Perstaym ko ma-feature ni Byahilo!

OMG-ness! iba pala talaga ang feeling pag papasikat kna! [feel na feel] kasi aside na nakikilala ka, tumataas ang level mo kpag isang institusyon na ang nagbanggit sayo. parang "I would like to thank..." ang mga pwede mong sabihin para kang nakatanggap ng golden statue.

ganito kasi yun. nakatunganga lang ako at nagbabasa ng plurks ng kung sino sino at tapos YM. may promo pala itong si Enrico Dee aka Byahilo. isang maalamat na travel blogger / professional photographer. pag nakilala nyo sya d kayo magsisisi na maging kaibigan sya. [uy bola! hahaha] ang sabi sa promo nya, Be a Byahilo Guest blogger. malalagay ang isa mong post sa Byahilo.com - ang kanyang dedicated site.

so nagpasa ako ng entry aside sa nakausap ko tlaga sya para maging guest blogger ako. pinasa ko ung Perstaym ko sa Philippine Hot Air Balloon Fiesta. nevermind na lang sa pics kasi super puyat ang workaholic nyong lolo. may ebidensya yan.

march 15 lumabas din ang post. salamat din kay Byahilo dahil nadagdagan ang followers ko. hahaha...

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Comments