Ipinapakita ang mga post na may etiketa na food. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na food. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Hulyo 5, 2017

Perstaym ko sa Nurture Wellness Village

So kailangan ko ng onting break pero this time, pinagsabay ko ang trabaho at bakasyon sa Tagaytay. Masaya kasi matagal ko na gusto na medyo mag-out of town at ok naman na maghost si Nurture Wellness Village. Matagal ko na gusto matry dito and thank you kay mareng Irish sa pagwewelcome sa amin sa Tagaytay.
9AM kami dumating sa Tagaytay at umuulan pa. May mga nagpplay ng native drums and we were provided with a warm tea na talagang nakakatanggal-pagod after 2 hours travel mula Manila. Tapos kumain kami ng kaunting brunch sa Gabriela, yung all-day dining nila. Nagserve ng parang suman na may mangga. Masarap at di gaanong matamis pero nasubok ang tibay ng bagong lagay kong braces.
Green na green ang paligid at ramdam na ramdam mo yung probinsyanong buhay. Hindi din mainit nung natapos yung ulan. Tapos nag unpack na kame sa room namin. It was very spacious for 2 and ok ang bath room with well-functioning amenities. Wala nga lang signal sa kwarto so alam mong madedetox ka sa busy mobile and internet life. But we're here also for work kaya we always bring our gadgets sa Gabriela where merong ok na WiFi signal.
Sakto naman after namin mag unpack, may time pa kame para sa Yoga with resident Yogini, Bim Pangilinan. First time ko mag outdoor yoga saka buti nalang walang ulan. Mahirap ang mga poses pero mukhang andali-dali nya lang in-instruct. May video nga kame LOL

Then balik kame sa Gabriela for lunch. Busog talaga sa healthy menu na ino-offer ng Nurture. Pero di pa rin mawawala ang Bulalo na must-have sa Tagaytay na available upon request.

After onting pahinga, nagphoto shoot kami sa paligid and in-avail ko talaga ang immersion perks like yun Nilaib Massage na super sarap. Gumamit ng banana leaf pockets na may herbs and essential oils tapos papainitin yun saka ipapadaan sa katawan mo. Tanggal talaga ang stress at parang ayoko nang umalis sa kama pagkatapos. Magaling din sa hilot si ate kaya super relaxed ako.
Medyo matagal ang free time namin kaya tumambay ulit kame sa Gabriela for some internet. By dinner, umorder na kame ng Bilao meal na ultimate out of town meal. May fried rice, salted egg, fish, chicken and pork adobo, kamatis and fruits na pwede nang mag-boodle fight.
Kapag umulan pala sa Tagaytay is super communication with nature. Rinig mo ang flowing stream saka ang ingay ng mga palaka pagkatapos ng malakas na ulan. Makes it a perfect background music bago ka matulog.

Kinabukasan, nag-tai chi kami before breakfast. Nag-serve ng Arroz Caldo sa Gabriela kasi meron daw kaming diet program. Then Kale juice daw para panulak na hindi naman lasang dahon.

In time sa Nurture Farmacy tour. Lahat ng tanim dun e organic. Tapos may trivia pa kung para saan at kung ano ang nagagamot ng mga organic plants. May onting display din ng mga traditional and ethnic items. Nurture Farmacy was only about 3 years old and yung caretaker e looking young din. Na-feature na sya before sa TV and mukha nga atang di nagme-make up dahil glowing ang skin nya kakakain nya ng fresh picks.
Umattend din kame ng free juice and coffee making. Maganda dito kasi yung mga staff, nagrorotate ata sila ng function kaya marami silang alam gawin. Yung taichi instructor namin this morning e nagturo din gumawa ng coffee.

Naglunch muna kame bago kami umuwi. May bulalo, crispy tawilis, pinakbet and more. Busog ulit pero in a good way. Babalik ako dito.

Share:

Linggo, Oktubre 5, 2014

Perstaym mo ba sa Island Cove?

Hi friends, miss me? Matagal-tagal din akong di nakapag-update ng blog na to because, di ako nakakapag-travel! Hahaha! But I'd like to share with you my return sa first out-of-town place when I entered the blogosphere. Yes, I've returned to Island Cove after 5 years when Yehey introduced it to us. And since long weekend naman, I grabbed the opportunity to come back to this memorable place, thanks to Nana.
Ganito kasi, nung una is meron kaming mga challenges habang nililibot namin ang buong Island Cove so parang kahit papaano, wala kaming idea kung ano yung mga nagaganap at meron sa facility but we had a lot of fun. Ansarap isipin na Jen, Jeff and I are reminiscing our experiences sa Island Cove. But this time, inaalala namin kung ganoon ba talaga ang itsura ng Island Cove 5 years ago. Marami nang nabago. But some good places are still looking good tulad ng Fishing Village, Hotels, Oceania Pool and Zoo. May warm welcome pa si Managing Director Gilbert Remulla sa amin when we arrived! And that's just less than an hour road trip from Makati!
Facilities
Kahit may mga ilang tweaks and add-ons, mage-enjoy pa rin talaga sa Island Cove. Isa sa fave ko yung sa Animal Island. 1/3 ng 36-hectare facility e educational tour with the animals. From butterflies, to birds, to reptiles meron. Wag na wag lang talaga papahawak sakin yung ahas at mini-Crocodile. But masarap pakainin ang tigers named Gerald and Jasmine, both born in captivity and were fed 8 kilos of chicken head a day.
Kuya feeding Gerald.
Then pwede mo ring pakainin yung mga ostrich, more than 10 large crocodiles and monkeys sa dulo ng Animal Island. May libre pang touch ng albino python at pwede ka ring mag ala-Robin Hood hawak ang isang lawin.
Photo from www.aspacio.net
Then inikot namin yung ibang facilities. Bago sa Oceania Park e may malaki na silang inflatable slide. Meron din sa isang banda yung water playground ng mga bata kaya walang pwede malunod dun. Safe pa kasi rubber yung flooring.
Di nalalayo e yung Interactive Area na pwede kang mag XBOX. Nagtry ako ng isang dance. LOL Buti walang video.

After a few rounds with the accommodations, gym and spa area (wished that I was included in the list na nagpamasahe that day), we had a very large feast with Gilbert Remulla himself. Tinapatan ko agad ang seafood (#AlamNa). At napasubo ako when their resident band na nagiiikot sa mga guests to sing-along with them. Ehem! It was also a moment for us to interview Gilbert Remulla and learned more things about Island Cove. Nakakatuwa pang nabibiro din namin sya that time, but he more earned our respect in managing the whole area.
Fishing Village Photo by Nana Nadal
Singing along with Island Cove's band
Then Tita Millet, Jen, Jed and I had our own relaxation in the Bayside KTV na ang laki laki ng room!  Nung nakaramdam na ko ng paos, pumunta naman kami sa may Interactive area. Another rare time na nakapaglaro ako ng billiards. Did 2 games pero hindi natapos yung second kasi malapit na mag-dinner sa Sangley Point. Ok lang kasi dinner naman yun. Sino ang papalag diba?
Bayside KTV made from concrete and recycled container vans
Snack / Dinner is finally underway. The best of Sangley Point is their Pork Ribs na pwede mong lagyan ng iba ibang sauce, especially Jerky Sauce. Then there's pizza, pasta and burgers for everyone to share. Busolve lahat!
Pork Ribs and Corn
Soy Chicken with Coleslaw
Burger and Caesar Salad
Kahit nakakapagod, e sulit na sulit ang experience sa buong Island Cove. To learn, relax, enjoy and have fun, highly recommended ang Island Cove para sakin. Can't wait to go back again and have an overnight stay!

For bookings and functions, you may contact Island Cove at www.islandcovephil.com and follow their updates via Twitter and Instagram: @islandcovephil.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?

Share:

Linggo, Disyembre 20, 2009

Perstaym kong kumain ng palaka!

after a series of Perstaym travels, pagkain naman ang ifi-feature ko sa ngaun. nangyari ito nung March sa Island Cove. pakulo ng Yehey. so nagsama-sama lahat ng mga bloggers tapos nag-ala-Amazing Race kame sa vicinity ng Island Cove. ka-team ko sina Az, Marcelle, Zee, at Fung. mejo low-profile pako sa community pero ok naman ung mga ibang nakasali. at ngaun kaibigan ko na sila.

isa sa mga challenge e eating challenge. nagpapaka-bibo ito kasi nga Losing is not in my vocabulary. LOLZ ayun, extra challenge e dahil PALAKA at AMPALAYA SHAKE ang nakuha ko. bawal na magpalit. pero dahil nga bibo ako, ayun, kinain at ininom ko na.

eto ung video nung nagpapaka-bibo ako. salamat kay Azrael. with matching encouragement galing sa mga team mates ko.



Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives