at this time, AKO LANG MAG-ISA! maraming perstaym akong gagawin, magswimming mag-isa sa Boracay, maglakad-lakad mula Station 3 hanggang d*Mall na minsan umabot pa ng Station 1, magfoodtrip mag-isa, at mag-picture mag-isa. o di ba? buti nalang in-touch ako sa contact person namin dun na sila ring nagprovide ng plane ticket at accommodation ko.
nung January 24, maaga nako gumising para maaga ring makapunta ng airport. at dahil 12NN ang flight ko, kelangan nasa Domestic Airport nako ng around 10AM. hirap pa namang sumakay ng taxi. dun na rin ako naglunch at nakita ko na ang mahal pala ng pagkaing naka-styro! isang tipak ng kanin at 2 ulam e halos abutin ako ng Php 100! wala pang panulak yun!at last nakarating din ako ng Kalibo. parang iba na sya nung huling punta ko 3 years ago. tapos nakita ko na rin yung magttransfer sa amin papuntang Boracay. along the way e kasabay ko mga taga Sports Unlimited. yung head writer nila na si Jake at 2 cameramen na sina Harvey at Joseph. talagang wala nakong inisip nun kundi magpahinga at sabihin sa sarili ko: "Bahala na, Boracay naman ito. buhay ako dito. toinks."
nagcheck-in ako sa Tonglen Beach Resort sa Station 3 at nabigla na lang ako na ang laki-laki ng kwarto ko! kasya mga 4 hanggang 6 na tao sa isang kwarto. at masaya pa dahil unlimited ang wifi except nung nag-down ang connection ng buong island at nawalan ng kuryente. may pool, cable TV, at aircon. masyado syang spacious for me kaya nung pagdating ko e pwede ko na itapon yung mga gamit ko kung saan saan. hahaha..
pero nakukulangan ako sa hotel na yun. aside na hindi sya beach front, 2 lang ang water supply. yung shower lang at sa lababo. hindi pa naman ako sanay ng walang tabo at timba, malakas kasi ako sa tubig. wala ring compli na shampoo and sabon na pwede i-replenish pag nagpa-housekeeping at pwedeng dekwatin.
pagkatapos maglunch at manood ng competition, bumabalik na ko sa Tonglen para magpahinga tapos maliligo sa beach mga bandang 3PM. tapos gagala ako hanggang station 2 at D*mall hanggang matuyo nako. saka ako babalik ng Tonglen para magshower at magready sa nightly parties.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento