Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pampanga. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pampanga. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Enero 13, 2011

Phil Hot Air Balloon Fiesta 2011? eto SCHEDULE!

daming mangyayari sa Philippine Hot Air Balloon Fiesta 2011 sa Clark Freeport Zone. kung ano ano ito, eto tignan nyo schedule! kita kits nalang sa February 10-13 2011!



halaw sa website ng Philippine Hot Air Balloon Fiesta 2011.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Martes, Enero 11, 2011

gusto mo bang maka-Perstaym dito?


astig! 100 years na ang aviation sa buong mundo. ang alam natin e nakaimbento lang ang Wright Brothers ng eroplano pero dina natin naalala kung gano na katagal yun. so babalik ako sa Clark Freeport Zone para masaksihan ulit ito! gusto mo sumama? may pagkakataon ka! abangan sa Herword.com!

etong Philippine Hot Air Baloon Fiesta ay pang-16 na sa buong series. sa mga naka-saksi at laging nag-aabang nito, magandang pagkakataon ito sa history natin. ulit, gagawin to sa Clark Freeport Zone sa Clark, Pampanga from February 10-13, 2011. magandang pang-Valentine celebration kasama ang love mo or buong family.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Linggo, Pebrero 14, 2010

Perstaym ko sa Philippine Hot Air Balloon Fiesta

astig to kasi hindi ako pumunta as spectator lang kundi SPONSOR!

nung ininform sakin to ng boss ko na mag-tie up ulit kame sa event e tumaas ang adrenalin ko, kaya tumawag agad ako sa office ng organizer para marenew nga ung dati naming tie up sa event. hindi naman daw problema kaya go go go na rin ang sponsorship. kaya nung nagbigay ng package e gumawa agad ako ng counter proposal. tapos approved naman agad. *palakpakan*

mejo matagal tagal din yung mga negosasyon namin kasi marami palang kelangan gawin dun. d lang basta basta kaya medyo nagreklamo ang hairline ko sa mga iintindihin. d pala ganun kadali ang magsponsor. lalo na kung may sarili pa kayong booth sa ibang lugar, d mo pa alam kung anong gagawin etc... nagsuggest nga ang friend ko na kung sakaling baka pwede kameng magkaroon ng sariling lobo pero cash daw dapat un e XDEAL lang kaya ko iprovide. pero sa halip, may booth na kame, sponsor pa kame ng isang segment. yung skydiving! astig! bwahahaha...

ang inisponsoran kong SKYDIVING event sa PIHABF
salamat Iris para sa photo

so pagdating ng event medyo exhausted kasi ilang linggo na rin ako OT. may sweldo nga kaso pagod ka naman. pero sige, i love my job. windang tlaga ako kasi ingress, ung mga ID, ung mga pupunta, ung mga tickets, etc etc etc. waaahhh... ano pa bang dko nagagawa?! ayun hanggang sa dumating kame sa venue at maraming tao.

excited ako dahil perstaym ko. tapos ontime pako nakarating. pero last day na nun kasi Feb 14 na. ako nagsosolo, walang date. pero wala akong pakialam. lolz

ayun, maraming balloon at kung ano ano pang lumilipad. hehehe cute yung pagong saka araw. kung alam ko lang na pwede sumakay ang sponsor e kinapalan ko na mukha ko. kaso yun nga lang, pagbaba dko alam na ano gagawin ko. hahahah.. pero enjoy naman.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Sabado, Disyembre 26, 2009

Perstaym ko sa San Ildefonso, Bacolor, Pampanga

bago magPasko e niyaya kame ni Ms. Janette Toral para sa isang cheesy event. mejo malayo nga lang ang Pampanga kaya pinagisipan ko nang mabuti kung sasama ako. sabi naman ni Ms. Janette na tanghali naman e makakauwi na kame. kaya pumayag din ako.

so kasama ko pala sina Habagat Central at Flowell sa Pampanga. tapos may iba pang bloggers na dko na iisa-isahin. nagkita muna kame nina flow at bernie sa Greenbelt ng gabi ng 23 para magsayang ng oras kasi ala-1 ng madaling araw ng 24 ang lakad namin. umorder kame ng knya kanyang kape sa KopiRoti. yung sa kanila mabilis lang dumating e yung order kong kape ang tagal. mukhang 30mins at inaantok nako nun. buti nalang makulit yung 2 at hindi ako naging patola.

pagkatapos naming kumain e dumerecho na kame sa Intercontinental Hotel. mejo excited pero dumating na sina Ms. Janette at Blogie sa lobby. dpa katagalan e dumating na si Alvin. tapos sunud-sunod na ang mag-iinang Peña. kahit 10 pa lang kame e pinauna na kame sa sasakyan na papuntang Pampanga. ok magdrive si kuya kaya natulog ako sa byahe.

3AM kame nakarating sa isang hotel. nagstay muna kame ng 1 oras at nagbrowse ng mga channel. napadaan kame sa Viva Channel na may pinapalabas na isang movie. isang low budget na movie kaya inokray okray namin. pano ba naman, may mag-asawa atang nagaaway na umabot hanggang sa patayan. yung lalaki, sinusugod nya ung babae tapos sumaklolo yung mga kapitbahay. sa gunita nung babae ay may nagf-flash na batya na may labada. ang sa amin lang, walang kakone-koneksyon yung mga nangyayari. siguro naman e may dahilan para mag-away yung lalaki at babae para sumaklolo yung mga kapitbahay. pero yung labada, ewan ko nalang.

tapos pumunta na kame sa simbahan sa San Ildefonso. luma na yung simbahan at nalubog ito sa lahar nung sumabog ang Pinatubo. pero nagawan nila ng paraan para maibalik ung dating sigla ng simbahan. mukhang malaki yung simbahan. pagdating namin e Simbang Gabi na. last installment kaya tumuloy na kame para magsimba.

kapampangan yung misa kaya dko naintindihan. pero kya mong piliting maintindihan kasi may mga katulad na salita. at buti nagtagalog din yung pari sa homily. yung mga responsorio e kung anong nakagawian mo sa simba sa tagalog. isarili mo nalang yung mga sagot mo.

nung matapos yung misa e lumabas na kame para sa isang live TV coverage ng Kraft Eden's Keso de Gallo. masarap yung nakahain, kalabasang puto at hot chocolate. lahat ng mga pumunta e nakakain. tapos nakita namin yung kabuuan ng simbahan na dun pala nagsshooting sina Bro at Santino! inexplain ni flow kung bakit dun daw sila nagshoot e naintindihan naman namin. kitang kita ang pinsalang nagawa nung bumaha ng lahar mula sa bulkan.


tapos pumunta naman kame sa isang resto na exclusive lamang sa mga naiimbita. kahit puyat at parang walang gana, nagising kame sa sarap ng mga hinaing pagkain. salamat kay Chef Claude Tayag at nabigyan kame ng pagkakataon na malasapang ang kakaibang pagkaing Kapampangan at naipamalas sa amin ang hospitalidad ng mga Kapampangan.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Share:

Search This Blog

Intellifluence google page rank

Archives