Perstaym ko sa Hong Kong!

o diba chuchal? first entry pa lang e international na! buti nalang dipa uso ang A(H1N1) virus nung pumunta ako dito nung 2007. para kasi sa isang company project ang pagpunta ko sa HK kasama ang isang chinese friend at ilang bossing.

earlier that year e inasikaso ko na ang passport ko. kaya nag-leave ako ng isang araw at ginawa ko ang lahat. kumuha ng NSO birth certificate, etc. etc. etc. lam nyo na siguro kung ano ang step by step sa ganun kasi tinatamad nako isulat yun at alam kong excited na rin kayo sa experience ko sa HK.

maaga pa lang e nagparamdam nako sa meeting place na 4AM sa Makati. at aba ang mga magagaling na kasama e anung petsa na dumating? buti nalang e nagstay pa ng onti si papa hanggang may dumating akong kasama. ayun, nung nakumpleto na kame e mejo nanlalagkit na rin ako sa humid na hangin ng Makati.

at pagdating sa airport: "PIKTYUR PIKTYUR!" e syempre may pagka-vain ang kasama kong Chinese. lahat documented, shempre ako rin. kwentuhan na kame na ano kaya ang mga mangyayari sakin sa HK? magpapaiwan ba ako? iki-kiss ko ba ang lupa? parang cloud 9 ang feeling pag ganun siguro. at perstaym ko din makasakay sa eroplano kaya ima-maximize ko tlaga ang gagawin ko dun.

bawal pala mag-open ng mga gadgets upon lift-off at landing ng eroplano. dko alam kung bakit? e d rin naman ganun ka-hitech ang ilan kong dala. tapos buti nalang may served na pagkain sa PAL. kaso d ako sa tabi ng bintana nakaupo kaya dko masyadong nakita ung Google Earth.

paglapag namin sa HK e para akong tulala na nanaginip na ewan. OMG moment un na nasa HK na ako. nakangiti mag-isa pero nandun parin ung pagpapanggap na im not new sa HK. tutal mga ganun din naman ung ibang tao dun. haha. at buti tapos na rin ang SARS scare at lagi akong may dalang vitamins para more energy mas happy.

ang laki ng airport ng HK! daig pa siguro ang pinagsama-samang Megamall at Mall of Asia sa laki! kasi may parang mall din dun na pwede mo nang bilhan ng gamit. pero naghintay nalang kame ng guide namin at nag-picture. kulang nalang may musiko na sumalubong sakin na may banner na HK Huan Ying Ni, Ohmski! in chinese! haha..

... to be continued

Comments

  1. Ayan, gumana na ang pag-comment. Kanina hindi ako makacomment eh :)

    ReplyDelete
  2. hehe. ewan ko ba sa gumawa ng theme nato. laging kulang ng comment form. haha

    ReplyDelete
  3. hahaha... buti nga nong pumunta ka matagal na walang SARS. ako nong pumunta ako mga 3 months after ng SARS scare hehehe.. kaya tudo ingit :) pero enjoy pa din hehehe...

    ReplyDelete
  4. hahaha.. tapang mo ha. at least wala na sya ngaun. AH1N1

    ReplyDelete

Post a Comment