Lunes, Enero 31, 2011

Perstaym ko sa Boracay MAG-ISA!

maraming salamat kay Dorothy Joy Wong at syempre sa boss ko na si Ms. Denise Calnea para sa pagkakaluklok sa akin sa Boracay. eto palang ang 2nd time ko sa Boracay para sa:

at this time, AKO LANG MAG-ISA! maraming perstaym akong gagawin, magswimming mag-isa sa Boracay, maglakad-lakad mula Station 3 hanggang d*Mall na minsan umabot pa ng Station 1, magfoodtrip mag-isa, at mag-picture mag-isa. o di ba? buti nalang in-touch ako sa contact person namin dun na sila ring nagprovide ng plane ticket at accommodation ko.

nung January 24, maaga nako gumising para maaga ring makapunta ng airport. at dahil 12NN ang flight ko, kelangan nasa Domestic Airport nako ng around 10AM. hirap pa namang sumakay ng taxi. dun na rin ako naglunch at nakita ko na ang mahal pala ng pagkaing naka-styro! isang tipak ng kanin at 2 ulam e halos abutin ako ng Php 100! wala pang panulak yun!

at last nakarating din ako ng Kalibo. parang iba na sya nung huling punta ko 3 years ago. tapos nakita ko na rin yung magttransfer sa amin papuntang Boracay. along the way e kasabay ko mga taga Sports Unlimited. yung head writer nila na si Jake at 2 cameramen na sina Harvey at Joseph. talagang wala nakong inisip nun kundi magpahinga at sabihin sa sarili ko: "Bahala na, Boracay naman ito. buhay ako dito. toinks."

nagcheck-in ako sa Tonglen Beach Resort sa Station 3 at nabigla na lang ako na ang laki-laki ng kwarto ko! kasya mga 4 hanggang 6 na tao sa isang kwarto. at masaya pa dahil unlimited ang wifi except nung nag-down ang connection ng buong island at nawalan ng kuryente. may pool, cable TV, at aircon. masyado syang spacious for me kaya nung pagdating ko e pwede ko na itapon yung mga gamit ko kung saan saan. hahaha..

pero nakukulangan ako sa hotel na yun. aside na hindi sya beach front, 2 lang ang water supply. yung shower lang at sa lababo. hindi pa naman ako sanay ng walang tabo at timba, malakas kasi ako sa tubig. wala ring compli na shampoo and sabon na pwede i-replenish pag nagpa-housekeeping at pwedeng dekwatin.

everyday e schedule nang pumunta ako sa GreenYard resort sa Bolabog Beach. malakas ang hangin pati ang alon. kaya ok na ok sa mga windsurfers. ako naman, nagwiwifi nalang. kuha ng picture dito at dyan. pati ni Marc Nelson. nainsecure na nga kasi bakit ko daw sya laging kinukunan ng picture. e depensa ko naman na para sa magazine at tutal sya lang naman ang alam kong celebrity.

pagkatapos maglunch at manood ng competition, bumabalik na ko sa Tonglen para magpahinga tapos maliligo sa beach mga bandang 3PM. tapos gagala ako hanggang station 2 at D*mall hanggang matuyo nako. saka ako babalik ng Tonglen para magshower at magready sa nightly parties.

tapos nalaman ko nalang na ikakasal pala yung kaklase ko nung highschool na si Reichenn. (pero sa ibang blog na yun) ayun, nag-extend ako ng stay ko sa Boracay para sa kasal at nagparebook na rin ako ng flight. madali lang pala. kaya pagbalik ko, alam ko na gagawin ko.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Huwebes, Enero 13, 2011

Phil Hot Air Balloon Fiesta 2011? eto SCHEDULE!

daming mangyayari sa Philippine Hot Air Balloon Fiesta 2011 sa Clark Freeport Zone. kung ano ano ito, eto tignan nyo schedule! kita kits nalang sa February 10-13 2011!



halaw sa website ng Philippine Hot Air Balloon Fiesta 2011.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Martes, Enero 11, 2011

gusto mo bang maka-Perstaym dito?


astig! 100 years na ang aviation sa buong mundo. ang alam natin e nakaimbento lang ang Wright Brothers ng eroplano pero dina natin naalala kung gano na katagal yun. so babalik ako sa Clark Freeport Zone para masaksihan ulit ito! gusto mo sumama? may pagkakataon ka! abangan sa Herword.com!

etong Philippine Hot Air Baloon Fiesta ay pang-16 na sa buong series. sa mga naka-saksi at laging nag-aabang nito, magandang pagkakataon ito sa history natin. ulit, gagawin to sa Clark Freeport Zone sa Clark, Pampanga from February 10-13, 2011. magandang pang-Valentine celebration kasama ang love mo or buong family.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?