Perstaym ko sa San Ildefonso, Bacolor, Pampanga

bago magPasko e niyaya kame ni Ms. Janette Toral para sa isang cheesy event. mejo malayo nga lang ang Pampanga kaya pinagisipan ko nang mabuti kung sasama ako. sabi naman ni Ms. Janette na tanghali naman e makakauwi na kame. kaya pumayag din ako.

so kasama ko pala sina Habagat Central at Flowell sa Pampanga. tapos may iba pang bloggers na dko na iisa-isahin. nagkita muna kame nina flow at bernie sa Greenbelt ng gabi ng 23 para magsayang ng oras kasi ala-1 ng madaling araw ng 24 ang lakad namin. umorder kame ng knya kanyang kape sa KopiRoti. yung sa kanila mabilis lang dumating e yung order kong kape ang tagal. mukhang 30mins at inaantok nako nun. buti nalang makulit yung 2 at hindi ako naging patola.

pagkatapos naming kumain e dumerecho na kame sa Intercontinental Hotel. mejo excited pero dumating na sina Ms. Janette at Blogie sa lobby. dpa katagalan e dumating na si Alvin. tapos sunud-sunod na ang mag-iinang Peña. kahit 10 pa lang kame e pinauna na kame sa sasakyan na papuntang Pampanga. ok magdrive si kuya kaya natulog ako sa byahe.

3AM kame nakarating sa isang hotel. nagstay muna kame ng 1 oras at nagbrowse ng mga channel. napadaan kame sa Viva Channel na may pinapalabas na isang movie. isang low budget na movie kaya inokray okray namin. pano ba naman, may mag-asawa atang nagaaway na umabot hanggang sa patayan. yung lalaki, sinusugod nya ung babae tapos sumaklolo yung mga kapitbahay. sa gunita nung babae ay may nagf-flash na batya na may labada. ang sa amin lang, walang kakone-koneksyon yung mga nangyayari. siguro naman e may dahilan para mag-away yung lalaki at babae para sumaklolo yung mga kapitbahay. pero yung labada, ewan ko nalang.

tapos pumunta na kame sa simbahan sa San Ildefonso. luma na yung simbahan at nalubog ito sa lahar nung sumabog ang Pinatubo. pero nagawan nila ng paraan para maibalik ung dating sigla ng simbahan. mukhang malaki yung simbahan. pagdating namin e Simbang Gabi na. last installment kaya tumuloy na kame para magsimba.

kapampangan yung misa kaya dko naintindihan. pero kya mong piliting maintindihan kasi may mga katulad na salita. at buti nagtagalog din yung pari sa homily. yung mga responsorio e kung anong nakagawian mo sa simba sa tagalog. isarili mo nalang yung mga sagot mo.

nung matapos yung misa e lumabas na kame para sa isang live TV coverage ng Kraft Eden's Keso de Gallo. masarap yung nakahain, kalabasang puto at hot chocolate. lahat ng mga pumunta e nakakain. tapos nakita namin yung kabuuan ng simbahan na dun pala nagsshooting sina Bro at Santino! inexplain ni flow kung bakit dun daw sila nagshoot e naintindihan naman namin. kitang kita ang pinsalang nagawa nung bumaha ng lahar mula sa bulkan.


tapos pumunta naman kame sa isang resto na exclusive lamang sa mga naiimbita. kahit puyat at parang walang gana, nagising kame sa sarap ng mga hinaing pagkain. salamat kay Chef Claude Tayag at nabigyan kame ng pagkakataon na malasapang ang kakaibang pagkaing Kapampangan at naipamalas sa amin ang hospitalidad ng mga Kapampangan.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Comments

  1. waaa, kasama ka pala dun... hindi ko cinarry sumama kasi may tinapos ako nung 24... tsk tsk... sayang!

    ReplyDelete
  2. @Dhina: yup kasama ako dun. ang saya kasi kahit isang araw lang e parang ang dami naming ginawa dun. busog pa!

    ReplyDelete
  3. Gusto mo bang ibalik sayo ang sumpa ng mahiwagang batya ng labada? LOLS! :p

    ReplyDelete
  4. @Bernie: iba na ang sumpa. unti unting nagbabalik sa pagka-patola si timang. hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment