Sabado, Disyembre 26, 2009

Perstaym ko sa San Ildefonso, Bacolor, Pampanga

bago magPasko e niyaya kame ni Ms. Janette Toral para sa isang cheesy event. mejo malayo nga lang ang Pampanga kaya pinagisipan ko nang mabuti kung sasama ako. sabi naman ni Ms. Janette na tanghali naman e makakauwi na kame. kaya pumayag din ako.

so kasama ko pala sina Habagat Central at Flowell sa Pampanga. tapos may iba pang bloggers na dko na iisa-isahin. nagkita muna kame nina flow at bernie sa Greenbelt ng gabi ng 23 para magsayang ng oras kasi ala-1 ng madaling araw ng 24 ang lakad namin. umorder kame ng knya kanyang kape sa KopiRoti. yung sa kanila mabilis lang dumating e yung order kong kape ang tagal. mukhang 30mins at inaantok nako nun. buti nalang makulit yung 2 at hindi ako naging patola.

pagkatapos naming kumain e dumerecho na kame sa Intercontinental Hotel. mejo excited pero dumating na sina Ms. Janette at Blogie sa lobby. dpa katagalan e dumating na si Alvin. tapos sunud-sunod na ang mag-iinang Peña. kahit 10 pa lang kame e pinauna na kame sa sasakyan na papuntang Pampanga. ok magdrive si kuya kaya natulog ako sa byahe.

3AM kame nakarating sa isang hotel. nagstay muna kame ng 1 oras at nagbrowse ng mga channel. napadaan kame sa Viva Channel na may pinapalabas na isang movie. isang low budget na movie kaya inokray okray namin. pano ba naman, may mag-asawa atang nagaaway na umabot hanggang sa patayan. yung lalaki, sinusugod nya ung babae tapos sumaklolo yung mga kapitbahay. sa gunita nung babae ay may nagf-flash na batya na may labada. ang sa amin lang, walang kakone-koneksyon yung mga nangyayari. siguro naman e may dahilan para mag-away yung lalaki at babae para sumaklolo yung mga kapitbahay. pero yung labada, ewan ko nalang.

tapos pumunta na kame sa simbahan sa San Ildefonso. luma na yung simbahan at nalubog ito sa lahar nung sumabog ang Pinatubo. pero nagawan nila ng paraan para maibalik ung dating sigla ng simbahan. mukhang malaki yung simbahan. pagdating namin e Simbang Gabi na. last installment kaya tumuloy na kame para magsimba.

kapampangan yung misa kaya dko naintindihan. pero kya mong piliting maintindihan kasi may mga katulad na salita. at buti nagtagalog din yung pari sa homily. yung mga responsorio e kung anong nakagawian mo sa simba sa tagalog. isarili mo nalang yung mga sagot mo.

nung matapos yung misa e lumabas na kame para sa isang live TV coverage ng Kraft Eden's Keso de Gallo. masarap yung nakahain, kalabasang puto at hot chocolate. lahat ng mga pumunta e nakakain. tapos nakita namin yung kabuuan ng simbahan na dun pala nagsshooting sina Bro at Santino! inexplain ni flow kung bakit dun daw sila nagshoot e naintindihan naman namin. kitang kita ang pinsalang nagawa nung bumaha ng lahar mula sa bulkan.


tapos pumunta naman kame sa isang resto na exclusive lamang sa mga naiimbita. kahit puyat at parang walang gana, nagising kame sa sarap ng mga hinaing pagkain. salamat kay Chef Claude Tayag at nabigyan kame ng pagkakataon na malasapang ang kakaibang pagkaing Kapampangan at naipamalas sa amin ang hospitalidad ng mga Kapampangan.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


huwaw! meron nang Perstaym winner!

maraming salamat po sa lahat ng sumali sa perst contest ko! salamat din sa pagkakapromote ng contest. at pagkatapos ng pagkakavalidate ng mga entries ng lahat at pagraraffle sa Random.org, eto po ang mga validated entries at nalaman ko na rin ang nanalo:
kaya kay Dhina Lieva na nagsulat tungkol sa kanyang sosyal na Perstaym trip at nanalo ka ng Php 5000 worth ng GC na galing sa 7107 Cruise! sosyal pa rin! nyahahaay! magandang Christmas ito para sa iyo.

email na lang kita kung pano ko ibibigay ang iyong premyo.

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Linggo, Disyembre 20, 2009

Perstaym kong kumain ng palaka!

after a series of Perstaym travels, pagkain naman ang ifi-feature ko sa ngaun. nangyari ito nung March sa Island Cove. pakulo ng Yehey. so nagsama-sama lahat ng mga bloggers tapos nag-ala-Amazing Race kame sa vicinity ng Island Cove. ka-team ko sina Az, Marcelle, Zee, at Fung. mejo low-profile pako sa community pero ok naman ung mga ibang nakasali. at ngaun kaibigan ko na sila.

isa sa mga challenge e eating challenge. nagpapaka-bibo ito kasi nga Losing is not in my vocabulary. LOLZ ayun, extra challenge e dahil PALAKA at AMPALAYA SHAKE ang nakuha ko. bawal na magpalit. pero dahil nga bibo ako, ayun, kinain at ininom ko na.

eto ung video nung nagpapaka-bibo ako. salamat kay Azrael. with matching encouragement galing sa mga team mates ko.



Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?


Miyerkules, Disyembre 9, 2009

Perstaym ko magpapacontest!

sumali at manalo!

gusto mo maka-Perstaym sa ibang lupalop ng Pilipinas? maka-Perstaym ng di mo kilalang pagkain? maka-Perstaym ng bagay na di mo pa nagagawa? pwede ba? PWEDEEEEE!

sumali sa aking pakulo. ang gagawin mo lang ay ang mga sumusunod:
  1. magsubscribe sa aking blog. (ilagay ang email address sa patlang sa ibaba)
  2. gumawa ng isang blog post na nagkkwento ng isang Perstaym travel experience. sa loob ng hindi bababa sa 200 salita.
  3. ang iyong blog post ay dapat naglalaman ng mga sumusunod:
    3.a link papunta sa post na ito at nagsasabing ikaw ay sumali sa pa-contest ko
    3.b Perstaym
    link (anchor text: Perstaym)
    3.c Perstaym
    bilang bahagi ng iyong pamagat
    3.d mag-iwan ng komento sa blog na ito kasama ng iyong pangalan, link ng iyong entry at email address.
  4. dapat ay taga-Metro Manila at karatig-pook ka lamang.
ang mga may nais sumali ay iraraffle sa pamamagitan ng Random.org at mananalo ng isang sertipikong nagkakahalagang LIMANG LIBONG PISO (Php 5000.00) sa 7,107 Cruise. ang contest na ito ay hanggang ika-11:59 ng gabi ng ika-19 ng Disyembre lamang at iaanunsyo sa blog na ito ng alas-9 ng umaga kinabukasan.

magmadali! minsan lang ito! bwahahahaha.

---EYOW PHOE!---
dahil sa magandang feedback e nais ko pong i-EXTEND ang contest na ito hanggang sa ika-11:59PM ng noche buena (December 24) para mas marami po ang mga makasali. sa mga na-haggard at nagmadali para gumawa ng post, salamat po sa pagsali. sana kayo ang manalo. :D

paalala na ichecheck ko ang mga entries nyo kung tutugma sa mga mechanics ko. LUFET!

Perstaym ka bang makakakuha ng updates ko?

Biyernes, Disyembre 4, 2009

Perstaym ko sa Tagaytay Highlands!

at last nakapagstay na rin ako sa Tagaytay. pero this time trabaho ulit. nagpa-event kasi ang office ng golf tournament para sa clients at friends. excited ako sa event dahil gusto ko rin makakita ng maggogolf. ayun, lalo pako naexcite kasi nga sa Tagaytay Highlands ang venue namin. Tagaytay Midlands Golf Course to be exact. dati kasi dinadaanan ko lang ang Tagaytay pag pupunta ako ng Batangas. pero ngaun nanawa ako sa lamig ng Tagaytay at sa lapit ko sa Taal Volcano.

nung una, pinapangarap ko lang ang pagpunta sa Tagaytay Highlands. dko tlaga akalaing makakarating ako dun. bukod sa mahal at wala talaga akong budget, private sya masyado at members lang ang makakapasok. depende na kung may functions. pero no, nainvade ko sya! bwahahahaha...

mejo hapon na rin nung nakarating kame sa Tagaytay. tamang nakita ko ang magandang sunset sa Tagaytay. as usual, ang gagawin ko, magpicture. pasensya na, first time tlaga e. tapos namin magcheck in e bumaba na kame sa Midlands para magsetup ng banners. ang banong omar e d nagdala ng jacket at naka-shorts lang. ayun, habang bumababa ang araw e unti unti nakong nagiging vampire sa sobrang lamig. *twilight mode* tapos nataon na bilog na bilog ang buwan kaya naging Jacob nako. hahaha.. ewan ko lang kung may nasusuka na sa ilusyon ko.

tapos nagdinner kame sa Highlands Clubhouse. maganda din dun. pero nandun ang ultimate test ng lamig. partida pa e umiihip ang hangin. sa taas ng altitude e kelangan ko gumalaw galaw para mabuhayan ako ng dugo. at buti nalang marami ang inorder na heavy food. BULALO at SPICY SHABU SHABU FTW! appetizer pa ang crispy tawilis. at meron pang crispy pata. yun nga ang ginawa ko, gumalaw galaw at kelangan pagpawisan para d manigas sa lamig.

pagbalik namin sa hotel, tamang room temperature lang kaya d nako mxado nalamigan. nagpack kame ng mga loot bags, tapos final preparations then nagshower nako at natulog. pagkagising ko ng 4:45, shower ulit tapos nagready na bumalik sa golf club. then unti unti nang dumating ung players. tapos nagbreakfast na kame.

nung wala na masyadong gagawin e humiram kame ni joy ng golf cart. nung una kong tinry, e bumangga kame sa dingding. lolz buti nalng malambot ung kotse kaya wlang damage. so sya muna pinagdrive ko. tapos unti unti kong natutunan kung pano idrive ang golf cart. si joy lang gumagawa kapag mxadong matarik or mahirap ang likuan. sa daan namin e nakita namin ung mga players. minsan inaabangan namin yung mga papalo at tinignan kung hanggang saan yung bola. sayang walang naka-hole in 1.

by 1pm, may mga players na natapos na. another registration and pick-a-prize sa mga may gusto. then we proceeded with the awarding. kame ng bossing ko ang host ng ceremonies. gaganda ng mga prizes. congrats din sa mga nanalo. yung mga hindi na-claim na minor pick-a-prize e pinaghati-hatian na namin. tapos onting picture picture sa views. ang walang kamatayang jumpshot e ginawa din namin.

ang saya! lolz

Martes, Disyembre 1, 2009

Perstaym ko sa Cebu

sa paglipat ko ng trabaho e marami agad na nakaka-excite na nangyari. natupad na ang pangarap kong maging lakwatsero sa gitna ng trabaho. haha.. dpa nga ako nakakapasok sa opisina e na-leak agad na lalamyerda na ako. first destination: CEBU! yes, CEBU -- yung may B. kaya pagpasok ko e kinilala ko agad ung mga makakasama ko. d naman tlaga lakwatsa ang gagawin dun kundi meron kaming business trip. event kumbaga. ok lang naman, makarating lang talaga ako ng CEBU. hehehe

nakasakay na naman ako ng eroplano. so dina perstaym document un. pero maaga palang, mga 3 hrs earlier kame nagpunta ng airport. on the way e nagkwentuhan at mp3 trip. pagsakay ng eroplano e may screen na pala sa harapan mo. pwede na mag-games at manood ng Just for Laughs habang nasa ere ka. so nag-Solitaire ako.

paglapag namin sa Cebu e halos walang pinagkaiba sa Maynila. yun nga lang, mas maliit ang kalsada dun kesa sa EDSA. malinis din. marami akong nakitang establishments. nadaanan ko ang SM Cebu, Parkmall, at mga hotels patungo sa aming destinasyon.

nagcheck in kame sa Cebu Parklane International Hotel na kasalukuyang tinatayo ang Christmas tree at kinakabit ang mga Christmas decor. happiness sa colors! tapos napunta ako sa room 825 kasama ang 2 sa mga officemates ko. then lunch kame sa Ayala Center na umorder ang mga kasama ko ng CNT Lechon Cebu at ako naman e nagsisig lang. 100 kasi ang presyo ng 1/4 kilo ng lechon.


Ayala Cebu food strip

of course masarap ung lechon. and after maglunch, pumunta na kame sa kanya kanyang destination para magdistribute ng invitations para sa event. mejo mahirap din un.

pagbalik namin sa hotel e pahinga muna at nanood ng Cinema One palabas ang isang pelikula ni Snooky Serna, Albert Martinez at Gloria Romero. tapos nung mejo maghapon na, nilipat ko sa GMA. nawindang ako kasi akala ko nasa Manila pako. nagbibisaya yung mga anchor. haha... later pala yung 24 Oras with Mike Enriquez and Mel Tiangco. at least yun tagalog na. at naka-headline ang paglipat ni Claudine Barretto sa GMA.

bumalik kame sa Ayala. yun lang kasi malapit lapit na establishment na mura-mura ang pagkain mula sa hotel. maganda ang food strip nila dun. pero sa Pizza Hut kame kumain.

pagbalik ng hotel e nagsetup na kame para sa event. dumating ang mga fliers na ilalagay sa mga guest kits na aattend sa seminar for entrepreneurs.

food art

kinabukasan, breakfast galore. happiness din yung buffet at food decor. tapos prepare na kame for event. para akong magbebenta ng insurance dahil naka long sleeves ako. i also get to meet the distinguished speakers for the event. lam nyo yung laruang Brain Twister ska Word Factory? isa sa mga speakers un. hehe

Hilton Hotel Lobby

nung matapos yung event, umonti na ang bagahe namin. pero kelangan agad naming magprepare papunta sa Hilton Hotel para magdinner with the speakers. sosyal! nandun din yung part-owner at sponsor naming si Manny O. yung may-ari ng Manny O. Wines. masarap, try it! beach front at may fire dancers overflowing with food ang dinner namin dun.

bago lumalim ang gabi e hinatid namin ang speakers sa hotel tapos gumimik na kame sa malapit na bar. PUMP BAR yun parang Embassy ang dating without the fog machine. madaming Koreans. pati kame napagkamalang Korean ng Arabong lumapit samin. deds ang mga kasama kong babae. inenjoy nalang namin ang Tequila at sounds sa loob. pagbalik ng hotel, nagshower ako tapos bagsak sa kama.

mga 7AM nagising nako. himalang wala akong hangover. breakfast ulit sa ibaba ng hotel tapos prepare na para umuwi.

muntik na kameng ma-late sa flight. kasi before 1130 saka palang kame dumating ng airport. pero na-manage pa naming makabili ng mga pasalubong dito sa Manila. ayun onti lang naman. mahirap kasi maraming bitbit. buti nalang d kame iniwan ng eroplano kung hindi matatagalan pa kameng magstay sa Cebu.