Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tagaytay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tagaytay. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Hulyo 5, 2017

Perstaym ko sa Nurture Wellness Village

So kailangan ko ng onting break pero this time, pinagsabay ko ang trabaho at bakasyon sa Tagaytay. Masaya kasi matagal ko na gusto na medyo mag-out of town at ok naman na maghost si Nurture Wellness Village. Matagal ko na gusto matry dito and thank you kay mareng Irish sa pagwewelcome sa amin sa Tagaytay.
9AM kami dumating sa Tagaytay at umuulan pa. May mga nagpplay ng native drums and we were provided with a warm tea na talagang nakakatanggal-pagod after 2 hours travel mula Manila. Tapos kumain kami ng kaunting brunch sa Gabriela, yung all-day dining nila. Nagserve ng parang suman na may mangga. Masarap at di gaanong matamis pero nasubok ang tibay ng bagong lagay kong braces.
Green na green ang paligid at ramdam na ramdam mo yung probinsyanong buhay. Hindi din mainit nung natapos yung ulan. Tapos nag unpack na kame sa room namin. It was very spacious for 2 and ok ang bath room with well-functioning amenities. Wala nga lang signal sa kwarto so alam mong madedetox ka sa busy mobile and internet life. But we're here also for work kaya we always bring our gadgets sa Gabriela where merong ok na WiFi signal.
Sakto naman after namin mag unpack, may time pa kame para sa Yoga with resident Yogini, Bim Pangilinan. First time ko mag outdoor yoga saka buti nalang walang ulan. Mahirap ang mga poses pero mukhang andali-dali nya lang in-instruct. May video nga kame LOL

Then balik kame sa Gabriela for lunch. Busog talaga sa healthy menu na ino-offer ng Nurture. Pero di pa rin mawawala ang Bulalo na must-have sa Tagaytay na available upon request.

After onting pahinga, nagphoto shoot kami sa paligid and in-avail ko talaga ang immersion perks like yun Nilaib Massage na super sarap. Gumamit ng banana leaf pockets na may herbs and essential oils tapos papainitin yun saka ipapadaan sa katawan mo. Tanggal talaga ang stress at parang ayoko nang umalis sa kama pagkatapos. Magaling din sa hilot si ate kaya super relaxed ako.
Medyo matagal ang free time namin kaya tumambay ulit kame sa Gabriela for some internet. By dinner, umorder na kame ng Bilao meal na ultimate out of town meal. May fried rice, salted egg, fish, chicken and pork adobo, kamatis and fruits na pwede nang mag-boodle fight.
Kapag umulan pala sa Tagaytay is super communication with nature. Rinig mo ang flowing stream saka ang ingay ng mga palaka pagkatapos ng malakas na ulan. Makes it a perfect background music bago ka matulog.

Kinabukasan, nag-tai chi kami before breakfast. Nag-serve ng Arroz Caldo sa Gabriela kasi meron daw kaming diet program. Then Kale juice daw para panulak na hindi naman lasang dahon.

In time sa Nurture Farmacy tour. Lahat ng tanim dun e organic. Tapos may trivia pa kung para saan at kung ano ang nagagamot ng mga organic plants. May onting display din ng mga traditional and ethnic items. Nurture Farmacy was only about 3 years old and yung caretaker e looking young din. Na-feature na sya before sa TV and mukha nga atang di nagme-make up dahil glowing ang skin nya kakakain nya ng fresh picks.
Umattend din kame ng free juice and coffee making. Maganda dito kasi yung mga staff, nagrorotate ata sila ng function kaya marami silang alam gawin. Yung taichi instructor namin this morning e nagturo din gumawa ng coffee.

Naglunch muna kame bago kami umuwi. May bulalo, crispy tawilis, pinakbet and more. Busog ulit pero in a good way. Babalik ako dito.

Share:

Linggo, Nobyembre 6, 2011

Perstaym ko sa Ilog Maria

pagkatapos namin mag-farmville sa Gourmet's at maging maglulupa sa Alfonso, Cavite, pumunta naman kami sa isang side trip sa Ilog Maria. medyo palabas na ito ng Silang pero maraming gustong pumunta dito dahil sa mga produkto ng honeybees. tamang tama at naiihi lahat kaya nung pagpasok namin sa loob e pumila agad kame sa CR. maganda ang loob ng CR. at hindi amoy baboy dahil sa maraming halaman sa paligid. presko at sariwa ang hangin. abot kamay lang namin ang mga kulungan ng bubuyog pero wag daw kaming matakot. ayon sa may-ari na si Joel Magsaysay, nasesense daw ng mga bubuyog kung natatakot tayo kaya pwede nila tayong atakihin. lalo na rin kung mabaho ka, mas lalapitan ka ng bubuyog.
Joel Magsaysay (Owner, Ilog Maria Honeybee Farm)
kinuwento nya sa amin ang mga simulain ng Ilog Maria Bee Farm. mga himalang naganap doon at mga nagamot na may-sakit. at kung pano sila nakakatulong sa kalikasan sa mga alternatibong pamamaraan ng pagkuha ng kuryente at tubig. marami silang pinaggagamitan ng tubig-ulan, hangin at kahit mantika e pinagdiskitahang gawing gasolina sa sasakyan. malapit na raw dumating ang araw na hindi na nila kelangan ang Meralco at baka sila pa ang magbenta ng kuryente.
pero ang star dun e yung mga bubuyog. maliban sa mga produktong hinaluan ng honey, meron din palang ibang silbi yung buntot nila kahit natusok ka nito. tulad ng nasaksihan namin na isang pasyente na unti unting lumiit ang kanyang sakit sa leeg pero ginamot sya ng sting ng bubuyog. yun din daw ang lunas sa pagkaparalisa ni Joel Magsaysay noon.
pagkatapos ng maraming talakayan, pumunta na yung mga kasama ko sa tindahan. iba ibang produkto na may honey. kandila, pampahid sa mukha o katawan, atbp. maganda ang ginawa nyang pagkakalat ng mabuting epekto ng pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pag-aalaga ng mga bubuyog lalo na ng kalikasan.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Biyernes, Disyembre 4, 2009

Perstaym ko sa Tagaytay Highlands!

at last nakapagstay na rin ako sa Tagaytay. pero this time trabaho ulit. nagpa-event kasi ang office ng golf tournament para sa clients at friends. excited ako sa event dahil gusto ko rin makakita ng maggogolf. ayun, lalo pako naexcite kasi nga sa Tagaytay Highlands ang venue namin. Tagaytay Midlands Golf Course to be exact. dati kasi dinadaanan ko lang ang Tagaytay pag pupunta ako ng Batangas. pero ngaun nanawa ako sa lamig ng Tagaytay at sa lapit ko sa Taal Volcano.

nung una, pinapangarap ko lang ang pagpunta sa Tagaytay Highlands. dko tlaga akalaing makakarating ako dun. bukod sa mahal at wala talaga akong budget, private sya masyado at members lang ang makakapasok. depende na kung may functions. pero no, nainvade ko sya! bwahahahaha...

mejo hapon na rin nung nakarating kame sa Tagaytay. tamang nakita ko ang magandang sunset sa Tagaytay. as usual, ang gagawin ko, magpicture. pasensya na, first time tlaga e. tapos namin magcheck in e bumaba na kame sa Midlands para magsetup ng banners. ang banong omar e d nagdala ng jacket at naka-shorts lang. ayun, habang bumababa ang araw e unti unti nakong nagiging vampire sa sobrang lamig. *twilight mode* tapos nataon na bilog na bilog ang buwan kaya naging Jacob nako. hahaha.. ewan ko lang kung may nasusuka na sa ilusyon ko.

tapos nagdinner kame sa Highlands Clubhouse. maganda din dun. pero nandun ang ultimate test ng lamig. partida pa e umiihip ang hangin. sa taas ng altitude e kelangan ko gumalaw galaw para mabuhayan ako ng dugo. at buti nalang marami ang inorder na heavy food. BULALO at SPICY SHABU SHABU FTW! appetizer pa ang crispy tawilis. at meron pang crispy pata. yun nga ang ginawa ko, gumalaw galaw at kelangan pagpawisan para d manigas sa lamig.

pagbalik namin sa hotel, tamang room temperature lang kaya d nako mxado nalamigan. nagpack kame ng mga loot bags, tapos final preparations then nagshower nako at natulog. pagkagising ko ng 4:45, shower ulit tapos nagready na bumalik sa golf club. then unti unti nang dumating ung players. tapos nagbreakfast na kame.

nung wala na masyadong gagawin e humiram kame ni joy ng golf cart. nung una kong tinry, e bumangga kame sa dingding. lolz buti nalng malambot ung kotse kaya wlang damage. so sya muna pinagdrive ko. tapos unti unti kong natutunan kung pano idrive ang golf cart. si joy lang gumagawa kapag mxadong matarik or mahirap ang likuan. sa daan namin e nakita namin ung mga players. minsan inaabangan namin yung mga papalo at tinignan kung hanggang saan yung bola. sayang walang naka-hole in 1.

by 1pm, may mga players na natapos na. another registration and pick-a-prize sa mga may gusto. then we proceeded with the awarding. kame ng bossing ko ang host ng ceremonies. gaganda ng mga prizes. congrats din sa mga nanalo. yung mga hindi na-claim na minor pick-a-prize e pinaghati-hatian na namin. tapos onting picture picture sa views. ang walang kamatayang jumpshot e ginawa din namin.

ang saya! lolz
Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives