Lunes, Marso 15, 2010

Perstaym ko ma-feature ni Byahilo!

OMG-ness! iba pala talaga ang feeling pag papasikat kna! [feel na feel] kasi aside na nakikilala ka, tumataas ang level mo kpag isang institusyon na ang nagbanggit sayo. parang "I would like to thank..." ang mga pwede mong sabihin para kang nakatanggap ng golden statue.

ganito kasi yun. nakatunganga lang ako at nagbabasa ng plurks ng kung sino sino at tapos YM. may promo pala itong si Enrico Dee aka Byahilo. isang maalamat na travel blogger / professional photographer. pag nakilala nyo sya d kayo magsisisi na maging kaibigan sya. [uy bola! hahaha] ang sabi sa promo nya, Be a Byahilo Guest blogger. malalagay ang isa mong post sa Byahilo.com - ang kanyang dedicated site.

so nagpasa ako ng entry aside sa nakausap ko tlaga sya para maging guest blogger ako. pinasa ko ung Perstaym ko sa Philippine Hot Air Balloon Fiesta. nevermind na lang sa pics kasi super puyat ang workaholic nyong lolo. may ebidensya yan.

march 15 lumabas din ang post. salamat din kay Byahilo dahil nadagdagan ang followers ko. hahaha...

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Lunes, Marso 8, 2010

Perstaym ng Pyromusical

maganda talaga ang fireworks, dko idedeny yun. talagang napapa-"wow!" at "whoa!" ako sa mga kulay ng paputok. nung nalamang kong may bagong pakulo itong mga fireworks company, excited tlaga ako pumunta. nagstart sya nung Feb 14 sa SM Mall of Asia. tamang kakatapos ang ng Hot Air Balloon Fiesta. d muna ako pumunta kasi puyat at pagod ako. so pumunta ako kahapon after ng isang event sa SMX. Kahit malao ang venue, ok lang kasi maganda naman ang aasahan mo. Nakakamangha talaga at iba ang pakiramdam pag nanonood ka ng fireworks. Magaling nga na napagsasabay nila ang sounds sa pagsabog ng mga fireworks. Maganda ang mga kulay, kasing kulay ng isang website, http://www.partycasino.com/ na sumasabog sa ere. Sa mga hindi pa nakapanood, tignan nyo nalang ang mga video sa baba.

may entrance fee na pala di tulad ng dati. kala ko mahal, pero may isang mama na nagbebenta ng tix. bili agad ako ng 3 para kay mama at sa kapatid ko.

Malaysia at Singapore yung nagperform kagabi. yung sa Malaysia may mga dead-air. may part pa nga ng "It's All Coming Back to Me Now" ni Celine Dion pero wla ka namang makitang fireworks. tinodo nila yung finale.


Malaysia entry

tapos Singapore naman. mas ok yung performance nila di tulad dun sa Malaysia na parang 5 klase lang ng fireworks ang nakita ko. tapos may sequence to the tune of Chariots of Fire.


Singapore entry 1


Singapore entry 2

congratulations nga pala sa SM Mall of Asia sa magandang improvement ng traffic habang Pyromusical event. d kame inabot ng 1 or 2 AM sa kalsada.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?