lahat. yun pala kelangan mo lang sya iignore para matahimik.
02.28.08
pupungas-pungas pa nung pumunta kame sa airport na may baong hamburger na 2 for 30php. then again pictures ulit dahil refreshed na kame. at maganda pala pag madaling-araw ka lilipad. makikita mo ang view ng well-lit manila at pati pagsikat ni haring araw na bonggang-bongga. then nakikita na namin ang napakalawak na palayan at akala mo nasa bulacan ka lang. napansin ko lang na mejo pababa na kame. and then at last we landed at iloilo airport na maganda. walang sinabi ang manila domestic. and then we hired a taxt to ceres terminal going to caticlan. e biglang nagsabi si manong na kontrata na 500 kameng lahat. e kala namin metro lang dahil yun naman ang sinabi samin ng kausap namin dun. e ayaw tumigil ni manong nung nagpupumilit kameng ibang sasakyan nalang ihhire namin. kung ano-ano sinasabi nya e hindi naman kame ilonggo. pagdating sa ceres bus terminal, may bus na nagpupuno na ng pasahero. inassist pa kame with our baggages. napaka-hospitable ay napaka-lumanay ng boses nila. kala mo hindi nagagalit.
at nagsimula na ang 8-hr trip namin sa buong panay island. from iloilo, kung anu-anong bayan ang dinaanan. d rin naman natanto na dadaan pa ng capiz at aklan. buti nalang umaga ang byahe, pano kaya kung dumaan kame ng gabi sa capiz? wooooo... naka-4 ata kameng movie sa bus. may mga malubak na kalye at may ilang fields din na kala mo dagat na sa apaw ng tubig sa di tumitigil na ulan. nakaubos din kame ng chips ahoy ni carissa kasi matagal pa bago mag-stopover.
after kalibo, nakita na namin ang malawak na dagat papuntang boracay. kita mo ang nature na dmo akalaing totoong bundok kasi parang peke. pero maganda.
pagdating namin sa caticlan e sinalubong na kame ng isang staff from the resort we'll be staying in. nagbayad kame ng 70php para sa boarding sa bangka papunta sa boracay island. kala ko pa naman yung terminal ng bangka ay mismong beach na pala. hindi pa pala. magttricycle ka pa papunta sa stations 1-3.
personally, hindi ko akalaing makakarating ako ng boracay. and prior our trip ay nagdadalawang-isip ako dahil sa mga chismis na marumi na daw dun. pero hindi naman. buti they have some charges that you have to pay for the care of the environment. pagdating namin sa bamboo resort ay pinakilala na sa amin si saph, dating officemate nina ana at mark sa sykes. she is our contact for our reservation on the resort. after freshening up, we took a walk to d*mall for our late lunch at 4pm at ele's grill restaurant.
at shempre picture picture sa d*mall at inexplore ang mga pwedeng makita at maiuwi dun. i was eyeing on this "katsa" shirt na may tribal embroidery. kung dito sa malls yun, it would probably cost about 700++ pero dun ay 200+ lang. kaso dko muna binili dahil baka mas maraming gastusin during our stay. naglakad kame sa kahabaan ng station 2 pabalik sa aming room kahit mejo umaambon. naiwan pa ni mark ang tsinelas nya somewhere along the beach sa excitement nya sa dagat. after magpahinga ng onti at magpalit ng beach wear ng mga gels, tuloy na sa tubig! malamig at may kalakasan ang alon. habang nagpipicture kame e mejo shaky ung hands ko. kaya malalabo kuha ko sa kanila.
after a while ay nagbanlaw na kame and we prepared for dinner na. hindi sila gaano prepared na pang-gimik talaga ang sinuot. ako naman i was going to wear simple maskel shirt pero napilitan din akong magsuot ng maayos-ayos na tshirt para hindi naman ako magmukhang alalay lang ng mga kasama ko. at take note, nagmook-up pa sila. parang mamimingwit pa ata ng mga foreigner. lol. bumalik kame sa station 2 para maghanap ng pagkain. we stopped over Gasthof which is another term for Gastos dahil mapapanganga ka talaga sa mahal ng pagkain. lalo na ung sinigang na lapu-lapu na tumatambling sa 780php! dko nga alam bakit sila pumayag na ipaluto yun.

