hindi kasi ako Thomasian tulad ng iba kong kaibigan. bagamat malaki ang pagkakakilala ko at respeto sa mga taga-UST, eto ang isang natatanging post tungkol sa kanilang paaralan.
itinayo noong 1611 sa ilalim ng mga Dominikanong pari sa loob ng mga pader ng Intramuros sa Maynila at kinalaunan ay nilagay sa kasalukuyan nitong kinalalagyan sa may EspaƱa Blvd. sa Sampaloc, Manila.
mga Katolikong pag-aaral ang mga unang kurso dito dahil una itong eskwelahan sa pagpapari. Teolohiya at ilang mga araling pang-Katoliko ang itinuturo hanggang nagkaroon ng medisina, pangangalakal at iba pa. dahil sa dedikasyon nitong palaganapin ang Kristiyanismo sa lungsod hanggang sa ibang lugar ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga misyong ginawa ng mga mag-aaral nito, binasbasan ito ng Simbahang Katolika sa Vatican sa pangunguna ng santo papa.
noong 1995, nang dumalaw ang Santo Papa Juan Pablo II, isang natatanging taon kung saan nagkaroon din ng maraming biyaya ang UST. tunay na inaalay ng pamantasan ang kung ano mang kaganapan para sa Panginoon.
sa ngayon, nagkaroon na rin ng ospital sa loob ng pamantasan kung saan tumutulong ang mga nagtapos ng medisina. ang pisikal na anyo ng unibersidad ay naging makabago o di naman ay may batayan sa maka-Katolikong paniniwala at doktrina.
sa kanilang ika-400 taon ng pagkakatatag, mahigit isang taon na pasasalamat at pagdiriwang sa kanilang mga naging kontribusyon sa lipunan at sa kasaysayan ng Pilipinas. UST, Mabuhay ka!
Biyernes, Hulyo 2, 2010
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
pagkatapos namin mag-farmville sa Gourmet's at maging maglulupa sa Alfonso, Cavite, pumunta naman kami sa isang side trip sa Ilog Maria....
-
Nagpa-sched ako ng overnight sa Island Cove dahil na rin sa malapit nang maexpire ang GC ko from the previous invitation. Ang naging problem...
-
this was planned during the mokke christmas party which i've hosted. marami kameng choices na lugar na gusto naming puntahan. first it w...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento