ilang beses na rin ako naimbitahan ni Irish sa mga raket namin.
oo, rumaraket ako. tumutulong kami sa mga ikakasal para i-coordinate ang lahat ng mga kailangan sa kasal. kailan lang e nagpunta kami sa Century Park Hotel sa Maynila. ako ang ginawang groom's assistant ng Tan - Untivero wedding. mabait naman yung couple. pero sa loob ko kabado din ako. pero lagi ko yung hinaharap nang nakangiti. malayo pa man ang panahon para ikasal ako at least nagkakaroon ako ng idea kung pano ko papagandahin ang sarili kong kasal.
o sya, ititigil ko na ang page-EMO. mabalik tayo sa perstaym experience ko.
sa San Sebastian Church sa may Recto ginanap ang kasalan. mula pang alas-3 ng hapon e may nakaline-up nang ikakasal kaya bawal ang ma-late sa mga entourage. kailangan maaga at may sariling policy ang mga taga-simbahan. naechapwera kaming mga coordinator. pero sa totoo lang, napadali ang mga trabaho namin... at least ang susunod na po-problemahin namin e yung sa reception na.
maganda sa loob ng simbahan ng San Sebastian. mala-Gothic ang design na para ka ding nasa Lord of the Rings. pati yung mga detailed nilang stained glass windows at life-sized images e agaw-pansin. may pulpito pa rin na malayo sa altar na pang-sinaunang panahon. sakto lang ito para sa mga ikakasal na gusto na may pagka-sinauna ang environment.
magarbo din yung altar. pansin na pansin ang design na pareho ng pagkakagawa sa exterior ng building. itinatak talaga ang pagkakakilanlan sa San Sebastian.
ginawang heritage site ang simbahan ng San Sebastian noong 2006.
Linggo, Marso 4, 2012
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
maganda talaga ang fireworks, dko idedeny yun. talagang napapa-"wow!" at "whoa!" ako sa mga kulay ng paputok. nung nalam...
-
ito'y isang pagbabalik-tanaw sa aking karanasan sa SPLASH ISLAND nung una ko tong napuntahan. nagkaroon kame ng team building activiti...
-
So kailangan ko ng onting break pero this time, pinagsabay ko ang trabaho at bakasyon sa Tagaytay. Masaya kasi matagal ko na gusto na medyo ...
Wow ang ganda naman ng simbahan !
TumugonBurahinindeed beautiful. made of steel and one of a kind in asia. :)
TumugonBurahinNice post!
TumugonBurahinThank you!
Burahin