nung tinamad na kame sa BomBom ay lumipat naman kame sa Juice Bar. marami din foreigner at masaya silang nagpaparty. dance kung dance ito. kaso mga tanderbolts nga lang. after having my rum coke, 1130pm ata ay nagyaya na umuwi sina ana. dahil na din cguro sa sobrang pagod since wala pa sila gaano tulog. so pinauna na namin sila at kami naman nina janah at carissa ay nagtrip na pumunta ng station 1. hindi pa kame nakakalayo ng ilang metro from station 2 ay nagmaganda na ang ulan. so bigla kameng bumalik sa room namin para magpahinga na rin at maraming gagawin kinabukasan.
02.29.08
nag-set ng alarm si carissa pero sina ana ata ang nagising. had our breakfast sa bamboo at habang naghihintay ay nagpicturan muna kame sa shore. pagandahan ng pose at i-flaunt ang anong meron ka. wala lang. feel lang namin. then pumunta na kame sa station 3 para makapag-boating. sa aming 6, 1800php lang and 45php pero snorkeling gear. maganda ang view ng island sa malayo. excited na excited kame kasi pangarap din naming makapag-island hopping. then mejo malaki ang alon nung makalayo na kame sa boracay to crystal cove. yung tipong mataas pa sa boat ung alon at talagang matatakot ka. ang ingay nga ni carissa e. hahaha... pero pray lang kame and we know we'll get there safe.

ANG ABO MAGING DAMO
ANG DAMO MAGING ABO
PERO ANG PAG-IBIG KO SAYO
HINDI MAGBABAGO
-ANA
kayo na bahala kung pano nyo iiinterpret. hehehe...
then about 10 minutes boating, nakarating na kame sa snorkeling site. nakakita pa kame ng nagbebenta ng buko juice, on water! kaya nung inapproach kame ni manong, gusto sana namin syang picturan kaso nagmodel-model pa sya ala richard gomez sa bench commercial. we wore out lifevests, i was a bit nervous pa nga kasi hindi nga ako gaano marunong lumangoy. pero since floating lang daw, cge go nako. mahirap lang ung papasukan ka ng tubig sa tenga at minsan papasukan din ng tubig ung mask mo. nakalayo na pala ako bangka palangoy-langoy sa dagat. maganda underwater sayang wala kameng underwater camera. nakita ko pa si nemo na naglalaro sa anemone. pinakain namin ng sitsirya ung mga isda para mapalapit sila samin. kaso hindi gaano makulay underwater dahil marami nang sirang corals. kwento ni manong kasi nung 2005 daw ata ay bumagyo ng napakalakas at maraming nawasak. yung 1000+ na bangka nga daw ay 30 nalang ang natira at ung mga missing ay hindi rin alam kung nasan. magkwento daw ba ng ganun sa laot? ilang beses din akong umahon kasi nahihirapan nga akong huminga at saka napapasukan ng tubig yung mask ko. mejo lumalakas din yung alon at kaba ko nalang na baka lalo akong mapalayo sa bangka at hindi ko na alam kung saan ako lupalop ng boracay dalhin.

after makapag-refresh at maligo, pumunta ulit kame sa d*mall para maglunch. dun kame sa smoke kumain at buti naman at mura dun. enjoy naman ako sa kinain ko na thai-inspired. then we went to Crazy Crepe for dessert and i ordered blueberry-vanilla. sarap sarap!

Kay Janah, sun, para may explanation bakit daw siya maitim.
Akin, Pakpak, feeling x-men.
Kay Carissa, moon kasi na-try niya na yung sun.
Kay Omar, tiger, feel niya lang.
Kay Mark, triple x, matagal na niyang balak.
P100 each lang kami kahit detailed at malalaki yung designs kasi yung may-ari ng henna tattoo place na yun e asawa ng may-ari ng resort na pinagstayan namin, same resort na managed ni Saph. Kuneksyon!
taken sa blog ni ana. and then kain kame ng buffet sa bamboo na ichacharge nalang ulit sa pag-check out namin. first time ko kumain ng talaba pero buti nalang hindi ako nadale. dami rin namin nakuhang pagkain na di namin akalaing mauubos namin. takaw! nagkaroon na naman daw ng tensyon sa cebu pacific na cancelled daw ang flight namin pauwi. ang bongga nila ha! nagkalurkei-lurkei tuloy kame sa mga magiging activities namin the following day. edi tingin kame sa news to know about the weather sana pero bumulaga sa amin ang bonggang-bonggang rally sa makati. tumawag na ako sa bahay baka concerned-concernan sila. yun pala magpapauwi rin pala ng pasalubong, mga wala namang patago. hahaha...

may natanggap akong text galing sa bahay na sabi nirebook daw kame sa earlier flight. 3pm! hala, umaasa pa naman kame na baka ma-extend kame hanggang march 2. nasira tuloy mga plano namin. so it's time that everyone flies, Cebu Pacific is highly recommended!

it's uwian day, namili agad ako ng pasalubong 1st thing in the morning sa d*talipapa. hindi ako makapag-withdraw ng pera! pero buti nalang malaki-laki pang pera natitira sakin. pagbalik namin ni carissa at janah sa bamboo, ready na pagkain namin. then punta agad kame sa Nami Beach sa dulo ng station 1. picturan after mag sunblock. ganda rin ng mga bato-bato. si ana kumuha ng sand para iuwi. nakita pa namin ang residencia de tirol na pagmamay-ari ng family ng bf ni chenn. bongga sana kaso hindi pa daw kame makakakuha ng discount dun. then bumalik na sina ana, mark at saph sa bamboo pero kame nina carissa at janah ay nagpicturan pa hanggang sa grotto. dumaan na rin kame sa jonah's para bumili ng fruitshake. 90php ang binili kong tropical shake plus may 10% vat pa pala yun, so 99.
pagbalik namin sa bamboo ay nagsswimming na ang magsyota. so plunge narin kame. pero kinuha ko muna yun goggles ko sa room. then humiram kame ng volleyball kay saph at nagbeach-volley kame. ANG HIRAP PALA! pero enjoy naman. sayang walang pics.
nga pala, may event dun ung Pepsi that afternoon, sayang we can't check it out sa pagmamadali namin sa mga activities namin. thanks again to Cebu Pacific!
pagka-clean up and pack up, we were supposed to wear boracay tshirts kaso si janah panira. buti nalang napilit namin sya. hehehe... ayun, nagmamadali kame para makahabol ng flight sa Caticlan. pero lurkei ang mga tao ng CP sa airport. dinala pa kame sa kalibo dahil system down ung sa caticlan so parang hindi pa nila kame iho-honor. gudlak samin! problema pa ba dapat namin un? so nag-irate na naman ang mga lola mo at ako ay pagod na pagod na!

pagsakay namin ng taxi sa manila, nakita ko pa si al sa may camp sa fort. ewan ko lang kung ano ginagawa nya dun. dumerecho na kame kina ana para magdinner at pagsama-samahin ang mga pictures buong lakwatsa. nakauwi nako ng 11pm.
GUSTO KONG BUMALIK! LIBRE NYO KO!!
*sorry mahaba msyado ung post* haha
TumugonBurahinPerstaym? Gegemon haha
TumugonBurahinAnyway, maganda naman ang mga photos and blog, kaso masyado maliliit yung font size mo. Sana medjo nilakihan mo ng onti. Buti ka pa nga nakapunta na eh. Happy for you dahil na'experience mo yung boracay. Thanks for sharing
Tanya Gemarin
@Tanya: jejejeje d naman ako JEJEMON. lolz
TumugonBurahinbakit dka pa ba nakakapunta sa bora? kuntento nako sa font size ko kasi minsan mxadong mahaba yung blog. thanks din sa pagbisita
hahaha... hindi pa nga eh, kaya nga hanggang tingin nalang ako sa picture.. San ka nagstay dun???
TumugonBurahin@Boracay Hotels: sa Station 3. sa Bamboo Boracay. kilala kasi ng kabarkada ko ung tumatao dun.
TumugonBurahinHi Ohmski,
TumugonBurahinsi boracay hotels to, hahaha naku late reply na pala ako dito sa blog mo.. cnxia naman..
Maganda naman ba dun sa Bamboo Boracay???
--- Yuri Itchiro
Hi Yuri. Yes. Ayos for stay-in. Hooked ako sa beach kaya mas madalas ako out of the room. The food is nice too.
Burahin@ohmski
TumugonBurahinsino ka pala dito sa picture mo? mukhang masaya talaga ung bakasyon nyo noh.. kainggit naman
Ako yung nakashades. Hehehe
Burahin@ohmski
TumugonBurahinlahat ba ng nasa picture tropa mo lahat un? nice outing ah. cnxia na medjo reply ung pagcomment ko. hihihihi
@Hotels: tropa ko yang mga yan. ako ung red shorts
TumugonBurahin@ohmski,
TumugonBurahinahaha kita na kita.. bangis ng picture mo dito ah.. hihihi nakashade kapa..
@ohmski
TumugonBurahinahahaha nakakatuwa ka naman lol
LOL thank you!
Burahin