Perstaym ko sa Subic Grand Seas Resort

thank you kay Gian Magdangal sa pagkakabunot ng pangalan ko para manalo ng gift certificate sa Subic Grand Seas Resort. kaya tamang habang nagbabakasyon ako nung Kapaskuhan e ginamit ko na yung mga GC. saka pa-expire na rin sya ng December 31 2010 kaya dapat magamit na.

maaga kame pumunta sa Subic. 8AM nakabili na agad kame ng ticket. kasama si ana, pinsan nya at 2 pang friends na galing ng Canada. kasama ko naman sina mama, yung kapatid ko at pamangkin ko. bumili lang kame ng ticket sa Victory Liner Cubao worth Php 200 each at hanggang Olongapo na yun. pagdating sa Olongapo, kumain muna kame sa Chowking tapos sumakay lang kame ng jeep na blue at dadaan na yun sa Subic Grand Seas Resort.

expected kame dun ng mga 1PM sa resort. pero 2PM na kame nakakuha ng room. swerte pa nga nina ana kasi yung isang GC e nagamit nila. 2 kasi yung GCs ko na for 2 people. so dahil pasko naman, binigay ko na rin.

nanggi-gitata nako sa init at gusto ko na maligo. nasa 2nd floor kame nakapwesto pero kitang kita na yung beach. kitang-kita rin yung pool. makakita lang ako ng tubig e parang gusto ko na magdive! pero di pala ako magaling lumangoy. kaya nagpahinga muna ako sa kwarto at baka mapasma ako. mainit din kasi sa byahe.

twin deluxe yung room na napunta sa amin. kasya ang 4 na tao sa isang kwarto. sabi nila wifi ready daw yung buong area kaso hindi ako maka-connect. tapos nung tinanong ko sa reception e buong Barangay Barretto pala e fail ang internet connection. kala ko mahina lang kaya d maka-connect. pero sana maayos na yung connection nila dun.

nag-gala-gala ako sa buong resort at wala pala akong masyadong magagawa dun. pahingahan lang talaga. kung gusto mo ng adventure, lakarin mo yung beach. hindi na rin ako nakatiis at bago magdilim e lumublob nako sa dagat. (at maglinis ng dagat)

walang buffet dinner sa Grand Seas. so kelangan lumabas kame para kumain. may natikman ako na spicy squid in barbecue sauce (basta parang ganun). ang mas masarap, libre lang yun galing sa mga galing sa Canada. LOLZ at pag-uwi namin, kanya kanyang tulog nalang at kelangan makarami kinabukasan. pero bago matulog e sinubukan ko munang maligo e parang d ako nasatisfy. mahina ang tubig at malakas ang chlorine treatment. parang kung ano ang tubig sa pool, yun din yung nasa shower. parang ang daming kulang dun sa banyo. at wala ring disposable shaver. buti nalang may mga dala kame at nakatulog ako ng maayos ng gabing yun.

may complimentary breakfast naman. kaso 2 piraso ng tasty na hinati diagonally tapos omelette with 2 fillings of your choice. tapos kape or juice ang iinumin mo.

pagka-breakfast e nagpalit nako ng pang-swimming. this time sa pool nalang ako. wala rin kasing alon sa dagat kaya parang na-disappoint ako. tapos nag-boating nalang kameng lahat at nilibot namin ang Subic Bay. nakakaaliw lang na may nakikita kameng mga flying fish.

naligo nalang kame pagbalik namin ng Grand Seas. tapos binalik nalang ung check-in deposit na Php 1000 sa amin. ayun, pagkaligo, uwian na. kumain nalang kame ulit sa KFC sa Olongapo. madali lang naman din pagsakay dun sa Victory Liner.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Comments

  1. hi. what is your rate with grand seas, 10 is the highest? were planning kc to have our outing there. thanks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. around 8.5 to 9 points. Maganda yung place for staying-in lang.

      Delete
  2. Thanks for your honest review :). I'm thinking of whether or not to buy a voucher for Grand Seas. San kayo bale kumain ng dinner? thanks :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi. Along the highway lang. I forgot the name. :(

      Delete

Post a Comment