Perstaym ko sa THUNDERBIRD RESORTS and CASINO

salamat sa kaibigan kong si Azrael at ang lahat ng bloggers na nakilala ko sa BloggersFest sa Thunderbird Resorts and Casino. at nagkaroon din ng katuparan ang pinakahihintay na tambalang Ohmski at Flowell sa okrayan sa harap ng stage.

perstaym ko dito. last time kasi hindi ako nakasama kaya gi-nrab ko na ang opportunity para makasama sa event pati makita na rin ang Thunderbird Resorts and Casino.

pero bago ang mga paghahanda, nag-overnight muna ako kina Joriben kasi malapit na sila sa Thunderbird. iniisip ko rin kasi kung pano pumunta dun. at least d ako masyadong haggard pagdating namin sa event. may malapit ding kasing shuttle service so hindi namin kelangan gumising ng sobrang aga. pagdating namin sa may shuttle terminal, nandun na sina Janese. at nandun din ang bago kong kakilala na si emotero at ang kasama nya ring naka-pink.

malayo pala mula paanan ng bundok paakyat sa Thunderbird. kits na rin ang Laguna Lake mula sa tuktok. nakakahilo sa dinaanan namin. masarap kasing mag-sight seeing. at malaki din pala ang Thunderbird. pagdating namin dun, sa may casino entrance kame kaya kelangan namin iwanan ang 2 nakapink pero dun sila sa other entrance ng ballroom. malaki ang casino nila pati ang ballroom. may 300 din ata ang kaya i-accommodate. sabi ko, kaya ko to, marami din naman akong kilalang bloggers so parang i belong with the crowd.

medyo mainit nung pagdating namin. at naghahagilap din ako ng wifi. may technical difficulties daw. pero bago magstart ang event e ok na. nagsimula na rin ang hosting namin at kelangan paspasan. nagtalk sina azrael, mica, jonel, anton, arvin, fitz, jp at yung taga-solidhosting. marami sanang questions pero kelangan imoderate ni flow. ako naman ang nagintroduce sa kanila.

thanks to Nicely for this photo

masaya din yung audience sa mga stint namin ni flow (bawal mag-protesta, host kame!) halos naging comedy bar ang function room. sarap din ng mga prize sa raffle. nanalo ako ng I like Thunderbird t-shirt. si flow naman nanalo ng hosting for 1 year. nakakainggit ang nanalo ng 3d/2n stay sa Porto Point, La Union na pagmamay-ari din ng Thunderbird. pati rin yung airfare tickets ng ZestAir. hayyyy, buti pa sila.

sobrang saya ng Bloggers Fest. sana maulit. sumatotal, eto lang ang masasabi ko: #wishuwerehere!



Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Comments

  1. May alternate karir na kayo ni Flow hehehe see you again Omar! :D Good job!

    ReplyDelete
  2. @Micamyx: hahaha thanks mica! ano kayang susunod na event na pwede naming ihost? lolz

    ReplyDelete
  3. @chinchan: ako nga! maniwala ka! haha

    ReplyDelete

Post a Comment