Ipinapakita ang mga post na may etiketa na batangas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na batangas. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Mayo 11, 2011

Perstaym ko sa Peninsula de Punta Fuego

ngayon lang nangyari sa akin ito. 2 sa mga sosyal na lugar sa Pilipinas ang napuntahan ko. Boracay at ngayon naman, Punta Fuego. dahil sa officemate kong si Joy, napasabak ako sa 3K sa Punta Fuego. sunset fun run ang pinunta namin doon.

maaga palang nagkita na kame ng isa ko pang officemate at sabay na kame pumunta dun. tapos naglunch nlang kame sa Ryuma sa Paseo de Sta. Rosa. ayos at may pauwi pang candy at laruan yung batang kasama namin. may onting kamahalan pero ok na rin. busog din kame. saka kame dumiretso sa Punta Fuego.

mula Tagaytay, diretsuhin nyo lang yung papuntang Nasugbu, Batangas. pag nakita nyo yung Caltex, kanan kayo hanggang makakita kayo ng Shell. tapos kanan ulit. pag narating nyo yung dulo ng Brgy. Wawa, kanan ulit at tahakin ang bundok. malalagpasan nyo ang Munting Buhangin at Terrazas de Punta Fuego.

kitang kita sa overlooking ang halos kabuuan ng Batangas pati na ang mga asinan. lalo na nung nakita ko na yung dagat. di na mapipigilan ang excitement ko. eto na, PUNTA FUEGO NA! PAK!

pagkacheck-in namin e nakita ko agad ang maganda tanawin ng Peninsula. nagiinvite na rin ang infinity pool. may 4 1/2 feet at 5 1/2 feet. buti nalang malapit lang sa room namin yung infinity pool.

nagpunta muna kame sa Lower Beach area kung saan naligo yung mga kasama ko. gumawa rin kame ng joke-joke-joke na sand castle at nagpicture-picture.

pero kelangan naming gawin ang trabaho. OT nga pala ito kasi media partner ang company namin ng event. at pwersado akong tumakbo ng 3K. perstaym ko rin mag-fun run at achievement sakin kung matapos ko ang 3k. nagawa ko sya sa loob ng 30mins. nakakapagod, buti may water stations sa daan. pero masarap din imuni-muni habang tumitingin sa mga bahay sa Punta Fuego. exclusive village kasi sya. may golf course din dun. masarap ang hangin at di mo akalaing nagffun run ako. masaya.

during sunset e ok-ok kame sa mga pictorials sa may view. full equipment ang dala ni Johan at advantage samin yun. magaganda lahat ng pictures.

tapos bumalik kame sa Lower Beach para dun kame magdinner. kaso disappointed kame dahil parang children's party ang mga handa. carbo-loading pero d nakakabusog. hamburgers na hinati sa 4, spaghetti na sa serving platter lang ang sauce, at kanin na walang ulam. overflowing lang ang vodka at four seasons na juice.

hindi na namin inalintana ang "party" na yun (notice my quotation marks) at bumalik na kame sa Main Club. at dun nagswimming na kame sa maligamgam na infinity pool. badtrip lang at nagbadya si Bebeng. kaya pala hindi gaanong makita ang sunset. at full-power na syang bumuhos ng bandang mga 830 kung kelan nageenjoy na kame sa pool.

kinaumagahan, pumunta ako sa breakfast buffet. though hindi gaanong karami tulad ng sa Sofitel Spiral, ayos pa rin. nabusog talaga ako. talagang nag-stuff-in ako para masarap mag-jebs. kaso namamahay ata ako kaya d successful.

masarap pa sanang magstay kaso kelangan na naming mag-check-out. nagpaextend nalang kame para manood ng laban ni Pacquiao at Mosley. pero pagkatapos ng 3 rounds, drecho uwi na kame. at kelangan na naming mag-babay sa Punta Fuego.

mataas pa rin ang hopes ko. kasi babalik ako sa June para sa company outing namin! PAK!

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Biyernes, Disyembre 4, 2009

Perstaym ko sa Tagaytay Highlands!

at last nakapagstay na rin ako sa Tagaytay. pero this time trabaho ulit. nagpa-event kasi ang office ng golf tournament para sa clients at friends. excited ako sa event dahil gusto ko rin makakita ng maggogolf. ayun, lalo pako naexcite kasi nga sa Tagaytay Highlands ang venue namin. Tagaytay Midlands Golf Course to be exact. dati kasi dinadaanan ko lang ang Tagaytay pag pupunta ako ng Batangas. pero ngaun nanawa ako sa lamig ng Tagaytay at sa lapit ko sa Taal Volcano.

nung una, pinapangarap ko lang ang pagpunta sa Tagaytay Highlands. dko tlaga akalaing makakarating ako dun. bukod sa mahal at wala talaga akong budget, private sya masyado at members lang ang makakapasok. depende na kung may functions. pero no, nainvade ko sya! bwahahahaha...

mejo hapon na rin nung nakarating kame sa Tagaytay. tamang nakita ko ang magandang sunset sa Tagaytay. as usual, ang gagawin ko, magpicture. pasensya na, first time tlaga e. tapos namin magcheck in e bumaba na kame sa Midlands para magsetup ng banners. ang banong omar e d nagdala ng jacket at naka-shorts lang. ayun, habang bumababa ang araw e unti unti nakong nagiging vampire sa sobrang lamig. *twilight mode* tapos nataon na bilog na bilog ang buwan kaya naging Jacob nako. hahaha.. ewan ko lang kung may nasusuka na sa ilusyon ko.

tapos nagdinner kame sa Highlands Clubhouse. maganda din dun. pero nandun ang ultimate test ng lamig. partida pa e umiihip ang hangin. sa taas ng altitude e kelangan ko gumalaw galaw para mabuhayan ako ng dugo. at buti nalang marami ang inorder na heavy food. BULALO at SPICY SHABU SHABU FTW! appetizer pa ang crispy tawilis. at meron pang crispy pata. yun nga ang ginawa ko, gumalaw galaw at kelangan pagpawisan para d manigas sa lamig.

pagbalik namin sa hotel, tamang room temperature lang kaya d nako mxado nalamigan. nagpack kame ng mga loot bags, tapos final preparations then nagshower nako at natulog. pagkagising ko ng 4:45, shower ulit tapos nagready na bumalik sa golf club. then unti unti nang dumating ung players. tapos nagbreakfast na kame.

nung wala na masyadong gagawin e humiram kame ni joy ng golf cart. nung una kong tinry, e bumangga kame sa dingding. lolz buti nalng malambot ung kotse kaya wlang damage. so sya muna pinagdrive ko. tapos unti unti kong natutunan kung pano idrive ang golf cart. si joy lang gumagawa kapag mxadong matarik or mahirap ang likuan. sa daan namin e nakita namin ung mga players. minsan inaabangan namin yung mga papalo at tinignan kung hanggang saan yung bola. sayang walang naka-hole in 1.

by 1pm, may mga players na natapos na. another registration and pick-a-prize sa mga may gusto. then we proceeded with the awarding. kame ng bossing ko ang host ng ceremonies. gaganda ng mga prizes. congrats din sa mga nanalo. yung mga hindi na-claim na minor pick-a-prize e pinaghati-hatian na namin. tapos onting picture picture sa views. ang walang kamatayang jumpshot e ginawa din namin.

ang saya! lolz
Share:

Linggo, Agosto 16, 2009

Perstaym ko sa Puerto Galera

hayun, ang tagal ko ring hindi nag-entry sa blog. hindi ko ma-compose ang sarili ko dahil ibat ibang excitement ang nangyari sakin nitong mga nagdaang araw.
kwento ko na lang kung anu-ano un...

nung holy week, nagkita-kita ang ilan sa mokke. wala lang. trip lang namin. ayun, at nagkaroon na lang ng plano na pumunta kina rina para magbakasyon. at since birthday naman daw ni tito mayor, (iboto nyo po si rhyan dolor mga taga-bauan!) guests nya kame.
the following week, walang araw na hindi ka makaka-receive ng email sa yahoogroups. at excited lahat. kahit gastos-constraint, gora pa rin ang lahat. kasi BIGTIME na lakaran ito!

april 14, saturday
so ayun, maaga nagkita-kita sa alimall mcdonalds kasi dun kame sasakay ng bus sa tapat papuntang batangas. ok naman ang byahe. kahit mag-isa lang ako sa pwesto katabi ng mamang hindi ko kakilala, salamat sa cellphone! hehehe...

nakarating kame sa batangas at gudlak! ibinaba kame ng bus sa isang ma-alikabok na lugar at dinadaanan ng mga sasakyan. ANG USOK! at ANG INIT! pero naantig ang aking kalooban nang mapansin ko ang TINDI NG PULITIKA sa batangas. pano kaya kung manalo si ate vi at boyet sa pagka-governor at congressman ng batangas? O DIBA STAR-STUDDED! at saka, nakita pala namin si boyet dun sa bahay ng present governor dahil ka-partido nya ito. ayun, suguran kame at nagpaka-fan ang 3 sa amin makita lang si boyet (you know who you are!)...



ayun, tambay, kwentuhan, KAIN, picture-picture at swimming kinagabihan ang trip ng mokke sa araw na un ng sabado. kawawang janah at rhyan, natinik ata ng jellyfish kaya pinaliguan sila ng suka at mukhang na-trauma na ata after nun. hindi na sila lumusong ulit sa dagat. nga pala, yung tinuluyan naming bahay, isang tambling lang nasa dagat kana. o diba ang saya?!

april 15, sunday
maaga pa lang mga 4am ay gising na pala ang ana at nagpe-prepare papuntang galera. excited?! maaga rin kasi syang natulog dahil galing sykes ay derecho syang nakipagkita samin sa cubao. wala nang keme-keme para matulog. hindi rin sya nakatulog sa byahe. ang namutawing linya noong umagang iyon: "ANG MAJE-JEBS JAN, MAG-JEBS NA!" haaayyy... buti na lang at nakaraos ako dun. kesa naman sa byahe ako magtampururot noh! mahirap naman ata un.. may onting budget constraints na ako nun kaya naghanap kame ng mawiwithdraw-han bago kame makarating ng pier.

ayun, sinalubong kame ng katakot-takot na barker ng bangka. e sakin pa lahat nagaalok ng masasakyan na feel ko tuloy na parang ANG YAMAN KO! as if naman noh. 1st-timer lang ako dun at malelerkey ako sa mga pinagsasasabi nya. ano ung supercat? ano ung chelsea? ano ung natividad? lahat sila nangungulit na 730, 745 at 8am na mga byahe. ang mokke naman ay excited so kinuha namin ang 730 na byahe kahit 731am na ang oras. naglabasan ang mga ubeng anda at binigay sa nagbu-book ng byahe. nakarating naman kame sa bangka, mga 736 na. as if naman expect mo na ontime diba?

pagsakay sa bangka ay parang mga bata na ngaun lang nakakita ng dagat. kung anu-ano ang tinuturo na puro tubig lang naman.. magaganda naman ang mga islands na makikita at nakakatakot ang waves. may nakita rin kameng flying fish. hihihi...

ilang metro hanggang galera ay nagtetetext na ako sa aking mga naiwan. "ma, dito na kame galera." ayun, reply naman ang mama na "cge enjoy, always pray." kala ko papagalitan na ako paguwi dahil sobrang biglaan na ito at hindi ko ininform sa kanya na pupunta sa galera. mga kapatid ko lang at pinsan ang nakakaalam nun. at paglapag ng bangka sa white beach, sabi ko sa sarili ko, hahalikan ko ang buhanginan ng galera! well, joke lang un, na-feel ko naman ang saya sa galera at pinagtitinginan ng mga tao, kala mo artistahin noh?! hahaha... talagang hinaplos ko ang buhangin habang nilalakad ito. ako'y nawiwindang dahil sa dami ng attraction na nasa beach, heheeh... mga naka bathing suit at mga bars! (joke! masyado atang mahalay un.) well anyway, mga 1030 na kame nakakuha ng room na akala namin ay meron nang ni-reserve yung kausap ni janah. tignan nyo na lang ang blog nya.

nanood muna kame ng laban ni viloria bago kame magswimming. kasi naman, alam na namin kung sino ang nanalo sa laban nina pacquiao. kaya ayun, habang kumakanta at binababoy ni geneva ang lupang hinirang, nagsu-sunblock na kameng lahat. ayun, kinatanghalian at sinusunog namin ang mga sarili sa ilalim ng araw. maya-mya'y nagbanana-boat kame na sobrang kinatakutan ko. pero na-overcome ko ang fear na ito dahil 2x kame itinaob sa gitna ng laot! kumusta naman diba? kaya nung nasa may pampang na kame'y go lang kahit lumayo! malakas pa ang alon! sayang wala kameng pics na naka-lifevest kame. pero ok naman ang experience sa banana boat.

naguubos na lang ng oras sine yeng at morris dahil uuwi na sila bago mag-gabi. so maya-mya'y umahon kame then kumain lang sa room namin. s-files na nun kaya tunganga lang ung iba kong kasama dahil ako lang ang kapuso sa barkada. pero wa kems. then lumabas kame ni ana dahil gusto ko iexplore ang kakaibang batuhan sa dulo ng white beach. pagdating namin dun ay nagpicturan lang kame pero nagulat kame na may lumabas na babae sa isang maliit na butas sa batuhan. kala namin ay kame lang ang nakakakita pero bigla syang nagsalita na "try nyo pumunta sa loob, it's a 4 minute walk but it's all worth it." dumugo ang ilong ko dahil ingglisera ang lola. pero ayun, sabi namin ni ana na ieexplore namin sya kinabukasan.

pabalik namin ng kabihasnan, bigla na lang akong nagpulot ng mga batong mukhang mentos at nag-isip-isip at nagmuni-muni sa mga bagay-bagay. hindi ko alam kung ano connect nun sa mga bato pero sabi ni ana, "ang mga magagandang bato kahit napakaliit man nito ay madali lang makikita; ang mga bangka at alon sa aming daraanan ay syang aming mga pagsubok." o diba ang lalim nun?! words of wisdom from ana dacanay!!! hindi na namin nakitang umalis sina morris at yeng dahil malamang ay nakasakay na sila ng bangka. kaya kame ni ana'y umakyat na muli at kumain na naman ng dinner bago magbanlaw.

mga bandang 8pm ay nakagayak na ang lahat para sa gimik. shempre d kumpleto ang galera trip mo kapag walang night life. ayun at habang naghahanap kame ng makakainan, may isang tropang bading na nagsasayaw ng button (pussycat dolls) sa harapan ng bar. agaw eksena ang mga berdugo (berdeng dugo) at pagkatapos ay anyaya na pumasok kayo sa bar nila. pero nung tumigil sila, mejo napahiya ng onti kasi walang pumasok. SILA NA KAYA ANG ATTRACTION DUN!!! pero well, entertaining nga naman sila. pagorder namin ng mga maiinom, dko akalain na magkakatama agad ako sa isang san mig light!! ang hina pa nun a.. ewan ko lang. baka ung sa yelo sa galera. nagkaka-aftertaste ako e pero dko type ung lasa ng tubig. aniwei, super tipid mode talaga ako sa galera. then punta naman kame sa other side for some hard drinks. i ordered pineapple shake kasi i had the sniffles pa. then punta na lang kayo sa blog nina rina and carissa for the story. hindi ko kasi gaano naantabayanan ang lahat dahil antok n nga ako at tumira pa ng subzero na libre ng friends from galera.

sad story: eto rin ang araw na namatay ang pinsan ko na naimpeksyon ng tetano. napakabait nya samin kaya ganun na lang ang pagkabigla ko sa pagkamatay nya.

april 16, monday
then nung mag-umaga, kain muna ng breakfast at naghanap ako ng makakainan ng mami. may nahanap naman ako pero kumusta naman?! presyong chowking pero quality ng turo-turo. tapos wala pang itlog! AT ANG MAHAL A! Php10 para sa nilagang itlog! pero ayun, sinimot ko talaga ang mami na un.

tapos balik ng room, apply ng sunblock then derecho na sa beach! mas malakas ata ang alon ng mga oras na un at sinasalubong namin ang matataas na alon. kapit na lang sakin ni carissa kapag may malakas na alon. at nakuha pa nyang mag-boy hunting sa gitna ng dagat. subukan nya lang akong lunurin noh. hehehe...

then mga 1030am ay umahon na ako para mag-shower. mejo pinagmamadali ako ng lahat dahil kelangan 1130 naka-checkout na kame. so sige. ayun, pinatuyo ko ang lahat ng ginamit kong pampaligo pati underwear. well, mejo rooftop kame kaya ok namn na mejo natuyo ang mga gamit ko. then prepared na kameng lahat and everything, kain muna sa baba. another 10 years bago kame nakakain. na-cancel n nga ang order ni carissa dahil 10 years nga. hinintay p nga kame ng bangka bago un umalis... mamimiss ko rin ang galera kasi sobrang ikling oras ang pag-stay ko dun.

then another 1.5 hours pbalik ng batangas pier. so sa bangka ay nagkatulugan lang kameng lahat. then sinalubong naman kame ng katakot-takot na pasalubong vendors. haayyy... pero hindi na ko bumili kasi marami rin naman sa manila nun. anytime pwede ako bumili kung may pambili. bigla pang nagtext ang mga officemates ko na may swimming daw sa nasugbu sa susunod na sabado! kumusta naman sakin!?

bininyagang BOY TISOY:
6pm na ko nakarating sa bahay at sobrang init na init ako sa sarili ko at pulang-pula ako. sabi ng mga nakakita sakin, "ANG TISOY NI OMAR!!!" shmpre flattered naman ako. pero hello! ang init kaya! first-time kong mapunta ng galera at first time ko rin magka-sunburn! tapos yelo kung yelo agad ang kinuha ko mula sa ref at dinampi sa aking mainit na katawan. umalis pa kame ng gabing yun para pumunta ng lamay.

** dami kong naisulat dito a. hehehe... pero namimiss ko na talaga magswimming ulet. well, sobrang occupied na ako lahat ng weekends ng april at wala na akong pera.
Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives