Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maynila. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maynila. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Disyembre 15, 2012

Perstaym ko sa Divisoria

well, di naman actually. kahit papano matagal nako nakapunta dun. dipa ako marunong mamili e dinadala nako ni mama sa Divisoria para mamili ng mga kelangan nya sa school. art teacher kasi sya. kaya yung mga materyales para sa handicrafts e binibili nya sa Divisoria at isa ako sa mga taga bitbit nya.

wala pang LRT nung nagpupunta kami. kaya mula sa Cubao, sasakay kame ng jeep papuntang Divisoria. mahigit isang oras ang byahe nun kasi nata-trapik kami sa may Legarda. madalas mainit pa at wala nang sariwang hangin sa Maynila kaya madalas nahihilo ako. pero ngayon may LRT na, mas madali nang pumunta sa Divisoria.
una kong nakikita lagi dun e yung Tutuban. ibang part nun sunog na. may nangyari lang kasi mga ilang buwan na nakalipas. pero bihira kame nakakapamili dun. dun talaga kame sa may Soler, Juan Luna -- basta yung mga nakapaligid sa Divisoria Mall. may mall naman pala dun e bakit dun pa kame sa maputik naglalagi?

nung nakasanayan ko na, at dahil halos lingguhan kame pumunta sa Divisoria, nakabisado ko na rin yung mga ilang pasikot-sikot dun. alam ko na rin kung saan mamimili ng mga gamit, damit, laruan, etc pero kasama ko pa rin si mama.

pero sobrang ingat din dapat kapag nasa Divisoria. kung anong komportable sakin, walking shorts, tshirt, tsinelas o rubber shoes e pwede na. basta makakagalaw ka sa siksikan sa mga gusto mong puntahan. basta di ka magmumukhang sobrang mayaman. ingat din sa mga posibleng snatcher. mahirap na baka di ka makauwi. pero matulungin naman yung mga tao dun. basta ikaw mismo mag-iingat.

magandang maging maagap pa sa mga okasyon, lalo na pag magpa-Pasko. pag may parating na okasyon, unti-unting dumadami yung mga namimili sa Divisoria. kaya maaga palang e listahin nyo na yung mga gusto nyong bilhin. isipin nyo, ang mumura ng mga bilihin dun, pwede pang tawaran.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Linggo, Pebrero 27, 2011

Perstaym ko sa SOFITEL PHILIPPINE PLAZA

hindi ko talaga matatago ang saya nung nagkaroon ako ng chance para sa isang overnight stay sa Sofitel Philippine Plaza. nanalo kasi ako ng GC sa isang press con. ayun, bago pa maexpire e talagang pinabook ko agad ang hotel room. buti nalang may available pang deluxe suite. pinacheck in ko na sina mama nang hapong iyon kasi di agad ako makakarating. may event kasi ako sa Dusit naman.

pagdating ko sa Sofitel e sinundo ako ng kapatid ko sa lobby. di kasi ako makakaakyat kapag wala akong keycard. Php 3000 pala ang check-in deposit pero refundable naman. nakacheck in pala kame sa may 3rd floor. maganda yung room. dko na alam ang sukat pero sa paglabas ng veranda e kita ang CCP, SM Mall of Asia at Manila Bay. may study area, may sala at 2 32-inch cable TV. may wifi sana kaso kelangan mong bayaran nang per hour. minimum ata ng Php 1000. sana may magcomment kung mali ang nailagay kong impormasyon tungkol sa wifi. kaya hindi ako nakapagwifi. :(

maganda ang tanawin mula sa veranda lalo na't at natyempuhan namin ang pyromusical competition. nagbaon din sina mama ng mga pagkain kasi for breakfast lang yung food na pwede.

malaki ang kama, malaki rin ang bath room. at ang mga toiletries, sosyal! naka-Hermes! pero di muna ako naligo sa bath tub. pumunta ako sa pool kasama pamangkin ko at dun kame naligo.

saka ko sinulit ang bath tub. nung medyo nakapagpahinga nako, naglublob nako sa bath tub at nagpahinga. tapos onting TV saka ako natulog.

