
mula Tagaytay, diretsuhin nyo lang yung papuntang Nasugbu, Batangas. pag nakita nyo yung Caltex, kanan kayo hanggang makakita kayo ng Shell. tapos kanan ulit. pag narating nyo yung dulo ng Brgy. Wawa, kanan ulit at tahakin ang bundok. malalagpasan nyo ang Munting Buhangin at Terrazas de Punta Fuego.
kitang kita sa overlooking ang halos kabuuan ng Batangas pati na ang mga asinan. lalo na nung nakita ko na yung dagat. di na mapipigilan ang excitement ko. eto na, PUNTA FUEGO NA! PAK!
pagkacheck-in namin e nakita ko agad ang maganda tanawin ng Peninsula. nagiinvite na rin ang infinity pool. may 4 1/2 feet at 5 1/2 feet. buti nalang malapit lang sa room namin yung infinity pool.
nagpunta muna kame sa Lower Beach area kung saan naligo yung mga kasama ko. gumawa rin kame ng joke-joke-joke na sand castle at nagpicture-picture.




hindi na namin inalintana ang "party" na yun (notice my quotation marks) at bumalik na kame sa Main Club. at dun nagswimming na kame sa maligamgam na infinity pool. badtrip lang at nagbadya si Bebeng. kaya pala hindi gaanong makita ang sunset. at full-power na syang bumuhos ng bandang mga 830 kung kelan nageenjoy na kame sa pool.
kinaumagahan, pumunta ako sa breakfast buffet. though hindi gaanong karami tulad ng sa Sofitel Spiral, ayos pa rin. nabusog talaga ako. talagang nag-stuff-in ako para masarap mag-jebs. kaso namamahay ata ako kaya d successful.
masarap pa sanang magstay kaso kelangan na naming mag-check-out. nagpaextend nalang kame para manood ng laban ni Pacquiao at Mosley. pero pagkatapos ng 3 rounds, drecho uwi na kame. at kelangan na naming mag-babay sa Punta Fuego.
mataas pa rin ang hopes ko. kasi babalik ako sa June para sa company outing namin! PAK!
hi! mukang maganda rito sana matuloy kami ng pren ko sa aug 6! sobrang ganda ba? first time ko rin mgblog at maging travel jerky...like ur blog marami din kasi akong perstaym...
TumugonBurahin@annexia: yup. sana maaraw pagpunta nyo. :D enjoy! thanks for visiting din pala.
TumugonBurahin