After ng isang masarap na lunch sa Slaughterhouse, may hangover pa rin kaming malala papunta sa Tam-Awan Village. Kasalanan ng BnB to kaya grabe sa kakatawa ang nangyari sa byahe namin. Ibang level of friendship at parang kami ang papalit sa #TeamAmiga. Hahaha
Pagdating namin sa Tam-Awan Village, dito nako nakakita ng Strawberry Taho. Php20 isang baso na gawa mismo ng naglalako ng taho. Perfect pictorial moment para sa mga turista ng Baguio. Maaaliw ka na rin sa buong lugar kasi may mga kubo at mga artworks na gawa ng mga taga-Baguio. Sabi nila, nagturo din daw si BenCab dito.
Sa Tam-Awan Village, dito mo na mararanasan ang cultural pride ng Cordillera. May mga tribal dancers na nagpapakita ng kung ano ano: panliligaw, pakikipagdigma, etc. In full costume pa.
May coffee shop din sa taas pero ang highlight namin doon e yung portrait sketching session. Php200 lang sya at magagawa na sya sa loob ng 15-20 minutes. Wag ka lang malikot baka kung ano maidrawing sayo. Hahaha! Tatlong artists ang gagawa ng portrait sa Tam-Awan Village. Si Ate Jenny ang nag-sketch sakin nun na may isang anak din na marunong mag-drawing. Kahit may mga nagkukulitan sa mga kasama ko e focus ako at focus din si ate Jenny sa kakadrawing at happy ako sa naging resulta.
Ito lahat ng drawings sa mga bloggers sa Tam-Awan Village.
Marami pa kaming pupuntahan kaya nag-merienda muna kami.
Martes, Hunyo 30, 2015
Perstaym ko sa Tam-Awan Village
Mga etiketa:
after summer,
baguio city,
tam-awan village,
travel
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
Nagpa-sched ako ng overnight sa Island Cove dahil na rin sa malapit nang maexpire ang GC ko from the previous invitation. Ang naging problem...
-
Second time ko pa lang mag-camping. Una sa Nagsasa Cove sa Zambales with workmates, ngayon naman sa Gabriel's Sanctuary sa Antipolo. Nai...
-
Maraming paghuhugutan ang post na to. After namin magpakalasing sa tapuy sa Cafe Yagam , maaga dapat gumising kinabukasan para sa actual tou...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento