Perstaym ko sa Hong Kong! (part three)

dumating na ang isa sa mga boss namin at talagang gusto nyang mag-shopping agad! edi go na kame. balik kame dun sa Times Square at nagikot-ikot hanggang Mong Kok. tapos ang mga kinain namin e share-share pa din kame. e ang sarap na ngang mag-ikot, ang sarap pang kumain! libre e. haha! kasama pa namin ung guest namin from the US na mag-asawa. sila kasi yung client ng kumpanya. e gustong maranasan nung dalawang kano ang authentic Hong Kong. hala ayun, pinakain ng mga Peking Duck, Shabu-shabu, kahit yung mga street foods. yung street foods nila dun fresh na fresh! hindi artificial juice! malaman na malaman ang mga katulad ng fishballs dun.

nung mamili ako, halos ma-nosebleed ako kasi sakin iniwan yung mga kano. e di shempre englishan ang drama namin. nagkita kita kame sa Victoria Harbor ata yun kung saan nanood kame ng light show sa other side of the harbor. maganda yung show kasi nakakasabay nung lights sa lahat ng building yung music from the other side. at dko maimagine na underwater pala ung MTR ng HK.
tapos sumakay kame dun sa barko na tumatawid mula sa kabilang ibayo. mga 500 ata ang sinasakay nila dun at isa daw yun sa top 100 travel destinations sa buong mundo. so 99 na lang e nagawa ko na lahat. lol

pagbalik namin sa hotel, ilapag lang daw ang mga pinamili at gigimik pa kame. aba sige sulitin ko na rin kasi ilang araw nalang ang itatagal ko sa HK. tamang-tama at halloween night pa at maraming nka-costume sa daan. deds lang kung matanda kana. e dito puro bata lang ang nagko-costume. buti nalang nagdala ako ng sungay na headband. lol

magaling din ung banda sa Spicy Fingers. actually nagpa-picture ako nang bonggacious dun. d naman ako lasing or socialite masyado. pero nag-enjoy talaga ako. feeling ko nga anak ako nung mga bossing at alagang-alaga ako dun. haha

muntik pako mapaaway kasi may isang jerk na naka-dracula na ginagaya ang mga ginagawa at sinasabi ko. nakaka-annoy dba? e yoko namang magpa-badshot sa harap ng mga bossing ko kaya ignore ko nalang. nakakainis at talagang kumulo dugo ko sa kanya. mabahong foreigner!

Comments

  1. hahaha... ito pala ang jologs travel blog mo.

    ReplyDelete
  2. @the donG: jologs na jologs dba? haha

    ReplyDelete
  3. abangan ko ang pers taym mo sa palawan, bohol, etc. hehehe

    ReplyDelete
  4. @Anonymous: hahaha sige abangan ko rin ang pera. lolz

    ReplyDelete

Post a Comment