Perstaym ko sa Hong Kong! (part two)

... from Part 1

unang trip ko onland sa Hong Kong at namangha na talaga ako sa mga nakikita ko. pag-alis mo ng airport e malalaking man-made islands na talagang maganda. hindi mo maiimagine na man-made lang sya. at dun mo madadaanan ang HK Disneyland! kahit di kame pumunta doon e medyo masaya na rin ako. d nga lang ako nakapagpa-picture.

tapos nung nasa Wan Chai district na kame, parang i feel so poor sa pilipinas! normalan lang ang mga Benz, Ferrari, Rolls Royce at iba pang mga luxury cars! at dun ko lang nakita ang mga boutique ng mga designer perfumes at clothes na kumpara mo dito sa pilipinas e magdududa ka pa sa authenticity ng mga bibilhin mo. kahit maraming sasakyan, d naman ganun kalala ang trapik. at saka ang mga bus dun e may dalawang floors! haha! maganda pa ang loob at hindi siksikan. kahit buksan mo ang bintana e dka masusulasok sa hangin.

ang mga tao pa dun e ganadong ganado sa pasyon! para kang tumitingin ng clothing catalog yun nga lang e gumagalaw ang mga pictures at tamang maganda lang ang background! natatawa tuloy ako sa sarili ko na magtuturo ng mga bagay na nandun kasi ibang klase talaga.

nadaanan din namin ang Harbor na nandun ang ginagawa pa lamang na Harbor Theater ata un. ah basta gusto ko lang lagi nakatingala dun kasi ang tataas ng mga building. para akong bata kung magtuturo doon.

pagka-check in namin sa Empire Hotel, pumunta kame sa pinakamalapit na kainan para maglunch. nagulat nalang ako sa laki ng servings kaya pala nagshare-share kame sa mga order namin. kahit extra rice makakalimutan mong umorder sa dami! masarap ang Peking Duck at Yang Chow dun.

nagpunta na kami sa HK Academy of the Performing Arts para sa isang cable convention related sa trabaho namin. dun daw nag-aral si Jackie Chan. dun na kame nagset up ng booth at maririnig mo ang mga students na nag-aaral para sa kanilang music recitals. inaabangan ko nga na sana magkaroon sila ng isang grandiose recital practice na buong orchestra ang tutugtog.

nung matapos ang set up namin e bumalik muna kame sa Empire Hotel para magprepare sa gimik kinagabihan. tamang-tama at panahon ng HK Festival at pati na halloween. gamit namin ang MTR ng HK, MRT ang katumbas nun satin, papuntang Causeway Bay. kaya nung nakarating kame ng Causeway Bay at Times Square, ang gara ng mga decorations! para ka na ring nasa extension ng Disneyland sa mala-pambatang theme!

ung mga bilihan dun nakakalula! mga Class A pero gusto ko dun ung Giordano! walang wala ang Giordano dito sa atin na puro tshirt lang. doon bongga! sana pala nagdala pako ng extra money (as if meron). haha.

sa pag-aakala naming malapit lang ung Hotel Empire sa Causeway Bay, nilakad nalang namin. e kasi naman, isang stretch lang ng Hennesy Street un makakarating na kame. tinitipid din namin ung pera namin para maraming kameng pasalubong sa Pilipinas. ayun, muntik na kameng maligaw at jinajabar na sa pagod. haha

... may part 3!

Comments

  1. hahahah... designers nga halost dun sa may wan chai area, dapat dun ka sa temple street namili para mura :) kaso yon lang medyo sa divesoria lng hehehe... it's good to know na nagenjoy ka. buti ka pa business trip so libre tirahan hehehe... kailan pa kaya ako makakabusiness trip dun. hangang monkey business na lang ata whehehehe

    ReplyDelete
  2. haha.. sana nga ipadala ulit kame dun. kala ko Mong Kok ang divisoria nila dun?

    ReplyDelete

Post a Comment