muli, napa-outing kame ng mga kabarkada ko nung highschool. kahit onti lang kame naenjoy naman namin. usapan 8AM magkikita kita sa riverbanks. ako namang magaling, 745AM na nagising. lolz e kasi mejo stressful din ang nakaraang araw ng Best Prac. pero buti namang maganda ang outcome ng seminar ko at hopefully wala masyadong problema after the event. pero ibang usapan na yun.
anyway, madali lang ang byahe. mula sa Marcos hiway, sakay lang ng Angono at dadaan na yun sa gate entrance -- Php 17 lang ang pamasahe. pero nagkaroon ng komosyon dahil biglang nagkatrapik sa Tikling. nasiraan pa yung jeep namin. pero nakarating din naman kame dun after 10 years. pagdating sa gate e magpupuno pa lang ang jeep kaya lumabas muna kame ulit para kumain ng lunch sa Chowking. pero tamang umalis na rin yung jeep mga 20 mins na kameng nakakakain.
ayun, sasakay ka pa ng jeep sa loob ng Club Manila East para makapunta sa resort. Php 350 ang entrance kasi weekend. Php 300 lang pag weekdays. libre ang mga batang below 3ft.
tapos dun kame sa tapat ng wave pool. daming tao. typical na summer weekend sa isang resort. at dahil 2nd floor lang kame, madali lang bumaba at umakyat at pumunta sa iba ibang pool.
una naming na-try yung covered pool para d masyadong mainit. hanggang dibdib ko ang tubig kaya nakakabwelo pako para makalangoy. medyo malinis pa ang tubig ng mga oras na yun kaya sinubukan ko din na dumilat. hindi malakas ang chlorine kaya ok lang. tapos lumipat lang kame dun sa kabilang pool na walang bubong pero may waterfalls. kaya umilalim muna ako dun para magkaroon ng back massage.
nung nagsawa na kame, pumunta naman kame sa kayaking pool. hanggang 2 tao lang ang kasya sa kayak pero d kame nagshare. dun lang ako nagsunog ng kulay para naman magkaebidensya ang pag-outing ko.
tapos balik kame sa room para makapagpahinga naman. nakakapagod e. aalis yung isang kasama namin, uuwi ng Bataan. hinatid muna namin palabas saka kame kumain ng lunch. or basta makakain lang.
tapos ni-try naman namin yung wave pool sa tapat ng cottage naming mukhang preso. pero in fairness mukha namang secured lahat ng gamit. may anti-pest lamp pa. pagbaba namin, wala pang waves pero nagswimming na rin kame. kunwari nalang feel ko na may waves kasi amboring ng dating. lumipat kame sa ocean waves pool na para naman kaming nasa washing machine. pero masarap na nakakapagod.
nung nagutom kame, wala naman kameng choice kundi bumili sa mga tindahan sa loob ng CME. e bawal kasi magpasok ng pagkain. warning sa mga dpa nakakapunta dun, MAHAL ang pagkain! naka-4 na kahon ng mangga na tig-50 na may kasamang alamang pagkatapos ng chow fan. ang sarap!
pagkatapos ng onting swimming, nagshower na kame. mejo asiwa kasi hindi masara nang maayos yung mga pinto ng cubicle pero kaya maipit yung pinto. basta hindi mo sya ma-lock.
SUSUNOD! Photos
Linggo, Mayo 16, 2010
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
pagkatapos namin mag-farmville sa Gourmet's at maging maglulupa sa Alfonso, Cavite, pumunta naman kami sa isang side trip sa Ilog Maria....
-
Nagpa-sched ako ng overnight sa Island Cove dahil na rin sa malapit nang maexpire ang GC ko from the previous invitation. Ang naging problem...
-
this was planned during the mokke christmas party which i've hosted. marami kameng choices na lugar na gusto naming puntahan. first it w...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento