Perstaym ko sa Piazza, McKinley Hill

sa wakas nakapunta na rin ako sa Piazza sa McKinley Hill. eto raw yung bagong The Fort at Libis. yun lang, MALAYO! kung di lang concert ni Charice at dahil sa sasakyan ni joy, d talaga ako pupunta.

papasok palang kame ng McKinley Hill e namangha nako sa ganda ng mga ilaw bagamat onti palang ang gusaling natatayo dito. haha parang bata lang. tapos naghanap kame ng parking ni joy. halos puno yung parking lot kasi nga nandun si Charice, may show. buti nalang may nakita kameng space sa di kalayuan ng Piazza.

kahit wala masyadong building e maganda ang mga makikita mo. Piazza mismo e may Italian architecture para talagang nasa Venice. may mga santo, ang kulay ay malamig sa mata. sa gitna ng modernong pamumuhay ay para ka pa ring nasa tradisyonal na Venice.



Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?

Comments