maaga kame pumunta sa Subic. 8AM nakabili na agad kame ng ticket. kasama si ana, pinsan nya at 2 pang friends na galing ng Canada. kasama ko naman sina mama, yung kapatid ko at pamangkin ko. bumili lang kame ng ticket sa Victory Liner Cubao worth Php 200 each at hanggang Olongapo na yun. pagdating sa Olongapo, kumain muna kame sa Chowking tapos sumakay lang kame ng jeep na blue at dadaan na yun sa Subic Grand Seas Resort.

nanggi-gitata nako sa init at gusto ko na maligo. nasa 2nd floor kame nakapwesto pero kitang kita na yung beach. kitang-kita rin yung pool. makakita lang ako ng tubig e parang gusto ko na magdive! pero di pala ako magaling lumangoy. kaya nagpahinga muna ako sa kwarto at baka mapasma ako. mainit din kasi sa byahe.

nag-gala-gala ako sa buong resort at wala pala akong masyadong magagawa dun. pahingahan lang talaga. kung gusto mo ng adventure, lakarin mo yung beach. hindi na rin ako nakatiis at bago magdilim e lumublob nako sa dagat. (at maglinis ng dagat)
walang buffet dinner sa Grand Seas. so kelangan lumabas kame para kumain. may natikman ako na spicy squid in barbecue sauce (basta parang ganun). ang mas masarap, libre lang yun galing sa mga galing sa Canada. LOLZ at pag-uwi namin, kanya kanyang tulog nalang at kelangan makarami kinabukasan. pero bago matulog e sinubukan ko munang maligo e parang d ako nasatisfy. mahina ang tubig at malakas ang chlorine treatment. parang kung ano ang tubig sa pool, yun din yung nasa shower. parang ang daming kulang dun sa banyo. at wala ring disposable shaver. buti nalang may mga dala kame at nakatulog ako ng maayos ng gabing yun.
may complimentary breakfast naman. kaso 2 piraso ng tasty na hinati diagonally tapos omelette with 2 fillings of your choice. tapos kape or juice ang iinumin mo.

naligo nalang kame pagbalik namin ng Grand Seas. tapos binalik nalang ung check-in deposit na Php 1000 sa amin. ayun, pagkaligo, uwian na. kumain nalang kame ulit sa KFC sa Olongapo. madali lang naman din pagsakay dun sa Victory Liner.
hi. what is your rate with grand seas, 10 is the highest? were planning kc to have our outing there. thanks.
TumugonBurahinaround 8.5 to 9 points. Maganda yung place for staying-in lang.
BurahinThanks for your honest review :). I'm thinking of whether or not to buy a voucher for Grand Seas. San kayo bale kumain ng dinner? thanks :)
TumugonBurahinHi. Along the highway lang. I forgot the name. :(
Burahin