From Azalea Residences, medyo malayo sya. Mga 30-40mins drive hanggang BenCab Museum at sa loob pa ata sya ng isang subdivision. At mas kalmado na ang buhay-Baguio kase nakakapag-overlooking ka na. Tho dumadami yung mga residential area sa gilid ng bundok, buti at may nakikita ka pang green. Sana mas maraming green. Nageenjoy ka din sa mga makikita mo lalo na yung mga wood shop. Iba ibang wood carvings at sculpture na halos life-size na tulad nito:
Sa loob ng BenCab Museum, siyempre maraming art. Ilan dun gawa ni National Artist for Visual Arts BenCab (Benedicto Cabrera) at pati ng iba pang artists from all over the Philippines. Entrance kung di ako nagkakamali ay Php 100. Buong museum na maiikot mo dun kaya gora ka na next Baguio visit mo.
Unang malaking painting ni BenCab ay si Sabel. Inspired sya sa isang taong grasa sa Sampaloc, Manila at pininta sya ni BenCab sa mga tiles. Nandun pa rin yun hanggang ngayon at isa sa mga sikat na artwork nya.
Hinanap ko yung gallery sa Tadhana pero wala na yung painting dun. Pero may ibang mga galleries na mage-enjoy kayong tignan.
![]() |
Tulad nitong Erotica gallery na sobrang natagalan ang mga babaeng ito na "mag-appreciate ng art" |
![]() |
Sa Ode to the Flag gallery, running until August 2015 only. |
![]() |
Ang mga anito at iaalay na birhen. LOL |
Sa labas ng museum, may malaking garden na may maliit na farm at pond. Sa di kalayuan makikita mo rin ang bahay ni BenCab kung saan nya ginagawa ang mga masterpieces nya. Sayang wala sya dun para nakilala din namin sya.
![]() |
Bahay ni BenCab sa likod ko. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento