Lunes, Agosto 17, 2009

Perstaym ko sa La Union (at mag-surf din)

d lang to perstaym sa La Union. perstaym ko din mag-surfing!

after the UP movie premiere sa SM Megamall, umuwi agad ako to pack-up my things na gagamitin sa 2-day getaway sa La Union para sa Let's Go Surfing Event ni Jonel at Sago. at buti nlang din ay may napanalunan akong freebies dun sa UP movie premiere at dko na kelangan bumili ng baon.

08.15.09
nagkita kita kame nung mga participants sa McDonald's Q.Ave. kala ko male-late ako dahil 1AM daw ang departure time. buti nlang at naunahan ko pa rin ung iba kaya pagdating ko sa mcdo e nakapagwithdraw pako ng perang pambaon sa La Union.

nandun agad ang tropa. sina ria, cher, jp, fjordz, earth, ada, carl, chris at leira kaya kame nang lahat ng buddy-buddies pagdating sa bus. c fjordz katabi ko sa bus at pareho kameng nagtetext sa mga naiwan namin. laging kelangan may update sa mga taong naiwanan.

by 130AM lumarga na yung bus away from Q.Ave at nagbigay ng onting reminders si jonel at xmpre with sosyal na mention from the sponsors. tapos nagplay si manong ng mga Adam Sandler chick flicks. at mukhang na-marathon namin hanggang makarating sa La Union. may stopover kameng tinigilan para mag-jingle bells pero dko alam kung saan un. basta wala na kame sa Manila. at sobrang lamig kasi! ako nga tong summer na summer ang feeling pero nangangatog ako sa ginaw at bigla akong naghanap ng lugaw. pero bigo ako.

bandang 8AM nasa La Union na kame. San Juan part. kitang kita na ung dagat at parang gusto ko na tlaga lumangoy. nagcheck-in kame sa San Juan Surf School na kung saan dun din makikita si Luke Landrigan na sikat na sikat. nung nabigay na ung mga room assignments namin e mya mya lang, nag-stroll nako sa beach with cher, ria, earth, fjordz at leira.

nagjo-joke pa nga kame na baka umabot kame ng Pagudpud or bka onting lakad pa e Taiwan na. lolz. sanctuary ang lugar na yun, tahimik at talagang makakalimutan mo yung stress mo. lakas pa ng alon at tamang tama nga naman para sa event at pag-surfing.

by 1030 e may nagstart na mag-surf. d muna ako sumali kasi naging personal photographer ako ni chris. ako nagcover ng mga stunts nya habang yung iba namn e pahid ng pahid ng VMV sunblock na in fairness e ok naman tlaga. meron ding gumagawa ng castle na naging Mickey Mouse. haha

si alvin astig! parang dko ata nakitang sumemplang sa dagat. na-inspire tuloy ako na kayang kaya kong gawin yun -- at sana mas astig. hehe. after manood ng 1st batch e kame naman ay pumunta sa kalapit na karinderya at umorder ng lunch. halos pang-breakfast pa rin ung inorder namin dahil mga hotsilog, tosilog at bangusilog ata yung iba. dapat punta kame sa Halo-Halo de Iloko nun pero sabi namin by dinner nalang :)

onting siesta at bumaba na kame para sa 2nd batch ng surfers. kame na yun! pero this time, covered na sya ng QTV kaya nandun din si Andy Smith. tapos demo-demo na si Luke na -- which by the way, clueless ako na sya na pala yun. LMAO!

mejo natakot nga ako dahil perstaym ko din gagawin un at nakakatakot ang weather. parang uulan. pero since marami naman kame, focus nlang ako sa surfing lessons at si Kuya Toto ang instructor ko. naka-3 semplang ata ako bago ko sya na-master. talagang napapasigaw ako ng OH MY GOD! I CAN SURF! with matching ROCK at PUNKS NOT DEAD handsign. lolz tapos nag-aapir pa sakin si Luke nung isang beses na mejo napalapit yung pag-surf ko sa kanya. tapos ayun, nabibitin ako pag maganda ung alon kasi marami akong kasabay. e minsan nagkakabanggaan kame ng ibang surfers. gusto ko sana sumali ulit sa 3rd batch kaso kelangan na namin magready sa next itinerary.

tapos balik shower na kame ulit para mag-dinner sa Halo Halo de Iloko. dna kame nag-sunset watching. :( merong mga naiwan at mukhang ok naman sila dun. bumalik nalang kame ng bandang 7PM para sa program ng 8PM.

masaya din yung night event. may raffle saka nag-perform pa ng poi dancing c fitz. nagpaturo din ako saka c earth. mahirap pala un. kala ko ganun ganun lang. nung mga unang try ko, ayun sapul! hahaha wag nyo na alamin kung saan ako sapul kasi sobrang sakit! nanalo pa ako ng isang pares ng Havaianas na perstaym ko rin magkaroon. tapos onting socializing, kwentuhan saka inuman. d na namin mxado pinansin ang oras pero 12MN lang pala nung natulog kame.

08.16.09
d mxado masakit katawan ko. tapos kumain nako ng breakfast. dpa rin ako makapagpigil kapag nakikita ko yung beach. kaya hinintay ko lang ung iba para sabay-sabay kame pumunta sa dagat. later on nagdala pa si ria ng water-proof cam para makapag-underwater pics kame.

packup na rin after. tapos pumunta kame sa Midway Grill na onting drive lang galing sa resort na tinuluyan namin. mejo Hollywood Diner ang eksena dun at masarap din ang mga pagkain. tapos nung bumyahe na kame ulit e nag-award na si Jonel ng mga prizes sa surfing. si Alvin nanalong Best Male Surfer at si Cher naman Best Female Surfer. si Carl naman ang Mr. Congeniality. lolz.

pagdating namin ng Tarlac, dumaan kame sa Isdaan at nagpicture-an. dun din yung TACSIYAPO kung saan pwede mong ilabas lahat ng galit mo sa mundo. gagastos ka nga lang. tapos pagbyahe namin ulit, nagvideoke naman kameng lahat sa bus. wala tlagang pinatulog! lolz si jp ang highest pointer sa videoke. c carl naman puro boyband ang kinakanta. pero ako ang pasimuno ng lahat.

sa wakas nakabalik kame sa McDo Q.Ave ng kumpleto. namiss ko agad ang La Union.

nga pala, ang event na ito ay may layuning makatulong sa kalikasan bilang pagbibigay ng donasyon sa WWF sa tulong ng mga sumusunod:

Philippine Dept. of Tourism

and

Bico Australia

Sponsors

SM
Starbucks Coffee
VMV Skin Research Centre + Clinics

Media Partners
Qtube of QTV (Official TV Media Partner)
Men’s Health & Women’s Health Magazine (Official Print Media Partner)
Web.Com.Ph (Official Web Hosting Partner)
Yehey.com (Official Online Media Partner)
CreatiVoices (Official Podcast Partner)

with the support of:
Havaianas
GeiserMaclang
Travel Factor
DigitalManila.blogspot.com
JumpShotsPH.com

Linggo, Agosto 16, 2009

Perstaym ko sa Puerto Galera

hayun, ang tagal ko ring hindi nag-entry sa blog. hindi ko ma-compose ang sarili ko dahil ibat ibang excitement ang nangyari sakin nitong mga nagdaang araw.
kwento ko na lang kung anu-ano un...

nung holy week, nagkita-kita ang ilan sa mokke. wala lang. trip lang namin. ayun, at nagkaroon na lang ng plano na pumunta kina rina para magbakasyon. at since birthday naman daw ni tito mayor, (iboto nyo po si rhyan dolor mga taga-bauan!) guests nya kame.
the following week, walang araw na hindi ka makaka-receive ng email sa yahoogroups. at excited lahat. kahit gastos-constraint, gora pa rin ang lahat. kasi BIGTIME na lakaran ito!

april 14, saturday
so ayun, maaga nagkita-kita sa alimall mcdonalds kasi dun kame sasakay ng bus sa tapat papuntang batangas. ok naman ang byahe. kahit mag-isa lang ako sa pwesto katabi ng mamang hindi ko kakilala, salamat sa cellphone! hehehe...

nakarating kame sa batangas at gudlak! ibinaba kame ng bus sa isang ma-alikabok na lugar at dinadaanan ng mga sasakyan. ANG USOK! at ANG INIT! pero naantig ang aking kalooban nang mapansin ko ang TINDI NG PULITIKA sa batangas. pano kaya kung manalo si ate vi at boyet sa pagka-governor at congressman ng batangas? O DIBA STAR-STUDDED! at saka, nakita pala namin si boyet dun sa bahay ng present governor dahil ka-partido nya ito. ayun, suguran kame at nagpaka-fan ang 3 sa amin makita lang si boyet (you know who you are!)...



ayun, tambay, kwentuhan, KAIN, picture-picture at swimming kinagabihan ang trip ng mokke sa araw na un ng sabado. kawawang janah at rhyan, natinik ata ng jellyfish kaya pinaliguan sila ng suka at mukhang na-trauma na ata after nun. hindi na sila lumusong ulit sa dagat. nga pala, yung tinuluyan naming bahay, isang tambling lang nasa dagat kana. o diba ang saya?!

april 15, sunday
maaga pa lang mga 4am ay gising na pala ang ana at nagpe-prepare papuntang galera. excited?! maaga rin kasi syang natulog dahil galing sykes ay derecho syang nakipagkita samin sa cubao. wala nang keme-keme para matulog. hindi rin sya nakatulog sa byahe. ang namutawing linya noong umagang iyon: "ANG MAJE-JEBS JAN, MAG-JEBS NA!" haaayyy... buti na lang at nakaraos ako dun. kesa naman sa byahe ako magtampururot noh! mahirap naman ata un.. may onting budget constraints na ako nun kaya naghanap kame ng mawiwithdraw-han bago kame makarating ng pier.

ayun, sinalubong kame ng katakot-takot na barker ng bangka. e sakin pa lahat nagaalok ng masasakyan na feel ko tuloy na parang ANG YAMAN KO! as if naman noh. 1st-timer lang ako dun at malelerkey ako sa mga pinagsasasabi nya. ano ung supercat? ano ung chelsea? ano ung natividad? lahat sila nangungulit na 730, 745 at 8am na mga byahe. ang mokke naman ay excited so kinuha namin ang 730 na byahe kahit 731am na ang oras. naglabasan ang mga ubeng anda at binigay sa nagbu-book ng byahe. nakarating naman kame sa bangka, mga 736 na. as if naman expect mo na ontime diba?

pagsakay sa bangka ay parang mga bata na ngaun lang nakakita ng dagat. kung anu-ano ang tinuturo na puro tubig lang naman.. magaganda naman ang mga islands na makikita at nakakatakot ang waves. may nakita rin kameng flying fish. hihihi...

ilang metro hanggang galera ay nagtetetext na ako sa aking mga naiwan. "ma, dito na kame galera." ayun, reply naman ang mama na "cge enjoy, always pray." kala ko papagalitan na ako paguwi dahil sobrang biglaan na ito at hindi ko ininform sa kanya na pupunta sa galera. mga kapatid ko lang at pinsan ang nakakaalam nun. at paglapag ng bangka sa white beach, sabi ko sa sarili ko, hahalikan ko ang buhanginan ng galera! well, joke lang un, na-feel ko naman ang saya sa galera at pinagtitinginan ng mga tao, kala mo artistahin noh?! hahaha... talagang hinaplos ko ang buhangin habang nilalakad ito. ako'y nawiwindang dahil sa dami ng attraction na nasa beach, heheeh... mga naka bathing suit at mga bars! (joke! masyado atang mahalay un.) well anyway, mga 1030 na kame nakakuha ng room na akala namin ay meron nang ni-reserve yung kausap ni janah. tignan nyo na lang ang blog nya.

nanood muna kame ng laban ni viloria bago kame magswimming. kasi naman, alam na namin kung sino ang nanalo sa laban nina pacquiao. kaya ayun, habang kumakanta at binababoy ni geneva ang lupang hinirang, nagsu-sunblock na kameng lahat. ayun, kinatanghalian at sinusunog namin ang mga sarili sa ilalim ng araw. maya-mya'y nagbanana-boat kame na sobrang kinatakutan ko. pero na-overcome ko ang fear na ito dahil 2x kame itinaob sa gitna ng laot! kumusta naman diba? kaya nung nasa may pampang na kame'y go lang kahit lumayo! malakas pa ang alon! sayang wala kameng pics na naka-lifevest kame. pero ok naman ang experience sa banana boat.

naguubos na lang ng oras sine yeng at morris dahil uuwi na sila bago mag-gabi. so maya-mya'y umahon kame then kumain lang sa room namin. s-files na nun kaya tunganga lang ung iba kong kasama dahil ako lang ang kapuso sa barkada. pero wa kems. then lumabas kame ni ana dahil gusto ko iexplore ang kakaibang batuhan sa dulo ng white beach. pagdating namin dun ay nagpicturan lang kame pero nagulat kame na may lumabas na babae sa isang maliit na butas sa batuhan. kala namin ay kame lang ang nakakakita pero bigla syang nagsalita na "try nyo pumunta sa loob, it's a 4 minute walk but it's all worth it." dumugo ang ilong ko dahil ingglisera ang lola. pero ayun, sabi namin ni ana na ieexplore namin sya kinabukasan.

pabalik namin ng kabihasnan, bigla na lang akong nagpulot ng mga batong mukhang mentos at nag-isip-isip at nagmuni-muni sa mga bagay-bagay. hindi ko alam kung ano connect nun sa mga bato pero sabi ni ana, "ang mga magagandang bato kahit napakaliit man nito ay madali lang makikita; ang mga bangka at alon sa aming daraanan ay syang aming mga pagsubok." o diba ang lalim nun?! words of wisdom from ana dacanay!!! hindi na namin nakitang umalis sina morris at yeng dahil malamang ay nakasakay na sila ng bangka. kaya kame ni ana'y umakyat na muli at kumain na naman ng dinner bago magbanlaw.

mga bandang 8pm ay nakagayak na ang lahat para sa gimik. shempre d kumpleto ang galera trip mo kapag walang night life. ayun at habang naghahanap kame ng makakainan, may isang tropang bading na nagsasayaw ng button (pussycat dolls) sa harapan ng bar. agaw eksena ang mga berdugo (berdeng dugo) at pagkatapos ay anyaya na pumasok kayo sa bar nila. pero nung tumigil sila, mejo napahiya ng onti kasi walang pumasok. SILA NA KAYA ANG ATTRACTION DUN!!! pero well, entertaining nga naman sila. pagorder namin ng mga maiinom, dko akalain na magkakatama agad ako sa isang san mig light!! ang hina pa nun a.. ewan ko lang. baka ung sa yelo sa galera. nagkaka-aftertaste ako e pero dko type ung lasa ng tubig. aniwei, super tipid mode talaga ako sa galera. then punta naman kame sa other side for some hard drinks. i ordered pineapple shake kasi i had the sniffles pa. then punta na lang kayo sa blog nina rina and carissa for the story. hindi ko kasi gaano naantabayanan ang lahat dahil antok n nga ako at tumira pa ng subzero na libre ng friends from galera.

sad story: eto rin ang araw na namatay ang pinsan ko na naimpeksyon ng tetano. napakabait nya samin kaya ganun na lang ang pagkabigla ko sa pagkamatay nya.

april 16, monday
then nung mag-umaga, kain muna ng breakfast at naghanap ako ng makakainan ng mami. may nahanap naman ako pero kumusta naman?! presyong chowking pero quality ng turo-turo. tapos wala pang itlog! AT ANG MAHAL A! Php10 para sa nilagang itlog! pero ayun, sinimot ko talaga ang mami na un.

tapos balik ng room, apply ng sunblock then derecho na sa beach! mas malakas ata ang alon ng mga oras na un at sinasalubong namin ang matataas na alon. kapit na lang sakin ni carissa kapag may malakas na alon. at nakuha pa nyang mag-boy hunting sa gitna ng dagat. subukan nya lang akong lunurin noh. hehehe...

then mga 1030am ay umahon na ako para mag-shower. mejo pinagmamadali ako ng lahat dahil kelangan 1130 naka-checkout na kame. so sige. ayun, pinatuyo ko ang lahat ng ginamit kong pampaligo pati underwear. well, mejo rooftop kame kaya ok namn na mejo natuyo ang mga gamit ko. then prepared na kameng lahat and everything, kain muna sa baba. another 10 years bago kame nakakain. na-cancel n nga ang order ni carissa dahil 10 years nga. hinintay p nga kame ng bangka bago un umalis... mamimiss ko rin ang galera kasi sobrang ikling oras ang pag-stay ko dun.

then another 1.5 hours pbalik ng batangas pier. so sa bangka ay nagkatulugan lang kameng lahat. then sinalubong naman kame ng katakot-takot na pasalubong vendors. haayyy... pero hindi na ko bumili kasi marami rin naman sa manila nun. anytime pwede ako bumili kung may pambili. bigla pang nagtext ang mga officemates ko na may swimming daw sa nasugbu sa susunod na sabado! kumusta naman sakin!?

bininyagang BOY TISOY:
6pm na ko nakarating sa bahay at sobrang init na init ako sa sarili ko at pulang-pula ako. sabi ng mga nakakita sakin, "ANG TISOY NI OMAR!!!" shmpre flattered naman ako. pero hello! ang init kaya! first-time kong mapunta ng galera at first time ko rin magka-sunburn! tapos yelo kung yelo agad ang kinuha ko mula sa ref at dinampi sa aking mainit na katawan. umalis pa kame ng gabing yun para pumunta ng lamay.

** dami kong naisulat dito a. hehehe... pero namimiss ko na talaga magswimming ulet. well, sobrang occupied na ako lahat ng weekends ng april at wala na akong pera.