Ipinapakita ang mga post na may etiketa na laguna. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na laguna. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Oktubre 24, 2010

Perstaym ko sa Nuvali

may bagong dinedevelop na area pala sa Laguna. tawag nila dun Nuvali. eco-friendly yung lugar kahit magiging isang commercialized area sya. meron din tatlong executive villages. pagmamay-ari sya ng mga Zobel de Ayala para sa mga Pilipino na gustong manirahan doon. o diba sosyal? extension ng Ayala-Alabang at ng Makati yung bagong lugar sa Laguna.

bakit daw Nuvali? dahil lang daw sa logo. may tatlong kulay green na simbulo na pionagdikit-dikit na magkikita sa gitna -- parang isang Nova, panibagong bituin. na may isang bilog na animo'y ulo ng tao na magmumukha syang nagsasayaw.

paano sya naging eco-friendly? dahil lahat ng klaseng pagtitipid sa mga natural resources e ginawan nila ng paraan. lalo na ang mga dine-develop na bahay sa Avida Settings, makakatipid sa ilaw at electric fan. maliwanag kasi sa loob at nakakapasok ang sariwang hangin.

maraming tinatayong villages sa Nuvali. pero bumilib ako sa technology nila na pinakita sa central nila. nandun yung mga paraan kung pano nila inayos yung buong lugar, mga recycling processes at syempre yung magandang kabuhayan na nagawa ng management ng Nuvali para sa mga taong nakatira sa paligid nito.

nakakatuwa ring may man-made koi pond dun at pinakain namin yung mga isda. nawala talaga stress ko at akala kong wala ako sa isang blogger event. masarap bumalik dito hanggang nakakasagap pako ng sariwang hangin. may mga itatayo ding mga institusyon tulad ng UST at Don Bosco.

tingin ko masarap talaga dito. siguro dapat ipun-ipon nako para magkaroon ng rest house dito. tutal sosyal ang lugar kasi dinedevelop sya ng Ayala. kahit papano nagkakaroon na ng mga events dito at talagang peaceful ang paligid.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Linggo, Hulyo 4, 2010

Perstaym ko sa SPLASH ISLAND

ito'y isang pagbabalik-tanaw sa aking karanasan sa SPLASH ISLAND nung una ko tong napuntahan. nagkaroon kame ng team building activities kung saan ang team namin lagi ang nangunguna. masaya at naging magkakaibigan kameng lahat. natry namin lahat ng slides at ang sarap-sarap at ang saya-saya nun!

pero dko akalaing makakabalik ulit ako dun. kahapon lang ay pumunta kame kasama ng mga kaopisina ko sa bagong kumpanya. planado na ang lahat at wala nang urungan. ilang beses na rin namove yun dahil sa iba't ibang dahilan. sa wakas natuloy din. kahit hindi nakumpleto ang mga talagang sasama, masaya pa rin kame.

pagdating namin e maraming naka-park na bus. so may company outing pala. kung nalaman lang namin agad yung pangalan ng kumpanya, edi sana nakalibre pa kame. e honest kame, kaya nagbayad kame. lol. nakalibre pa ang isa samin kasi may promo sila na 5 + 1. kaya yung mga sumobrang pera, ginamit nalang namin sa pagrenta ng cottage. kaso walang nagbabantay sa mga cottages. kaya d namin alam kung kanino kame magiinquire para makakuha ng cottage. hindi rin naman yun makikita agad sa reception at ticketing booth. masaklap pa, hindi naka-uniform ang mga empleyado. di mo mawari kung yung mga naka-Global Gutz ba o Splash Island na t-shirt ang pagtatanungan mo. ang pinakamadali, maghanap ka ng may-ID. mura lang naman ang cottage pero sana meron ngang attendant na laging nakabantay.

marami nang nagbago sa SPLASH ISLAND mula dati. nadagdagan ang mga team building facilities tulad ng wall climbing saka zipline. astig yung zipline kasi dumadaan Agos Grandes -- yung wave pool sa gitna ng resort. nawala yung ibang tindahan na may murang paninda at napalitan ng walang kamatayang hotdog stands. samakatwid, naging mas mahal at wala kang choice dahil bawal ang magdala ng pagkain sa loob. malabo nga lang, dahil yung nag-company outing, may dalang food sa loob. kaya kame, iniwan namin yung pagkain sa van pero malayo ang parking lot sa resort. pagbabalik kna ng resort, gutom kna ulit.

una naming tinry yung Balsa River. nung nangalahati na kame, na-bored na kame pero tinapos nalang namin. sunod e nagpunta kame sa Water Wahoo at nakipaglaro sa tubig at mga bata, lolz. at nagtry naman kame sa wave pool at tumanggap ng sakit ng katawan.

pagka-pananghalian e pumunta kame sa Family Raft para matry na namin yung mga malalaking slides. sakto pagkatapos namin e biglang nagsara ang mga slide kasi may pabuhos na ulan. bumalik muna kame sa cottage pero naglaro nalang kame ng mga pang-intelihenteng tao. wala kame magawa kasi nagbrownout pa at delikado dahil kumukulog at kumikidlat.

pagkatapos ng unos e ilang sandali pa bago magkakuryente. at agad naming pinuntahan yung Tausug Trails saka Magellan's Drop. nag-enjoy yung mga kasama ko at mukhang naadik na rin ata.

kahit papano napagod din sila. kaya nagdecide na kameng kumain ng merienda sa Splash Island. halos magsasara na rin yung mga tindahan saka naguuwian na rin yung mga nag-outing. mahirap maghanap ng kakainan sa loob.

eto ang pinakamasaklap, nawalan ng tubig para makapagshower kame. dahil din ata sa nagbrownout e nakaapekto sa distribution ng tubig. kaya lahat kame e nangangati na sa natutuyong tubig sa aming balat. pinagtanungan namin ang management e maghintay lang daw kame. mabuti naman at ginagawan nila yun ng paraan.

may isang oras din ata bago ako nakapaligo. kaya nung nagsabi sila na may tubig na, talagang tumakbo ako sa shower room at dinalian ko nalang paliligo ko.

sayang at di naranasan ng mga kasama ko yung iba pang extreme na slides tulad ng King Pilipit at Big Bam Boo. dun kasi maghihiwalay talaga ang katawan at kaluluwa mo.

dko alam kung babalik ako. pwede rin pero sana hindi na mangyari yung mga nakwento ko dito. kung perstaymer ka, subukan mo rin at baka maging maganda ang kwento mo.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Martes, Abril 6, 2010

Perstaym ko sa Enchanted Kingdom (the experience)

well, excited talaga ako kasi after 15 years of existence nya, ngayon lang ako nakapunta sa Enchanted Kingdom. sabi nga ni iris, "ohms, halikan mo na ang lupa." sabi naman ni ate, "ang loser mo naman! ngayon ka lang nakapunta dito!" sa akin naman, bahala kayo, sabihin nyo gusto nyong sabihin, mag-eenjoy ako dito!

happy itlog pala sa inyong lahat. eto ang naging celebration ko ng Easter Sunday. so kahit puyat puyat pa, nawala yun nung nakapasok nako sa entrance ng EK. nag-register nako at nilagyan kame ng green paper band para ma-identify as guest ng park. pagpasok namin e nakita ko agad si Eldar the Wizard at ang chicks nyang si Princess Victoria. nakatambay lang sila sa harapan ng carousel sa harapan ng theme park.

since nasa harap na kame ng carousel, sinakyan na rin namin. kasama ko ang pamangkin ko saka parents nya. mas malaki itong carousel na to kesa sa nasakyan ko nung buhay pa ang Fiesta Carnival sa cubao. medyo mabagal pero medyo nahilo ako. hahaha. light pa lang yang ride na yan ha! tapos sumakay pa kame sa boulderville train. wow exciting! hahahaha

naging papa-extreme yung mga sinasakyan namin habang nagtatagal. inuna namin yung Flying Fiesta. ang sarap magpadala sa tumitilapon na swing! ang taas pa ng pagkakaangat namin, pero sa totoo lang nakakatakot. baka nga naman mapigtal yung kadena at bigla akong tumilapon sa ibang planeta.

tapos naglunch kame para sa launch ng bagong EK attraction. may bago silang mga mascot. sina Zoori at Zooger. white lion si Zoori at normal tiger lang si Zooger.

tapos... tapos... tapos... (lol bata?!) sumakay na kame sa mega extreme over over na rides! since perstaym ko nga, pinilit ako na wag ko daw palagpasin yung mga nakakatakot na rides. first stop, SPACE SHUTTLE (dan-dan-dan-dan!) kame lang ng pinsan ni iris ang sumakay. naghiwalay kame ng kaluluwa ko nung pagbagsak ng carts! ipinikit ko nalang ang buong sakay. mas nakakatakot pag patalikod.

para matanggal ang hilo, kelangan ko muna ng tubig. so sa JUNGLE LOG JAM muna kame. kitang kita sa album na ito na sobrang inenjoy ko yung ride na yun. yung pamangkin ko, takot na takot pag babagsak na. hahahaha

tapos ANCHORS AWAY! kaya kang iangat sa ere ng 90 degress perpendicular sa ground tapos magpapaiwan ulit yung kaluluwa mo. magkikita nalang kayo ulit after ilan seconds. nakakatakot din. kasi naman yung mga kasama ko, sa dulo nagsiupo! nakakalula!

tapos nagpakabasa ulit kame sa RIO GRANDE naman. kahit anung wish ng mga kasama ko na maligo ako dun sa waterfalls, sorry! hahahaha d talaga ako natapat kahit kelan yun. 2 beses partida pa na inulit namin yung ride. belat!

bago magpalit, tinry ko muna yung BUNGEE FUN. ang sakit sa singit! nakakapagod din yung magpapasikat ka sa ere. epal na epal. haha

yun pala, may Easter Egg hunting din pala. swerte ni earth nakakuha sila ng itlog. naghanap din kame kaso nagkatamaran na kasi nakakahilo din saka medyo pagabi na. so sumakay nalang kame ng WHEEL OF FATE para masaya. ang lakas ng hangin sa taas. ganda rin tignan ng ibaba kasi maganda din yung ilaw.

mga 730 umalis na kame ng EK. ang sarap, sana bumalik kame ulit for free. hahaha

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Huwebes, Abril 1, 2010

Perstaym ko sa Enchanted Kingdom


see you on sunday!

thanks po sa nag-invite. maghahanap din ako ng itlog. hahaha

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives