Ipinapakita ang mga post na may etiketa na baguio city. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na baguio city. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Hunyo 30, 2015

Perstaym ko sa Tam-Awan Village

After ng isang masarap na lunch sa Slaughterhouse, may hangover pa rin kaming malala papunta sa Tam-Awan Village. Kasalanan ng BnB to kaya grabe sa kakatawa ang nangyari sa byahe namin. Ibang level of friendship at parang kami ang papalit sa #TeamAmiga. Hahaha

Pagdating namin sa Tam-Awan Village, dito nako nakakita ng Strawberry Taho. Php20 isang baso na gawa mismo ng naglalako ng taho. Perfect pictorial moment para sa mga turista ng Baguio. Maaaliw ka na rin sa buong lugar kasi may mga kubo at mga artworks na gawa ng mga taga-Baguio. Sabi nila, nagturo din daw si BenCab dito.
Sa Tam-Awan Village, dito mo na mararanasan ang cultural pride ng Cordillera. May mga tribal dancers na nagpapakita ng kung ano ano: panliligaw, pakikipagdigma, etc. In full costume pa.
May coffee shop din sa taas pero ang highlight namin doon e yung portrait sketching session. Php200 lang sya at magagawa na sya sa loob ng 15-20 minutes. Wag ka lang malikot baka kung ano maidrawing sayo. Hahaha! Tatlong artists ang gagawa ng portrait sa Tam-Awan Village. Si Ate Jenny ang nag-sketch sakin nun na may isang anak din na marunong mag-drawing. Kahit may mga nagkukulitan sa mga kasama ko e focus ako at focus din si ate Jenny sa kakadrawing at happy ako sa naging resulta.
Ito lahat ng drawings sa mga bloggers sa Tam-Awan Village.
Marami pa kaming pupuntahan kaya nag-merienda muna kami.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Perstaym ko sa Easter Weaving Room

Kung mas marami lang akong pera, marami na akong inuwi galing sa Easter Weaving. Dito world class at export-quality ang hinahabi ng mga Baguio locals para i-preserve yung weaving culture sa Cordilleras. Ayon sa mga alamat, may mga mensahe daw ang kada-habi ng mga Igorot. Pero commercialized na kasi ito. Design at quality na ang pinag-uusapan. Tinatag ng isang Amerikano na gustong bigyan ng kabuhayan ang mga lokal at para at least makilala din ang Pilipinas lalo na ang #BaguioCity sa mga magagandang project.
Sinubukan naming pumasok sa weaving area kaso wala yung mga gumagawa. May conference daw sila sa ibang lugar, sayang naman. Kaya nagpicturan nalang kami sa loob. May mga gawang bag, kumot, bonnet, jacket at marami pa na gamit na tela ay gawa sa Easter Weaving [more pics here].
Store entrance
Open ang Easter Weaving Room everyday.

Ituloy ang Baguio Tour sa katayan.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Perstaym ko sa BenCab Museum

Maraming paghuhugutan ang post na to. After namin magpakalasing sa tapuy sa Cafe Yagam, maaga dapat gumising kinabukasan para sa actual tour. First stop, mag-Tadhana Trail tayo! Napanood nyo naman ang That Thing Called Tadhana diba? Since nasa #BaguioCity kana, simulan mo na ang mga ka-emoterahan ni Mace at Anthony.
From Azalea Residences, medyo malayo sya. Mga 30-40mins drive hanggang BenCab Museum at sa loob pa ata sya ng isang subdivision. At mas kalmado na ang buhay-Baguio kase nakakapag-overlooking ka na. Tho dumadami yung mga residential area sa gilid ng bundok, buti at may nakikita ka pang green. Sana mas maraming green. Nageenjoy ka din sa mga makikita mo lalo na yung mga wood shop. Iba ibang wood carvings at sculpture na halos life-size na tulad nito:
Sa loob ng BenCab Museum, siyempre maraming art. Ilan dun gawa ni National Artist for Visual Arts BenCab (Benedicto Cabrera) at pati ng iba pang artists from all over the Philippines. Entrance kung di ako nagkakamali ay Php 100. Buong museum na maiikot mo dun kaya gora ka na next Baguio visit mo.

Unang malaking painting ni BenCab ay si Sabel. Inspired sya sa isang taong grasa sa Sampaloc, Manila at pininta sya ni BenCab sa mga tiles. Nandun pa rin yun hanggang ngayon at isa sa mga sikat na artwork nya.
Hinanap ko yung gallery sa Tadhana pero wala na yung painting dun. Pero may ibang  mga galleries na mage-enjoy kayong tignan.
Tulad nitong Erotica gallery na sobrang natagalan ang mga babaeng ito na "mag-appreciate ng art"
Sa Ode to the Flag gallery, running until August 2015 only.
Meron ding mga antique collections ng mga  furnitures at mga anito na sinasamba ng mga Igorot para sa masaganang ani at kung ano ano pang dahilan. Ginagamit din nila yun kapag may iaalay sa mga diyos nila.
Ang mga anito at iaalay na birhen. LOL
Pagkatapos ng tour mo sa loob ng Museum e pwede kang kumain sa Cafe Sabel. Inspired pa rin ni Sabel, na by the way patay na many years ago, dito naman pinapakita ni BenCab kung saan saan na sya nakapunta. Dun sya sa pinakababa ng museum.
Sa labas ng museum, may malaking garden na may maliit na farm at pond. Sa di kalayuan makikita mo rin ang bahay ni BenCab kung saan nya ginagawa ang mga masterpieces nya. Sayang wala sya dun para nakilala din namin sya.
Bahay ni BenCab sa likod ko.
Para ituloy ang tour, isa rin sa mga ginagawa ng mga Igorot ay maghabi ng mga balabal at kumot. Click here.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Lunes, Hunyo 29, 2015

Perstaym ko sa Mt. Cloud

Dahil wala pa kaming itinerary, tamang inassist naman kami ng mga taga Azalea para makapag-gala-gala naman sa Baguio. Dumarami na rin kami at may lokal na rin kaming kakilala. Nagpahatid kami sa may Session Road kaso medyo inabutan kami ng ulan. Ready naman sa payong kaya go lang ang lakwatsa.

Nagkayayaang pumunta sa Mt. Cloud. Nasa loob sya ng Casa Vallejo at akala ko usual na gimikan lang sya at meron pang katabing spa. Pero pagpasok namin, simpleng bookstore pala sya pero matutuwa ka sa space na ginawa nila. May 2 floors sya at parang sinadya para sa magandang photoshoot na sinamantala namin. Dahil ang modeling ay para sa ekonomiya.
Photo op lang katabi ng mga libro
Bookstore counter
Climb-on shelf
Iba't ibang klaseng libro ang mabibili dun. From children's books hanggang political references. Kung nakapag baon-baon pako ng pera, baka may nabili pa akong libro. Pero dahil medyo gutom na kami, eto ang susunod nating pupuntahan. Click!

Kung gusto nyo pang malaman ang tungkol sa Mt Cloud, bisitahin nyo ang Facebook nila. Pag may tanong, tumawag sa (074) 424 4437.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Perstaym gumala (as in!) sa Baguio

So eto na nga. Salamat sa Azalea Residences para maexperience ko naman ang Baguio kahit hindi na summer. Actually mas naenjoy ko ang Baguio ngayon kasi last time is 11 years ago na ata at dahil school activity pa yun. At ngayon, marami nang activities kaming nagawa at wala masyadong tao. Imagine ko kung gaano kalala kapag summer o kaya kapag Panagbenga.

Wala akong tulog bago pumunta ng Baguio. Actually nag-videoke pako with officemates at past 10PM na nakauwi. Kailangan ng empake at di talaga dapat matulog kasi napaaga daw yung byahe namin. Buti nalang talaga nag-online ako at nakita ko ang changes sa schedule. Kung pupunta ng Baguio, dapat maaga talaga. Madaling-araw, ganon. Kasi di mo maeenjoy yung pagsikat ng araw sa dadaanan mo at parang kukulangin ka ng oras. Okay pala pag sa Joy Bus ka nakasakay. Narerecline nang maayos yung upuan parang LaZboy chairs, may free food and mineral water, aside pa sa na-provide ng sponsor. Pero tinulugan ko lang lahat yun sa byahe. Around 430AM kami umalis ng Cubao at dumating ng Baguio nang 830AM. Naabutan pa namin ang KrisTV sa byahe na episode nina #DanRich at ewan ko nalang kung anong pagbibida-bida ni Bimby sa episode na yun. Four hours lang pala ang byahe. Namulatan na ako na UP Baguio na pala yung nasa kaliwang bintana at ready na pala kaming bumaba.