pagkagising e pumunta kame ni mama sa Spiral restaurant. suko ako sa dami nang makakain kasi breakfast buffet. lugi talaga ako pag nagbubuffet. takaw-mata, kalatog-pinggan. nagpadeliver nalang ako ng McDo para sa pamangkin ko at kapatid na naiwan sa kwarto.

pagkakain e bumalik kami nina CJ at mama sa pool. bago pa mag 11:30 e umahon na kame at naligo na bago umuwi.

enjoy talaga at kulang talaga ang overnight stay. dko lang alam kung magkano ang stay pero hopefully makabalik ako dito for another stay. ;)

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Huwebes, Hulyo 29, 2010

Perstaym ko sa Hyatt Hotel, Ermita

dahil sa trabaho ko, tumataba nako. kahit ilang beses ko ideny e nagmamalaki pa rin ang tiyan ko kahit lalo kong higpitan ang sinturon ko. sabihin mang maging busy ako sa trabaho e ganun at ganun pa rin ang konswelo ko pag pagod: KUMAIN.

isang araw na punong puno ng meeting. umaga pa lang e diretso na kame sa meeting. at sa kada meeting na yun, laging may pagkain. at over-flowing ang pagkain at wla kang kawala. literal na makikita mo yung mga kasama mo, sarap na sarap sa pagkain. at masarap naman talaga yung pagkain.

nagkataong isa sa mga meeting dun e sa Hyatt Hotel sa Ermita, Manila. sinama ako ng mga office mates ko at ng boss ko para makilala ko din ung taong kinakausap nila. malay mo nga naman e maging next client ko sa mga susunod na events kaya mabuti na rin na sumama ako.

dinala kame ng kameeting namin sa LiLi. yung Chinese restaurant nila dun. umorder kame ng Dim Sum All You Can. san ka pa? busog ka na nga, bubusugin ka pa! dka talaga makaka-resist lalo na pag libre.

gawa yan ni Chef Lau, ang Dim Sum King ng Hyatt Hotel.

sa dami ng choices, parang masarap orderin lahat. tapos mura lang sya. Php 688 lang kada tao, Lunes hanggang Sabado, mula 12 tanghali hanggang 5PM. sulitin mo ang order mo kasama ang mga kabarkada. busog kna sa kwento, busog ka pa sa pagkain.

LiLi palang ang napuntahan ko pero nagenjoy agad ako. maganda ang ambiance at nakaka-relax yung traditional Chinese music sa buong restaurant.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?

Share:

Biyernes, Hulyo 2, 2010

Perstaym ko sa UST

hindi kasi ako Thomasian tulad ng iba kong kaibigan. bagamat malaki ang pagkakakilala ko at respeto sa mga taga-UST, eto ang isang natatanging post tungkol sa kanilang paaralan.

itinayo noong 1611 sa ilalim ng mga Dominikanong pari sa loob ng mga pader ng Intramuros sa Maynila at kinalaunan ay nilagay sa kasalukuyan nitong kinalalagyan sa may EspaƱa Blvd. sa Sampaloc, Manila.

mga Katolikong pag-aaral ang mga unang kurso dito dahil una itong eskwelahan sa pagpapari. Teolohiya at ilang mga araling pang-Katoliko ang itinuturo hanggang nagkaroon ng medisina, pangangalakal at iba pa. dahil sa dedikasyon nitong palaganapin ang Kristiyanismo sa lungsod hanggang sa ibang lugar ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga misyong ginawa ng mga mag-aaral nito, binasbasan ito ng Simbahang Katolika sa Vatican sa pangunguna ng santo papa.

noong 1995, nang dumalaw ang Santo Papa Juan Pablo II, isang natatanging taon kung saan nagkaroon din ng maraming biyaya ang UST. tunay na inaalay ng pamantasan ang kung ano mang kaganapan para sa Panginoon.

sa ngayon, nagkaroon na rin ng ospital sa loob ng pamantasan kung saan tumutulong ang mga nagtapos ng medisina. ang pisikal na anyo ng unibersidad ay naging makabago o di naman ay may batayan sa maka-Katolikong paniniwala at doktrina.

sa kanilang ika-400 taon ng pagkakatatag, mahigit isang taon na pasasalamat at pagdiriwang sa kanilang mga naging kontribusyon sa lipunan at sa kasaysayan ng Pilipinas. UST, Mabuhay ka!

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives