September 22 palang e dilat na mga mata ko para di mahuli sa call time. kasama ko sina jori at flow at tumambay muna kame sa QC. kakatapos palang kasi ng Legend of the Guardians at wala nang uwian!
530AM kame nagkita kita sa Half Moon Cafe at dun na rin kame nagbreakfast. buti nalang wala masyadong na-late at nakaalis kame on time. ang ingay nga ng mga kasama ko sa van: sina jori, flow, iris, iris, azrael, jeman, alex (na tinulugan kame). at dun sa mga wala sa van, pasensyahan at napagusapan kayo! joke!

mga 1230PM na kame nakarating sa Mines View Park Hotel. nanariwa sa isip ko na hindi pala ako nakapunta dun dati. pagdating namin e naghanda agad sila ng maiinom para bumalik ang sigla namin. maganda ang lugar. kahit hindi sya 5-star hotel, mararamdaman mo ang bakasyon kasi at home talaga ang pakiramdam. pagkacheck-in namin ng mga gamit, tuloy na kame sa mini-press con at lunch buffet na hinanda ng Mines View Park Hotel.
nagsimula pala ang Mines View Park Hotel noong 2006 na ang tanging facility nila ay yung parang clubhouse ngayon na may 2 rooms, 1 function hall, dining area, fireplace at bar. dun din makikita ang Half Moon Cafe Baguio branch kung saan ginagawa yung bibingcrepe. at nung nagtagal e tinayo na nila ang hotel na may 27 kwarto na pwedeng magkasya ang hanggang 4 na tao sa isang kwarto. may attic area din sila na pwede hanggang 10 tao. may gym din for fitness buffs, terrace at spa.
maasikaso ang staff ng hotel. lalo na si Mang Buddy. yung head ata ng hospitality nila dun. alam nya kung nagustuhan mo yung pagkain, at mago-offer pa talaga sya ng ibang makakain kung nagugutom kapa. masayahin ang mga staff at wala kang masasabi sa pagka-alerto nila sa mga pangangailangan mo.
ok naman ang pag-stay namin sa hotel. yun nga nakapag-yoga pa kame saka tinuruan pa kaming gumawa ng bibingcrepe! specialty ng Half Moon Cafe na yung bibingka e flat at nilagyan ng fillings, cheese, marshmallows, chocolate shavings, margarine, or kahit ano. masarap sya lalo na yung crispy. pwedeng pwede syang gawin sa bahay.
kinabukasan, masarap ulit ang breakfast namin. gumala na kame sa mga attraction sa Baguio. una e pumunta kame sa Strawberry Farm sa La Trinidad. dun ako nakakita ng 7 for Php 100 na items. mga choco flakes, lengua at wines mura din. pati mga gulay kaya maraming dala yung mga kasama ko. perstaym ko din natikman yung Strawberry Taho.
pagbalik namin sa hotel, ibang klase na naman ang lunch namin. meron palang Strawberry Sinigang! sa tingin ko normal lang naman pagkakaluto nun na nilagyan lang ng Strawberry pero nakakaaliw.
babalik ako next time. pero mas marami na akong gagawin dun!
hahaha, natawa ako sa "MAIINGAY" special mention pa talaga hahaha
TumugonBurahin@Iris: hahahaha... hindi ba? LOL
TumugonBurahinHI perstym ko rin dito hehehe... nice blog.... dropping by here.. hope you can see me back.
TumugonBurahin@Vernz: thanks.
TumugonBurahin