Pagdating namin sa Baguio, etong mga bibong staff ng Azalea na itatago natin sa pangalang Paul, JC at Debbie e napaka-nice na hinatid kame sa hotel with their branded van. At pagdating sa Azalea e may welcome drinks agad from 8 Degrees Lounge. Tapos open din ang breakfast buffet sa Tradisyon pero kumain kami sa Tent. (Sipsip na ba sa Azalea? Hahaha)

After a few pictorials of the hotel, punta muna kami sa make-shift room. Before lunch, nagpunta naman kami sa Botanical Garden. Mga 5 minutes lang mula sa Azalea by driving. At eto na nga ang start ng galaan.

Baguio Botanical Garden
Medyo umaambon nung pumunta kami sa Botanical Garden. Ok lang para di masyadong mainit. Nakakapaso din kasi kapag tirik ang araw sa Baguio, tanghaling tapat pa naman. Sa dami ng bagyong dumaan, may ilang attractions sa Botanical Garden ang may sira na. Pero kita pa rin na inaayos ito at maganda pa rin.
Habang paikot ikot kami sa garden, nacurious ako kasi may malaking Japanese arch na may papasok na madilim. Pinasok namin yung Japanese Tunnel na ginawa pa pala noong panahon ng Hapon. Since libre naman, sumunod kami sa tour guide na nageexplain sa history nung lugar. Dati palang kuta ng mga Hapon yun na ginawa ring dating ospital. Malamang sa alamang e marami ring mga namatay dun. Sabi din nya, doon din daw nakita si Gen. Yamashita at doon nya tinago ang mga kayamanan nya.
Japanese arch sa may Tunnel

Tour mula sa loob ng Japanese Tunnel sa Baguio Botanical Garden. Sabi ng tour guide namin, dati syang make-shift hospital nung WWII at nakita dun dati si Gen. Yamashita at Yamashita's treasure. #aftersummer #BaguioCity
Posted by Perstaym on Sunday, June 28, 2015
Nung makalabas na kami ng Botanical Garden, nagpose din ako sa signage. May mga nakaabang na matatandang Igorot pero kapag nagpakuha sa kanila, may fee na. Bilisan mo nalang umalis para di ka masingil pero kaunting tulong e pwede din.
Bumalik na kami ng Azalea dahil medyo nagutom na kami. Tapos kaunting pahinga at gumala gala pa rin.

Marami pang mangyayari sa pagpunta ko sa Baguio sa mga susunod na blog. Malaking thank you pa rin sa Azalea Residences Baguio na nagsama sakin para macheck naman kung ano ang pamumuhay sa Baguio kapag hindi summer. Sundan lang ang mga link. ;)

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Sabado, Setyembre 25, 2010

Perstaym ko sa Mines View Park Hotel

after about 10 years e nakabalik ulit ako ng Baguio. huli ko pang punta e nung college pako at school work pa yun. d ako masyadong nakapaggala nun. kaya ganun nalang ang saya ko na iniisip isip ko na habang tumatagal e papalapit ako nang papalapit sa mga lugar na gusto kong puntahan. salamat kay azrael na nagbukas ng imbitasyon sa blogging community at ang masaya, all expense paid pa! except syempre kung magsshopping ka sa ukay, etc. nalaman namin na naghahanap ang Mines View Park Hotel ng bloggers na pwedeng magsulat sa kanila.

September 22 palang e dilat na mga mata ko para di mahuli sa call time. kasama ko sina jori at flow at tumambay muna kame sa QC. kakatapos palang kasi ng Legend of the Guardians at wala nang uwian!

530AM kame nagkita kita sa Half Moon Cafe at dun na rin kame nagbreakfast. buti nalang wala masyadong na-late at nakaalis kame on time. ang ingay nga ng mga kasama ko sa van: sina jori, flow, iris, iris, azrael, jeman, alex (na tinulugan kame). at dun sa mga wala sa van, pasensyahan at napagusapan kayo! joke!

perstaym ko rin dumaan ng Kennon Road at nakita ko na rin ang maalamat na Lion's Head. of course, ang mga bloggers mahilig magpapicture. lahat na ng kakulitan nasa amin. yun nga lang, nakakalungkot na makita yung mga quarrying, mga landslide, etc. na nagpapasira sa kalikasan. pero ibang blog post nalang yun.

mga 1230PM na kame nakarating sa Mines View Park Hotel. nanariwa sa isip ko na hindi pala ako nakapunta dun dati. pagdating namin e naghanda agad sila ng maiinom para bumalik ang sigla namin. maganda ang lugar. kahit hindi sya 5-star hotel, mararamdaman mo ang bakasyon kasi at home talaga ang pakiramdam. pagkacheck-in namin ng mga gamit, tuloy na kame sa mini-press con at lunch buffet na hinanda ng Mines View Park Hotel.

nagsimula pala ang Mines View Park Hotel noong 2006 na ang tanging facility nila ay yung parang clubhouse ngayon na may 2 rooms, 1 function hall, dining area, fireplace at bar. dun din makikita ang Half Moon Cafe Baguio branch kung saan ginagawa yung bibingcrepe. at nung nagtagal e tinayo na nila ang hotel na may 27 kwarto na pwedeng magkasya ang hanggang 4 na tao sa isang kwarto. may attic area din sila na pwede hanggang 10 tao. may gym din for fitness buffs, terrace at spa.

DSC00018DSC00020DSC00036DSC00045DSC00035DSC00046DSC00044DSC00042
maasikaso ang staff ng hotel. lalo na si Mang Buddy. yung head ata ng hospitality nila dun. alam nya kung nagustuhan mo yung pagkain, at mago-offer pa talaga sya ng ibang makakain kung nagugutom kapa. masayahin ang mga staff at wala kang masasabi sa pagka-alerto nila sa mga pangangailangan mo.

DSC00024DSC00025DSC00021DSC00023
ok naman ang pag-stay namin sa hotel. yun nga nakapag-yoga pa kame saka tinuruan pa kaming gumawa ng bibingcrepe! specialty ng Half Moon Cafe na yung bibingka e flat at nilagyan ng fillings, cheese, marshmallows, chocolate shavings, margarine, or kahit ano. masarap sya lalo na yung crispy. pwedeng pwede syang gawin sa bahay.

kinagabihan marami pang pwedeng gawin sa Mines View Park Hotel. nakapag-marshmallow campfire saka videoke sa conference area na pwedeng mag-accommodate ng 100-120 na katao. dun na nabuo yung mga nakakahiyang concert series. habang nagdidinner kame, meron pang mga Igorot na nag-perform kaya ramdam na ramdam talaga namin yung bakasyon namin sa ibang lugar.

kinabukasan, masarap ulit ang breakfast namin. gumala na kame sa mga attraction sa Baguio. una e pumunta kame sa Strawberry Farm sa La Trinidad. dun ako nakakita ng 7 for Php 100 na items. mga choco flakes, lengua at wines mura din. pati mga gulay kaya maraming dala yung mga kasama ko. perstaym ko din natikman yung Strawberry Taho.

nag-ukay ukay kame pagbalik namin sa Baguio at marami ngang mabibili dun. mahihilo ka sa mura ng mga damit.

pagbalik namin sa hotel, ibang klase na naman ang lunch namin. meron palang Strawberry Sinigang! sa tingin ko normal lang naman pagkakaluto nun na nilagyan lang ng Strawberry pero nakakaaliw.

bago kame umuwi, onting gala pa sa Mines View Park at meron na ring mga bumili sa Good Shepherd ng mga pasalubong. kulang pa ang 24 hours na pag-stay namin sa Baguio pero nagenjoy ako tlaga.

babalik ako next time. pero mas marami na akong gagawin dun!

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives