
08.15.09
nagkita kita kame nung mga participants sa McDonald's Q.Ave. kala ko male-late ako dahil 1AM daw ang departure time. buti nlang at naunahan ko pa rin ung iba kaya pagdating ko sa mcdo e nakapagwithdraw pako ng perang pambaon sa La Union.
nandun agad ang tropa. sina ria, cher, jp, fjordz, earth, ada, carl, chris at leira kaya kame nang lahat ng buddy-buddies pagdating sa bus. c fjordz katabi ko sa bus at pareho kameng nagtetext sa mga naiwan namin. laging kelangan may update sa mga taong naiwanan.
by 130AM lumarga na yung bus away from Q.Ave at nagbigay ng onting reminders si jonel at xmpre with sosyal na mention from the sponsors. tapos nagplay si manong ng mga Adam Sandler chick flicks. at mukhang na-marathon namin hanggang makarating sa La Union. may stopover kameng tinigilan para mag-jingle bells pero dko alam kung saan un. basta wala na kame sa Manila. at sobrang lamig kasi! ako nga tong summer na summer ang feeling pero nangangatog ako sa ginaw at bigla akong naghanap ng lugaw. pero bigo ako.
bandang 8AM nasa La Union na kame. San Juan part. kitang kita na ung dagat at parang gusto ko na tlaga lumangoy. nagcheck-in kame sa San Juan Surf School na kung saan dun din makikita si Luke Landrigan na sikat na sikat. nung nabigay na ung mga room assignments namin e mya mya lang, nag-stroll nako sa beach with cher, ria, earth, fjordz at leira.
by 1030 e may nagstart na mag-surf. d muna ako sumali kasi naging personal photographer ako ni chris. ako nagcover ng mga stunts nya habang yung iba namn e pahid ng pahid ng VMV sunblock na in fairness e ok naman tlaga. meron ding gumagawa ng castle na naging Mickey Mouse. haha
si alvin astig! parang dko ata nakitang sumemplang sa dagat. na-inspire tuloy ako na kayang kaya kong gawin yun -- at sana mas astig. hehe. after manood ng 1st batch e kame naman ay pumunta sa kalapit na karinderya at umorder ng lunch. halos pang-breakfast pa rin ung inorder namin dahil mga hotsilog, tosilog at bangusilog ata yung iba. dapat punta kame sa Halo-Halo de Iloko nun pero sabi namin by dinner nalang :)
onting siesta at bumaba na kame para sa 2nd batch ng surfers. kame na yun! pero this time, covered na sya ng QTV kaya nandun din si Andy Smith. tapos demo-demo na si Luke na -- which by the way, clueless ako na sya na pala yun. LMAO!




masaya din yung night event. may raffle saka nag-perform pa ng poi dancing c fitz. nagpaturo din ako saka c earth. mahirap pala un. kala ko ganun ganun lang. nung mga unang try ko, ayun sapul! hahaha wag nyo na alamin kung saan ako sapul kasi sobrang sakit! nanalo pa ako ng isang pares ng Havaianas na perstaym ko rin magkaroon. tapos onting socializing, kwentuhan saka inuman. d na namin mxado pinansin ang oras pero 12MN lang pala nung natulog kame.
08.16.09
d mxado masakit katawan ko. tapos kumain nako ng breakfast. dpa rin ako makapagpigil kapag nakikita ko yung beach. kaya hinintay ko lang ung iba para sabay-sabay kame pumunta sa dagat. later on nagdala pa si ria ng water-proof cam para makapag-underwater pics kame.
packup na rin after. tapos pumunta kame sa Midway Grill na onting drive lang galing sa resort na tinuluyan namin. mejo Hollywood Diner ang eksena dun at masarap din ang mga pagkain. tapos nung bumyahe na kame ulit e nag-award na si Jonel ng mga prizes sa surfing. si Alvin nanalong Best Male Surfer at si Cher naman Best Female Surfer. si Carl naman ang Mr. Congeniality. lolz.
sa wakas nakabalik kame sa McDo Q.Ave ng kumpleto. namiss ko agad ang La Union.
nga pala, ang event na ito ay may layuning makatulong sa kalikasan bilang pagbibigay ng donasyon sa WWF sa tulong ng mga sumusunod:
and
Sponsors
SM
Starbucks Coffee
VMV Skin Research Centre + Clinics
Media Partners
Qtube of QTV (Official TV Media Partner)
Men’s Health & Women’s Health Magazine (Official Print Media Partner)
Web.Com.Ph (Official Web Hosting Partner)
Yehey.com (Official Online Media Partner)
CreatiVoices (Official Podcast Partner)
with the support of:
Havaianas
GeiserMaclang
Travel Factor
DigitalManila.blogspot.com
JumpShotsPH.com
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento