
since nasa harap na kame ng carousel, sinakyan na rin namin. kasama ko ang pamangkin ko saka parents nya. mas malaki itong carousel na to kesa sa nasakyan ko nung buhay pa ang Fiesta Carnival sa cubao. medyo mabagal pero medyo nahilo ako. hahaha. light pa lang yang ride na yan ha! tapos sumakay pa kame sa boulderville train. wow exciting! hahahaha
naging papa-extreme yung mga sinasakyan namin habang nagtatagal. inuna namin yung Flying Fiesta. ang sarap magpadala sa tumitilapon na swing! ang taas pa ng pagkakaangat namin, pero sa totoo lang nakakatakot. baka nga naman mapigtal yung kadena at bigla akong tumilapon sa ibang planeta.
tapos naglunch kame para sa launch ng bagong EK attraction. may bago silang mga mascot. sina Zoori at Zooger. white lion si Zoori at normal tiger lang si Zooger.
tapos... tapos... tapos... (lol bata?!) sumakay na kame sa mega extreme over over na rides! since perstaym ko nga, pinilit ako na wag ko daw palagpasin yung mga nakakatakot na rides. first stop, SPACE SHUTTLE (dan-dan-dan-dan!) kame lang ng pinsan ni iris ang sumakay. naghiwalay kame ng kaluluwa ko nung pagbagsak ng carts! ipinikit ko nalang ang buong sakay. mas nakakatakot pag patalikod.



bago magpalit, tinry ko muna yung BUNGEE FUN. ang sakit sa singit! nakakapagod din yung magpapasikat ka sa ere. epal na epal. haha
yun pala, may Easter Egg hunting din pala. swerte ni earth nakakuha sila ng itlog. naghanap din kame kaso nagkatamaran na kasi nakakahilo din saka medyo pagabi na. so sumakay nalang kame ng WHEEL OF FATE para masaya. ang lakas ng hangin sa taas. ganda rin tignan ng ibaba kasi maganda din yung ilaw.
mga 730 umalis na kame ng EK. ang sarap, sana bumalik kame ulit for free. hahaha
part ako ng experience mo. un nga lang, d sa mga nkakatakot n rides hahaha.... pero enjoy pa rin!
TumugonBurahin@aeirin: hahaha salamat sa pictures!
TumugonBurahinwas there one time back in dec 98 pa...i think i'm gonna be back soon for a company-sponsored activity.
TumugonBurahinbagasbas is nice...have a friend living there...will link you up later
@backpacking philippines: was at EK at dec98? or at Bagasbas? i wonder if i can survive the exciting waves of the beach. i am so excited right now. :)
TumugonBurahinang kwela ng blog mo, ipagpatuloy mo lang
TumugonBurahin@Anonymous: thanks. sino ka?
TumugonBurahin